Third year college na ang buong barkada samantalang second year pa lang ako. One whole year sa FE Manila as arki student. Two years para sa mechanical engineering at applied physics nang sabay. Dalawang summer at isang buong taon para sa applied physics. Saktong bago ako mag-second year sa ME, may academic degree na ako.
Kung tutuusin, puwede na akong huminto sa pag-aaral at deretso trabaho na, pero iba pa rin ang may bachelor's degree.
Nakatulong na buong taon, hindi kami halos nagkikitang magkakabarkada matapos kaming paghigpitan. Nakapag-take pa ako ng night classes sa AP habang morning and afternoon classes naman sa ME. Ilang subjects na lang ang hindi na pinakuha sa akin kasi na-take ko na sa FE Manila. Kahit paano, nabalanse ko pa ang schedule ko sa araw-araw.
At dahil si Sir Bobby ang naghigpit sa akin, siya rin ang source of allowance ko. Ayoko sanang tanggapin pero sabi lang niya, para hindi na ako mangulit, ide-deduct na lang daw niya sa sahod ko once makapag-work na ako sa kanya.
This year, ipinasok ako ni Sir Bobby sa Citilife Finance.
Sabi ko pa, nag-take ako ng applied physics hindi para mag-bookkeeping. Sobrang layo nga, e. Office job 'to. Ang inaasahan ko, field work. Pero doon ako sa department ng car loans and insurance napunta.
Kung tutuusin, ang dali ng trabaho. Sabi ng mga kasama ko, nakaka-stress. Pero ewan ko? Siguro, mas ramdam ko ang stress sa chemistry and physics kaysa accounting. Especially, ang accounting na ipinahawak sa akin, sobrang basic pa. More of marketing at introduction din ng car models ang madalas kong gawin. Partner ako ng insurance agent sa pagbenta ng products from company nina Sir Bobby hanggang sa Citilife. Kapag may client na balak mag-avail ng kotse pero for installment, magpe-present kami ng models na kaya ng budget ng client.
It was a surprise na noong pinag-office ako, isa ako sa humawak ng loan ni Patrick sa monthly amortization niya para sa Lamborghini niyang makukuha pa niya nang buo before siya mag-fourth year college.
Legit na napamura pa rin ako noong nalaman ko ang computation ng Lamborghini niya. 24 months niyang huhulugan 'yon, and sa computation ng contract, ₱262,583.33 ang nakalagay na net monthly amortization niya, less and added na ang tax, interest, and other deductions.
Sa isip-isip ko, bakit hindi ginawa ni Patrick na five years. Kaso kahit pa five years, 100k per month pa rin 'yon. Malaki pa rin. Saan kukuha si Patrick ng ganoon kalaking pera every month?
Doon ko lang din nalaman na hindi pala nakita ni Patrick ang documents ng Lambo niya. Sinabi ni Sir Bobby na ide-deduct na lang daw ang ibabayad sa allowance ni Patrick.
E, sampung libo lang ang allowance ni Pat per week. Sa loob ng two years, 1.04 million lang ang perang maiipon ni Patrick kung doon siya kukuha sa allowance alone.
Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sir Bobby na ako ang paghawakin ng documents ni Patrick or what, pero hindi ako natuwa sa nakita ko.
Sabi namin, hihinto na kami sa reason kaya kami nawalan ng freedom for the whole school year.
Freedom is not free. And love is something Patrick might afford, but it cost him a lot to have it. That even we should pay for it.
Sobrang inosente ni Patrick kung tutuusin. Puwedeng equivalent na rin na tanga pa sa realidad ng buhay kasi pampered siya sa special dimension niya. Kaya siguro kami ang natakot sa adjustments na ginawa niya para lang makalaya siya sa home schooling.
Sabi ko kay Rico, hindi makakaipon si Patrick ng six million sa pa-allowance lang. Kailangan pa namin ng maraming pera.
Bumalik kami sa pustahan. But this time, hindi kakarera si Patrick. Malaki ang chance naming matalo roon.
BINABASA MO ANG
ABS #3: LEOPOLD SCOTT
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...
