Isa sa reasons kaya ayoko munang magka-girlfriend habang nag-aaral, I was taking a lot of studies to survive.
Basically, time is essential for a love life. Attention, focus, and intimacy. It was technical for me since if we're gonna use our minds to segregate our emotional capacity to love and our physical capacity to provide that love for another person, sa case ko, it was almost impossible to enjoy both worlds. Para ka lang kumakain nang sobra at biglang maeempatso.
Hindi ko makita ang sarili kong nagpapakahirap sa schoolworks at trabaho habang may babaeng kailangan kong bigyan ng atensiyon. Sobrang complicated.
Pero yung feeling na choice mong maging single pero love life ng barkada mo naman ang umi-stress sa 'yo?
Akala ko—akala namin—naka-move on na si Pat doon sa Melanie. January, February, Mid-March, wala siyang sinasabi. Walang babae sa bibig ni Pat that time kaya akala namin, over na.
Tapos biglang . . .
"I'll try again."
"Try na?" tanong ko habang busy sa laptop.
"I'll court her. Baka puwede na."
"Dude, ang dami diyan, wala ka bang ibang mapili?" reklamo ni Clark.
"Last na 'to. If nothing happens pa rin, I'll stop na."
Nakikita ko sa mata ni Patrick na desidido talaga siya sa plano niya. Ayokong pumayag, at mukhang mag-a-agree sa akin ang barkada kung sakali man. Pero gusto ko ring makita ni Pat na kung wala nang hope dito sa crush niya, tumigil na siya.
And besides, wala naman siyang matinong panliligaw na ginawa roon sa girl. Ang ginawa lang naman niya ay sumulpot randomly sa harap n'on at mag-propose ng kasal.
E, kung ako ang babae, baka kinasuhan ko pa siya at binigyan ng temporary restraining order!
Ang creepy kaya niya. And he did that twice!
"Fine. Last na," sabi ko na lang, kasi naaawa rin ako kay Pat. Pinagtatawanan na lang kasi namin, pero last year pa kasi 'to. Dapat naka-move on na siya.
E, kilala ba naman namin 'yong Melanie?
Kilala namin kay Pat. Nakita naming naka-costume last Halloween Party. Pero yung makikilala namin personally na talagang getting-to-know-each-other thing, wala. Ewan ko kay Clark kung pinapansin niya 'yong Melanie, pero mukhang wala rin siyang interes at isa rin sa nabubuwisit sa kakulitan ni Pat.
Signing ng clearance, closing ng schools. Kung tutuusin, pare-parehas na naming final decision ito pagdating sa pag-tolerate sa kabaliwan ni Pat.
Haggard na nga kami sa exams buong mid-term hanggang finals, pero siya, mas inuna pa niya 'yong babaeng hindi siya pinapansin. Para namang mamamatay siya kapag hindi siya sinagot n'on.
Last week namin sa school, pasahan ng projects and requirements para sa final grades, buong barkada ang dala ni Patrick habang umaaligid kami sa gilid ng LaCo. Meron daw siyang kikitaing babae, pero hindi 'yong Melanie.
Kung pasikatan ng pangalan, mukha, at ugali lang ang pagbabasehan, taob kaming lahat kay Patrick. Kapag magkakasama kami, siya ang madalas pansinin, tapos ngingitian pa niya saka babatiin. E, di tilian naman ang mga babae. Hindi pa naman snob 'tong lalaking 'to.
"Dude, she's coming na," sabi ni Pat, nagpa-panic na. Ilang beses sinuntok-suntok ang braso ni Rico habang may papalapit sa aming babaeng kulot saka nakasuot ng jologs na red, green, and yellow na shirt and pants.
"Hi . . ." nahihiya nitong bati kay Pat. Nag-ipit pa nga ng buhok sa likod ng tainga pero tumikwas din naman pagkatapos.
"You're Jinalyn?"
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...