Hindi na bago sa akin na nagmamatahan kami ng mama ni Kyline, at hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya maliban sa "mama ni Kyline."
Ayaw niya ng tita kasi hindi naman daw niya ako pamangkin. Ayaw niya ng ma'am kasi hindi naman daw niya ako estudyante. Ayaw niya ng Mrs. o Miss Brias kasi nakatira ako sa bahay nila at wala siya sa trabaho. Kaya kung hindi "Oho," laging ayoko na lang magsalita kapag kausap siya.
Hindi ko pa sila nakakasabay sa dinner kasi laging lunch at may araw pa noon kapag dumadalaw ako. E, ngayon, whole day na. Kasabay ko na nga sa mesa, wala pa si Sir Adrian. Si Manang na lang ang natitirang backup ko sa bahay na 'to laban sa sigang nanay ni Kyline.
Inaalagaan ko si Kyline nang mabuti. Sabi nga nina Rico, OA na raw. Pero paanong hindi magiging OA? Sinasabi ni Ky, parang wala raw siyang kasama sa bahay. Parang isolated siya. Parang display lang ako. Nasabihan pa akong kaya niyang mabuhay nang wala ako. So, ano na? Tunganga na lang ako?
Lagi kong inaasikaso si Kyline kapag kumakain. Siyempre, gusto ko, malusog siya—sila ni Eugene—saka nakakakain nang maayos. Kahit hindi na ako kumain, basta makita ko lang na busog siya, ayos na ako roon.
"Ubos mo na?" tanong ko nang silipin ang patatas na kinakain niya.
Nanghihingi ako lagi kay Rico ng pagkain na puwede sa buntis. Okay naman ang doktor sa diet ni Kyline kaya itinutuloy-tuloy na namin.
"Leo, kumain ka na rin," paalala ni Manang.
"Opo, Manang." Ibinigay ko na kay Kyline ang dessert niyang mixed fruits.
Pasimula pa lang ako ng pagkain ko nang tanungin ako ng mama ni Ky.
"Di ba, may pasok ka bukas?"
Sumagot naman ako. "Meron po. 1 to 5, afternoon class."
"Ano'ng oras ka umuuwi?"
"Depende po sa traffic saka kung may ipinabibili si Kyline. Pero after class, umuuwi na rin po ako." Sumubo na agad ako para hindi makasagot kung sakaling tanungin na naman.
"Hindi mo pa rin ba dadalhin dito ang parents mo? Next month, uuwi na rin si Adrian. Until now, wala pa rin kaming balita. Pasara na ang kaso nina Corvito, ano na'ng balak mo?"
Bumagal ang pagnguya ko nang mabanggit na naman ang mga magulang ko.
Si Mama, ayokong dalhin dito. Mabait si Mama, alam kong hindi ako magkakaproblema kung pipiliting akuin namin ang baby ni Kyline. Pero ayokong dalhin si Mama rito para lang dikdikin nitong mama ni Kyline.
Halos magmakaawa ang mama ko para lang hindi ako makulong, tapos dadalhin ko pa rito? Paiiyakin ko na naman si Mama kahit wala naman siyang kasalanan?
Si Daddy, magkakamatayan muna bago niya tanggapin si Kyline.
"Nandito ka dahil sinabi ni Manang na okay ang pag-aalaga mo kay Belle," dagdag ng mama ni Kyline, ayaw paawat. "Pero hindi puwedeng hanggang dito ka lang. Hindi habambuhay buntis ang anak ko."
Alam ko naman 'yon. Kaunting hintay na lang, magkakabahay na rin ako nang sarili. Susunod na buwan, makakalipat na ako. Kayang-kaya ko nang dalhin si Kyline sa bahay ko.
"Alam ba ng parents mo na nandito ka? Tinatawagan namin, laging kina-cancel ang appointments namin sa kanila."
Sumagot na ako sa sinabi niya. "Hindi naman po ako nakatira sa parents ko. Hindi na nila ako responsabilidad, at hindi ko rin sila kailangang isama rito para makausap n'yo."
"Ayaw rin ba ng parents mo na nandito ka sa bahay ko?"
"Ayokorin naman hong nasa bahay nila kaya nga ako bumili ng sarili kong bahay atnagre-rent ng sariling apartment. Hindi n'yo na rin ho kailangang i-remind saakin na hiwalay kayo ni Sir Adrian at napalaki n'yo si Kyline nang magkahiwalaykayo. Involved ang mama ko sa ibang lalaki at may ibang pamilya ang daddyko, at alam kong alam n'yo 'yon," dere-deretsong paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
ABS #3: LEOPOLD SCOTT
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...
