Chapter 59: Goodbye

956 46 3
                                    

Trigger warning: Read at your own risk.



Noong iniyakan ni Patrick si Melanie, hindi ko naintindihan 'yon. Umiyak ako sa babae noong mama ko ang nasasaktan. Kasi mama ko 'yon. Pero yung iiyak ako sa babae na hindi ko naman kaano-ano o kadugo, hindi ko makita ang dahilan.

Sinasabi ni Will sa kanya, babae lang 'yan, Pat. Maraming babae diyan, mamimili ka na lang!

Kompleto ang barkada ko ngayon sa baong bahay ko sa West, pero ni isa sa kanila, hindi ko narinig na sinabi sa akin ang lahat ng sinabi namin kay Patrick noong ito ang umiiyak sa babae.

Hindi ko narinig si Rico na pinagagalitan ako sa katangahan ko.

Wala akong narinig kay Will na salita tungkol sa kung ano lang ba si Kyline at bakit hindi siya dapat iyakan.

Ultimo nga si Patrick na inaasahan kong aasarin ako at sasabihing, "Akala ko ba, babae lang 'yan?" Tahimik lang din.

"Nag-text si Mommy Linds, checkup daw ni Ky bukas sa psych," balita ni Clark. Sa aming lahat, siya lang ang kayang kumausap kay Belinda na hindi man lang kinakabahan para sa sarili niya.

Hindi naman na nakakagulat kasi ang kapal nga ng mukha niyang makikain doon samantalang wala naman siyang patagong ulam.

Nakasunod ang tingin ko kay Clark na kasa-kasama ko sa pag-aalaga kay Eugene. Galing siya sa labas, bumili ng meryenda namin.

Pinalayas ako ni Belinda sa bahay nila. E, umuulan. Hindi kami makagala ng barkada. Pero buti na lang at nakapunta silang lahat kahit alam kong mga busy sila.

"May date ako bukas," sabi ni Calvin. "Ipasyal mo muna si Ky."

"Ano namang connect ng date mo kay Kyline?" tanong ni Clark.

"'De, gago. Pinaayos ko yung butterfly garden kina Ninong Jo. Baka oks si Ky doon."

"Angas! Butterfly garden, yaman!" Nag-apir pa si Clark at si Calvin. "Paano date mo?"

"Hotel na lang kami."

"A, putang ina, kaya pala. May hidden agenda si mokong."

"Baka magalit date mo," sabi ko kay Calvin.

"Hindi magagalit 'yon. Hindi nga niya alam yung garden, e," sagot ni Calvin. "Saka mas okay na rin kay Kyline na nakakapamasyal. Ilang linggo na siya sa bahay. Kahit ako rin naman, made-depress kung nakakulong lang ako sa kuwarto buong araw."

Nandiyan ang buong barkada ko para sa akin. Alam kong may kanya-kanya na silang ginagawa ngayon, at ganoon din ako. Pero kung may isang bagay man akong ipagpapasalamat sa kanila, 'yon na siguro yung kahit gaano sila ka-busy, kung may time sila para pumunta, pumupunta talaga sila. Galing lang ng office si Patrick. Si Rico, naka-uniform din. Si Calvin, wala naman yatang trabaho 'to maliban kung tatawagan ng daddy niya. Si Clark, busy sa pag-aayos ng lending company namin. Si Will, nagsisimula na ng pangarap niyang fitness center.

Tapos ako, eto, sinusubukang bumuo ng pamilyang wala naman talaga sa plano ko.

"Paano 'yon, Leo?" tanong ni Rico. "Doon sa stepmom ni Ky yung baby, for now. Then, what? Balik sa dating setup?"

Napailing na lang ako. Hindi ko rin kasi alam. "Titingnan pa siguro bukas after checkup."

"Clark, di ba, nakakadalaw ka kina Ky?" tanong ni Will. "Ano'ng meron doon?"

"Ayokong mag-self-diagnose para kay Kyline, pero present talaga ang baby blues," sagot ni Clark. "Hindi functional si Ky ngayon kaya kung ako si Mommy Linds, hindi ko muna iiwang mag-isa si Ky kasama yung baby. Delikado kasi 'yon, gaya ngayon."

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon