Chapter 14: Surrender

768 41 8
                                    



Jupiter and Pluto.

Doon kami nagsimula ni Rico. Kami ba ang namili n'on? Nope. Automatic nang Leo the Lion ang code ko at Early Bird si Rico. Alam na namin 'yon. Si Muscleman, si Will. Si Mickey Mouse, si Clark. Si Pretty Boy, si Patrick. That was us. Kapag may nagtawag sa amin sa ganyang pangalan, alam na naming kami ang tinatawag.

However, hindi 'yon pumasang code. Iba ang nag-decide para sa amin. Madali para sa kanilang maglapag ng pangalan namin kasi hindi naman kami umaalma. After all, hindi naman kami naroon para magpabibo. Ang kailangan namin, ang kotse ni Patrick. Naging Mickey Mouse Clubhouse nga kami nang wala namang pumayag sa amin sa ganoong pangalan, e.

Sa isang grupo, merong handler, financer, at may runner.

Financer ang tawag nila sa naglalabas ng pera. Handler ang nakikipag-usap sa mga organizer para tumaya at may hawak sa player na sasali sa race. Runner ang role ng mga naghahanap ng gig o ng mga pustahan.

Financer kaming lahat, pero ang may pinakamalaking ambag, si Will. Kung tutuusin, siya ang eager suportahan financially si Patrick para mabawi ang Lambo. Hindi siya ang pinakamayaman sa amin, and that was the point. Walang titingin ng bank account niya kahit pa magtago kami roon ng maraming pera.

Hindi puwede si Rico dahil hawak ni Tita Tess ang bank account niya.

Hindi puwede si Clark dahil ayaw niya, period. Sanay kaming pabibo siya at agree sa lahat ng sabihin at utos namin. Pero kapag ayaw niya, lalo sa ganitong sitwasyon, nirerespeto agad namin 'yon dahil hindi siya tumatanggi nang walang mabigat na dahilan—alam man namin o hindi ang dahilan niya.

Mas lalong hindi puwede si Patrick dahil ubos na ang savings niya sa kotse niyang nasa kung saang impyerno naroroon ngayon. Pero working na siya ngayon as clerk kay Sir Bobby para lang pamalit sa allowance niyang ipinanghuhulog pa niya sa kotseng wala sa kanya. Trabaho ko nga dapat ang work niya pero kinuha na niya kaya ako naman ang nawalan. Sayang tuloy ang offer ni Sir Bobby.

Ako naman, hindi ako puwede. Lahat ng allowance na bigay nina Daddy at Mama, nasa bank na ayokong galawin. And besides, sabi ko nga sa kanila, hindi ako maglalabas ng pera para sa kabobohan ni Patrick, at wala silang karapatang magreklamo kasi unang-una, nakikituloy sila sa apartment ko sa halos araw-araw. Pangalawa, ako ang nagpapaaral sa sarili ko hindi gaya nilang lahat na may mga magulang na suportado sila.

Mid-May, malapit na ang pasukan. Hindi pa namin nababawi ang Lamborghini ni Patrick. Ilang beses akong tinawagan ni Sir Bobby kung may balak pa ba akong pumasok sa company niya sa August. At ilang beses ko ring pinigil ang sarili kong huwag magsalita tungkol sa kagaguhang ginawa ng bunso niya.

Itinuloy namin ni Rico ang planong dalawa kaming handlers ng grupo. Ibig sabihin, kapag tumaya ako sa isa, tataya siya sa isa. Kapag nanalo ako, malamang na talo siya. Kapag nanalo siya, malamang din na talo ako. Either way, may galaw sa budget namin para sa isang gabi.

Nagpaturo kami ni Rico kay Patrick kung paano maglaro ng poker. Kahit si Clark pala, marunong din. Kahit mah jong. At sabi naman nila, wala pang tatlong oras, alam na namin kung paano maglalaro.

Hindi 'yon totoo. Isang oras lang, alam na namin agad.

Tinuruan ko naman sila ng hand sign at kung paano kami kakausapin mula sa malayuan gamit ang sign language.

Binalikan namin ang tagong casino sa Seaside Boulevard.

That was the first time na pumasok kami—eighteen years old, sa casino—na ang plano namin, manalo at matalo nang sabay.

50 thousand, inilabas na namin lahat sa isang gabi lang.

Kailangan naming matalo nang dalawang beses, manalo nang tatlo. Saka kami aalis kahit pa maganda na ang laro.

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon