Chapter 10: Contacts

845 47 7
                                    

Hindi ako mapakali. Maaga ang out ko, lunch time. Katatapos ko lang kumain at paderetso na sana sa office ni Sir Bobby.

Malayo-layo ang daan from PLM to Ortigas. Naglalakad ako papuntang Isetann sa may Recto nang i-text si Clark.

Leo: Dude, check mo nga paso ni Kyline ngayon

Clark: Gago may klase ako

Leo: Inamo may klase nagse-cellphone. Tuktukan kita diyan

Clark: May klase nga ako! Parang gago to e. Bat di na lang ikaw pumunta? Ikaw naman nakapaso

Kung puwede lang, e. Kaso baka kasi galit sa akin, iniwan ko kasi kahit napaso ko na.

Saka malay ko ba roon, e hindi naman ako ang may background sa medicine dito?

Saka pupunta pa ako kay Sir Bobby.

Leo: Crush mo yun di ba?

Clark: Ano naman?

Leo: Gago ka, pinagtitripan mo lang yata yon, sapakin kaya kita
Leo: Puntahan mo na
Leo: Tanong mo kung masakit pa ba kamay nya
Leo: Tas tanong mo kung anong kailangang gamot bibilhan ko
Leo: Tas tanong mo kung kumain na ba, bilhan ko na lang pampalubag-loob

Clark: Tanginamo edi sana ikaw na lang pumunta

Leo: MAY EXAM NGA AKO POTA
Leo: PUNTAHAN MO NA SAGLIT LANG YON!

Clark: Makapag utos ka ikaw naman may kasalanan niyan ungas!

Leo: PUPUNTAHAN MO O HINDI?

Clark: Eto na nga, aalis na nga tangina ka talaga ket kelan

Sa aming magbabarkada, si Clark ang madalas umani sa amin ng pambu-bully. Hindi naman sa hindi naaawa, pero si Clark lang kasi ang hindi fragile sa aming lahat-include ko na ang sarili ko dahil aware naman ako sa shortcomings ko. Hindi kasi siya madaling magalit kahit naiinis na siya.

Hindi naman sa gusto kong mag-cutting si Clark para kay Kyline, pero alam naman niya ang limit niya bilang estudyante. Siya pa naman ang tipong kahit mukhang tatanga-tanga, hindi siya susunod nang basta-basta lang kahit tinatakot na. Ni hindi ko nga alam kung marunong bang matakot ang gagong 'yon.

Sa aming magbabarkada, mas nauna pa siyang maka-graduate ng high school kaysa kay Rico kung araw lang ang pagbabasehan. We were joking about him being so slow as a student kasi naniniwala nga raw siya na kung 75 ang passing grade, 75 lang ang kailangan niyang grade. The rest, hindi na niya kailangang habulin kasi hindi naman required.

He was hitting that grade consistently, hindi tumaas, hindi bumaba. Isang row, puro 75. Pinag-remedial at pinag-retake din naman 'yan ng exams niya, at na-perfect niya lahat noong sinabihan siyang kailangan niya ng mataas na grade para lang makapasa. I knew Clark more than the rest of my barkada. He knew Pat more than us at wala sana sa grupo si Pat kung hindi niya tinangay na parang kuting na napulot lang sa kalsada. He favored Will more than anyone of us since isa si Will sa least favorite sa amin. Siya ang sumasalo ng mga deficiency namin, and I could remember Rico's parents comparing him to Clark being the favorite son. Hindi nga namin alam kung paano niya nagagawa ang mga ginagawa niya. Madalas, wala pa siyang sinasabi, nakakakuha na siya ng atensiyon.

He's just playing with everything, at isa iyon sa ayokong ugali niya. Seryoso kasi ako sa ginagawa ko; siya, hindi. Pero kung dumating man ang time na magseryoso si Clark, baka isa 'yon sa mga pagkakataong never kong hihilinging mangyari.

Nakita ko nang magseryoso siyang minsan, and something bad happened afterward. We're just playing along with him, and it's better that way. Kapag kasi hindi rin kami nakikipaggaguhan sa kanya, iisipin niyang hindi na namin siya kaibigan.

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon