Chapter 60: Coming Home

1.2K 50 9
                                    


Noong sinabi ni Belinda na hindi raw madaling mag-adjust, kahit hindi pa niya sabihin, hindi na talaga ako nadadalian sa adjustments.

Hindi pa nga nakakaalis si Kyline, iniiyakan ko na. Para tuloy akong naulila nang pangatlong beses.

May sarili akong bahay kaso ayaw nga kasi ni Belinda na naroon si Eugene. Parang hindi naman daw kasi bahay sa dami ng papel na nakakalat noong napadaan sila. Kaya ang nangyari, ginawa naming tambayan ni Clark ang bahay nila.

"Personal nanny" ni Eugene ang kabarkada ko at wala kaming choice.

Hindi dahil may certificate si Clark sa pag-aalaga.

Hindi dahil ka-close ko siya.

Hindi dahil katiwa-tiwala siya.

Kapag hindi siya ang kasama ni Eugene, walang natatahimik sa aming lahat ultimo si Manang.

Noong nag-break si Clark kasi may kailangan siyang asikasuhin sa mayor's office, hindi talaga namin alam kung paano patatahanin si Eugene.

Ayaw ng gatas. Kahit kargahin, wala. Kahit si Kyline na nasa Hong Kong at umaasa na lang sa video call, wala rin. Tumahan lang siya noong nag-video call ako kay Clark.

Sa isip-isip ko pa, "Hindi kaya kinulam ni Clark 'tong anak ko?"

Hindi nakauwi si Ky noong sinabi niyang after two months, uuwi na siya. Gusto ko na ngang sunduin sa kabilang bansa, e. Pero siyempre, hindi ko kaya 'yon.

Busy raw sila ng daddy niya sa business. Tingin ko, legit din, kasi kung ano ang news ni Ky sa akin, iyon din ang news ni Sir Adrian kay Tita Hellen.

Ang hirap ng LDR.

Mali. Mas mahirap yung LDR na nga, wala pang label.

June, para akong binato ng school requirements. Akala ko, kay Eugene ako mapupuyat. Nakalimutan kong engineering nga pala ang kinuha ko. Putang ina, kung alam ko lang na nakakangarag kapag puro na major, sana nag-shift na lang ako sa mas madaling course.

"Fire and alert, fire and alert."

Busy ako sa paggawa ng blueprint sa living room nang makita ko si Clark na karga-karga ang anak ko—pero lalo akong natigilan nang makitang yung pagkakahawak niya, parang armalite si Eugene.

"Enemy spotted." Tumayo siya nang deretso saka itinutok ang ulo ni Eugene kay Gina na nagbababa ng stock nila. "Bratatatata!"

"Clark, put—" Hindi ko natapos ang mura ko nang batuhin siya ng ruler. "Kapag napilayan 'yang anak ko, hahatiin talaga kita sa lima!"

"We're under attack! We're under attack!" sigaw pa niya saka nagtago sa dingding papunta sa kusina. "I need backup!"

"Hahahaha!" Tawa lang nang tawa si Gina. Kahit si Eugene na ginagawang laruan ng tarantadong 'to, tawa rin nang tawa.

Sampung buwan na si Eugene. Kaya na ring maglakad pero ayokong palakarin agad maliban kung kusa nang tumatayo para maglakad. Mas malikot na rin saka bibo. Siguro kasi yung tagaalaga niya, galawgaw rin kasi.

Ang dami kong ginagawa sa school—halos ubos buong araw ko sa school, e ang dami kong hahabuling subject. Fourteen hours ko, sa school talaga. Matutulog ako, suwerte na ang apat na oras. Kaya nga hanggang tabi lang ako kay Eugene kasi hindi ko siya kayang asikasuhin. Ayoko ring patagalin ang schooling ko kasi two years pa ang bubunuin ko, parang ayoko na ngang mag-aral.

Tatawa-tawa si Clark nang tumabi sa amin.

"'Tol, 'tol, tingin mo 'to." Inupo niya si Eugene sa rug, doon sa tabi ng coffee table kung nasaan ang ginagawa ko. Nilagyan niya ng unan ang paligid ng baby.

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon