Chapter 34: Dedicated

1.2K 59 19
                                        


"Huy, gago, seryoso 'yon?"

Tumango lang ako sa sinabi ni Clark. "Nag-uusap na yata sila tungkol sa baby namin ni Ky. Pero sabi ko, hindi ko ipapa-abort 'yon unless kritikal si Ky saka yung baby. E, magpapa-checkup pa lang bukas. Kung walang problema, manahimik na lang sila diyan."

Summer naman, hinihintay na lang namin ang graduation ni Pat dahil tapos na silang lahat maliban sa akin. Hindi kami makapag-out of town dahil nga may kaso pa at baka raw magtago kami kaya naka-hold pa rin kami habang naghihintay ng progress.

Wala na naman kaming choice kundi tumambay sa mansiyon nina Patrick at doon sa pool mag-stay.

"Bakit daw gustong ipa-abort?" tanong ni Will kaya napatingin ako sa kanya sa inuupuan niyang chaise lounge.

"Ang sabi ni Tito Bobby sa akin, itong daddy ni Ky, ang reason, rape victim nga raw kasi ang anak niya. So baka may health complications or something sa baby kasi nga, naka-drugs si Ky that night at forced ang nangyari. Ang iniisip nila, baka raw may birth defects ang baby kapag lumabas na o kaya hindi kayanin ng katawan ni Kyline kasi wala naman sa plano 'to," kuwento ko. "Pero pinag-iisipan pa nila kung itutuloy depende sa result ng checkup sa OB. Kung okay naman, hindi nila gagalawin. Si Daddy, ang reason niya, drug pusher nga raw kasi si Kyline. He handled different drug cases sa associations, so he knew the whole scheme. Ayaw niyang ma-involve ako roon kasi may kaso pa rin ako. Magwo-worsen lang ang situation kapag hindi inagapan. At mas okay na raw na ngayon na gawin kaysa 'yong may heartbeat na." Napahimas tuloy ako ng noo. "Alam mo yung may point sana sila kasi kami ang concern pero . . ." Napangiwi ako sabay buga ng hininga sa sobrang frustration.

"Pero may point yung daddy ni Ky," dismayadong sabi ni Calvin, nguya lang nang nguya ng popcorn sa tabi ni Patrick na tagahawak ng bowl. "What if—kunwari, ha—may birth defects nga?"

"Mga isa lang mata, gan'on?" tanong ni Clark, na babatuhin ko sana ng throw pillow kaso pag-angat ko pa lang ng unan, napaisip na ako.

What if ganoon nga? What if putol ang braso? O kaya walang tainga? O kaya sobra ang daliri?

Parang kawawa naman ang baby namin n'on. Baka maging tampulan pa ng tukso paglaki.

Nag-uusap-usap pa sila pero lumilipad na ang utak ko sa kung saan. Kinakabahan ako sa sinabi nila na baka nga may birth defects ang baby namin ni Kyline.

Napakuha tuloy ako ng phone kahit tinatanong at pinag-uusapan nila ang tungkol sa kinuwento kong pag-uusap ng parents ko saka ni Kyline kasama si Tito Bobby.

Nag-search ako ng cause ng birth defects.

Lalong lumakas ang kaba ko dahil sa mga nabasa ko.

Puwede raw makuha through genetics. Kahit naman gago ang tatay ko, wala naman siguro silang defects. Yung height siguro, pero hindi naman defect 'yon. Hindi naman ako higante. Kina Kyline naman, counted ba ang pagiging slow ng utak ni Ky? Defect ba 'yon?

Nakalagay naman sa nongenetic causes; paninigarilyo, pag-inom ng alak, saka drugs habang buntis.

Habang buntis . . .

Pero hindi naman na siguro siya nagda-drugs after naming mahuli.

Naubos lang ang barkada bonding namin na tahimik ako at research nang research sa Google ng iba't ibang article tungkol sa birth defects. Halos isa lang ang sinasabi.

Common na ang cleft palate, may cerebral palsy, o kaya may Down Syndrome ang baby.

Kaya nga kinabukasan, mula sa site kung saan kami nagpa-practical, dumeretso agad ako sa clinic kung saan magpapa-checkup si Kyline. 11 a.m. daw ang appointment niya sa doktor kaya nga tiniis-tiis ko ang init sa labas ng clinic para lang hintayin sila.

ABS #3: LEOPOLD SCOTTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon