"Ano'ng sabi n'ong kambal?" tanong ko habang nasa biyahe kami pabalik sa bago kong bahay."They wanted some info about Elton's group. Pero meron pa silang hinahanap na hindi ako familiar, but Calvin knew some of them," sagot ni Rico.
"Dude, mas familiar pa yata si Clark sa modus nila," sabi ni Calvin.
"Sino raw ba?" tanong na ni Clark.
"Sina Joko," sagot ni Calvin.
"Uy, gago, hahaha!" Idinaan na lang ni Clark sa tawa ang sagot kay Calvin pero mukhang kilala nga niya. "Bakit tinatanong ng mama ni Ky? Iimbestigahan nila?"
"She said she'd give us the reason pero dapat sure ang info," kuwento ni Rico. "If we decide to speak, bukas daw ang bahay nila, daan na lang daw kami." Napatingin siya kay Clark. "You know something, dude?"
Ngumisi si Clark. "Dude, delikado sina Joko. Pero friendly naman sila basta huwag mo lang tatablahin."
"Hindi ba delikado 'yon kung ilalaglag mo?" tanong ko na.
"Off-limits ako kina Joko, 'tol," sagot niya sa 'kin. "Pero kung info, marami akong mabibigay sa mga Brias. Pero, siyempre, hindi libre 'yon."
"She said we can visit Kyline and Leo sa kanila any time," paalala ni Rico.
Naghintay kami ng sagot kay Clark. Nakanguso lang siya habang pinag-iisipan ang tungkol doon.
At dahil nag-iisip siya, malamang na hindi good deal sa kanya ang dalawin kami ni Kyline. Hindi ko rin alam kung bakit niya kami kailangang dalawin, sa totoo lang.
"May kakausapin muna ako bago ko patulan 'to," sagot ni Clark. "Si Dadi, baka interesado siya sa brand ng bala na ibinebenta sa shop ng mga Brias. Baka puwede akong makakuha ng advanced orders sa kanila kapalit ng info."
Masasabi kong naging maganda ang resulta ng naging pag-uusap namin kanina tungkol sa kaso namin ng barkada ko. Malinis na raw ang records nina Rico. Inurong na rin ang kaso sa akin. Wala na akong iintindihan pa tungkol sa mga pulis at imbestigasyon at kung ano pang tungkol sa posibilidad na makulong ako.
Malaking bagay na iyon sa akin kasi ibig sabihin, hindi ko na kailangang mag-alala na baka maiwan ko sina Kyline at Eugene sa labas habang nakakulong ako, kung sakali man.
♥♥♥
Hindi ko pinangarap magkaroon ng sariling pamilya. Wala sa plano ko ang magpakasal. Wala sa hinagap na magbabalak akong magka-girlfriend, lalo ang magkaasawa at magkaanak.
Pero kahit yata hindi planuhin, kung darating, darating talaga, kahit anong iwas mo pa.
Ang due date ni Kyline, November 7 o 8. Nagre-ready na kami para sa paglabas ni Eugene. Pero October 25 pa lang, ginimbal talaga ako ng sinabi sa akin ng ni Doc Anne.
"Bumababa ang oxygen level ng baby. Kailangan na niyang i-Caesarian."
Nagpa-checkup kami ni Ky. Nasa gun shop sina Gina at Belinda. Second to last checkup na dapat ito kasi November 5, dapat nasa maternity clinic na kami.
Pero putang ina, ang tagal pa ng November 5, sinusuotan na ako ng asul na damit taos papatungan pa ng white scrub suit. May pinasuot na clog shoes at nagpa-panic na lahat habang lutang ako at nag-iisip, "October 25 pa lang. Saglit, ano'ng nangyayari?"
May nurse na nagtutulak ng mayo table na maraming nakapatong na gunting, may malalaking syringe, ang daming bulak saka scalpel.
Ang sabi, mag-stay raw muna ako sa may doorway. Pagdating sa doorway, pinalipat ako sa waiting area. Pagdating sa waiting area, hinanap naman ako sa loob ng operating room. Pagdating doon, pinalabas muna ako para mag-sanitize, tapos pinabalik na naman ako. Pero pinalabas ako ulit kasi may pipirmahan pa raw pala muna. Tapos pinag-sanitize ulit ako. Kahit gusto kong magmura, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...