Tanggap ko nang hindi kami magkakasundo ni Belinda Brias. Ikaw ba naman ang bigyan ng napakaraming death threats kada kita ninyo, at kung tingnan ka, parang china-chop-chop ka na sa imagination, ewan ko na lang kung magkasundo pa kayo ng ganoong klaseng tao.
Mabait si Kyline. Siguro gawa ng medyo pagong ang utak kaya mabait. Wala nang kaso sa akin 'yon. Tanggap ko si Ky kung talagang hanggang doon lang ang kaya ng comprehension niya. Pero itong mama niyang nakapa-intrimitida, ewan ko ba kung matatanggap ko ang ugali nito.
Kapag nirespeto mo, ang ibabato sa 'yo, nanggagago ka lang. 'Tang ina, lunok na lunok na nga lahat ng pride ko kada kausap ko sa kanya, manggagago pa 'ko?
Pero wala. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa 'kin. Kung ayaw niya, ma-highblood siya diyan, wala akong pakialam. Nandito ako sa kanila kasi nandito ang anak niya. Pumayag muna siyang dalhin ko si Kyline sa malayo para hindi kami magkitang dalawa.
"Leo, anong oras ka aalis mamaya?" mahinhing tanong ni Kyline habang inaalalayan ko pababa sa pool. Nakahawak lang ako sa magkabila niyang kamay, nasa harapan niya ako at nakatingin sa tubig para maaninang ang tinatapakan niya.
"Mga 10:30 siguro. Bago umuwi, dadaan ako sa Binondo para sa moon cake mo," sagot ko.
Dinala ko siya sa gitna ng pool, doon sa hanggang balikat niya ang lalim.
"Dalhin mo lagi ang phone mo, ha?" utos ko. "Pagdating ko sa school, tatawag agad ako."
Tumango naman siya. "Okay."
Pinahawak ko siya sa balikat ko habang nakaalalay ako sa baywang niya. Doon siya nag-stretching ng baywang at binti. Mas magaan din ang galaw niya roon kaysa kapag nasa floor mat.
Mas gusto ni Ky na nasa tub o kaya sa pool kasi raw hindi sumasakit ang tiyan niya. Kung puwede lang siyang patulugin sa pool, dito ko na lang talaga siya patutulugin para hindi siya laging umiiyak tuwing gabi dahil sa sakit.
Busy ako sa pagtutok sa kanya nang mahagip ng tingin ko sina Gina na nagpalit pa ng swimsuit mula sa suot nila kanina.
Mga walang magawa sa buhay talaga 'tong dalawang 'to.
Si Gina, nakasuot ng parang kamukha ng sportsback bra ni Kyline na hindi ko alam ang tawag, at bikini. Si Belinda naman, nakasuot ng one-piece swimsuit na kulay itim na talagang minata ko dahil high cut leotard. Mahilig sa ganoon si Mama lalo kapag may yoga session siya. At lalong nagmukhang matangkad ang mama ni Kyline dahil sa swimsuit.
Napalingon tuloy si Ky sa tinitingnan ko.
"Mom . . ." mahina niyang pagtawag na imposibleng marinig ng mama niya. Nakanguso si Kyline nang humarap ulit sa akin, parang malungkot pa.
"O, bakit?" tanong ko.
"Ang ganda ng mommy ko, 'no?" sabi niya pero malungkot.
Ngumiwi agad ako. "Yuck."
Kinuha ko na ulit ang kamay niya para ituloy namin ang exercise.
Kung katawan at looks ang pagbabasehan, hindi ako kokontra kung may magsasabing maraming lalaking nagkakainteres sa mama ni Kyline. Duda rin ako na isa siya sa nangangailangan ng serbisyo ng sa mama ko. Bata pa lang ako, exposed na ako sa magagandang babae. Naging common na kasi sa isang dermatologist at cosmetic surgeon na kumuha ng models na talagang makaka-trigger ng insecurity ng mga hindi ganoon ka-blessed ng magandang genes para magpa-alter ng looks nila.
Kaya rin hindi ako madaling ma-tempt ng mga babae kasi may something sa work ni Mama na nagpabago ng perspective ko sa pagtingin sa kanila. Kung araw-araw kang makakakita ng maganda, hindi na sila maganda sa paningin mo. Average na lang sila kasi common na sa paningin. Kaya nga sa aura at mindset ako bumabase kapag tumitingin sa babae.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...