Chapter 55: Smile

1.2K 64 6
                                        


"Nasabi ni Linda ang nangyari. Hindi ko na itatanong kung ayos ka lang ba, anak. Halatang hindi."

Sumulyap lang ako kay Manang habang sinasalinan niya ako ng juice na hindi ko naman ipinautos pero nagdala pa rin siya.

Saglit siyang naupo sa bandang gilid ng inuupuan ko kaya inurong ko ang binti ko para makaupo siya nang maayos.

"Leo, anak . . ." Marahang tinapik-tapik ni Manang ang kaliwang hita ko. Mahinahon ang boses niya, pinakikiusapan ako. "Alam ko—alam namin ni Linda—kung gaano kahirap maging magulang. At sandaling panahon na lang, magiging magulang ka na rin."

"Pasensiya na, Manang, pero kung uutusan n'yo ho akong makipag-ayos sa daddy ko . . ." Umiling na lang ako para sabihing ayoko kung sakali man.

Ang bigat ng pagbuga ng hininga ni Manang at tinitigan akong mabuti. Ako na ang nag-iwas ng tingin saka tumanaw sa malayo.

Wala nang pag-asa ang daddy ko. Kung magsisi man siya, baka kapag huli na ang lahat. Sinira na niya kami—sinira na niya ang lahat ng expectations ko. Wala nang magagawa kahit mag-sorry pa siya minu-minuto.

"Hindi ka namin pipiliting makipag-ayos sa daddy mo, anak. Si Linda, buwisit na buwisit doon, kanina pa niya minumura sa loob."

Gusto ko sanang tumawa kaso masyadong pagod ang sistema ko para tumawa sa sinabi ni Manang. Kamura-mura naman kasi talaga si Daddy.

"Hindi ko pa nakikilala ang ama mo, pero naniniwala akong hindi ka magiging gaya ng taong minumura ni Linda sa loob." Tinapik ulit ako ni Manang sa hita saka siya tumayo. "May pasok ka hanggang mamayang gabi, di ba?"

Tumango naman ako.

"Huwag ka munang pumasok. Hindi ka rin paaalisin ni Linda nang ganyan ka."

Umalis na rin si Manang pagkatapos.

Bumabalik na naman sa akin ang pakiramdam ko noong mutik na kaming makulong. Yung wala akong ginagawa pero pagod ako. Yung gusto ko na lang tumulala maghapon kasi nag-iisip pa lang ako ng gagawin, pinapagod na ako ng mga nasa utak ko.

Gusto ko pa sanang mag-aksaya ng oras sa pagtambay sa pool kaso ayokong pabayaan si Kyline. Kagagaling lang namin sa clinic. Hindi naman delikado ang lagay niya, pero baka kasi mag-alala na nandito ako e, bawal nga siyang ma-stress.

Bumalik na rin ako sa loob, at pansin kong tahimik lang sila. Kung magsalita man, bilang na bilang. Ayoko ring sumagot kasi napapagod ako kapag nag-iisip ako ng sasabihin.

Sa tagal ko nang galit kay Daddy, yung galit ko, parang ayoko nang ilabas. Kasi napagod na rin akong magalit sa isang bagay na hindi na kayang ayusin.

Magagalit ka kasi hindi siya nakikinig.

Magagalit ka kasi hindi siya umuunawa ng sitwasyon.

Magagalit ka kasi yung dapat na ginagawa niya, hindi niya ginagawa.

Paulit-ulit kang magagalit habang paulit-ulit din naman siyang hindi nakikinig. Wala nang sense maglabas ng emosyon na destructive para sa 'yo habang wala namang pakialam yung isa. Ikaw lang ang nahihirapan imbes na siya.

Hindi naman ako perpektong tao, pero kung magiging tatay ako, hinding-hindi ko gagawin sa anak ko ang ginawa sa akin ng daddy ko.



♥♥♥



"Leo . . ."

"Mmm?"

Inabangan ko ang sasabihin ni Ky pero tiningnan lang niya ako deretso sa mata. Pero kahit naman hindi siya magsalita, alam ko na ang itatanong niya. Expressive ang mga mata ni Kyline kaya hindi ako nangangapa ng iisipin.

ABS #3: LEOPOLD SCOTTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon