"Parang masarap kumain ng mami, yung sa may Raon."Tumingin ako kay Clark, nakangiwi siya sa akin. Sunod si Rico na pinandidilatan ang center table na laman ang mga meryenda namin. Sina Will, Patrick, at Calvin, biglang nagsipag-iwas at pumaling sa kabilang direksiyon mula sa inuupuang couch.
"Don't tell us, bibilhan mo na naman si Ky?" bored na tanong ni Clark.
"Baka lang gusto rin niya," sagot ko.
"Dude, may number kami ni Ky pero wala naman siyang binabanggit na request. Ikaw, kung makahanap ka ng pagkain, parang ikaw ang buntis, a."
"Imposibleng nahakbangan 'yan," sagot ni Will. "Hindi nga makaupo kina Kyline, hahakbangan pa?"
"Baka nga lang," katwiran ko na naman.
"E, di dumayo ka ng Quiapo! Shoo!" Tinaboy pa ako ni Clark.
"Gago, nagsasabi lang ako." Binato ko agad siya ng throw pillow.
Ewan ko ba, nitong mga nakaraang linggo, pawirdo na nang pawirdo ang naiisip kong kainin.
Minsan, bumili ako ng pakwan tapos isinawsaw ko sa alamang. Ang weird ng lasa pero masarap naman. Inalok ko n'on si Kyline kaso sabi niya, nasusuka raw siya sa amoy . . . hindi ng alamang kundi ng pakwan.
Bumili rin ako ng atis saka ginawang shake. Pinatrabaho ko kay Manang noong wala si Sir Adrian at pinagbantay ako kay Kyline isang hapon.
Okay kami ni Ky roon kahit na pahirapang maghanap ng atis sa Muntinlupa saka Makati.
Nag-ulam din kami ni Kyline ng sliced avocado na toppings sa giniling na ginataan at hinaluan ng curry powder at white onions. Naalala ko pa ang tingin sa amin ni Manang. Para kaming mga aswang na kumakain ng tao sa dining area nila tapos siya ang nandidiring nakatingin sa amin ni Kyline. Siya rin naman ang nagluto n'on para sa amin.
Sina Clark, nakakabiyahe by land kaya minsan, kapag galing sa bakasyon, nag-uuwi ng pasalubong para sa akin na paghahatian din namin ni Kyline. Kaya nga umay na umay na sila sa mga kawirduhan ko na hindi ko naman hinihingi dati.
Sobrang hands on ni Sir Adrian sa work saka sa pangalawang asawa niya. Si Kyline, twenty na rin naman. I don't think na dapat pa ba siyang bantayan na parang bata. Kaya siguro pumayag na rin silang ako ang mag-alaga kay Kyline.
Hindi ko pa nakakausap ang parents ko, pero nagdesisyon akong pumasok pa rin sa school. Nag-enroll ako para sa fourth year ko, pero hindi ako nag-take ng ibang units na may laboratory. Hindi ako nagpa-enlist sa mga subject na 'yon kaya apat na subjects lang ang papasukan ko sa buong first sem.
Ayokong mag-stop, pero kailangan kong mag-compromise.
Ang plano, aalis ako kina Tito Bobby, maghahanap ako ng bagong apartment. Pero sumaktong aalis din si Sir Adrian pabalik sa China para sa work kaya kahit mabigat sa loob, pumayag na silang mag-stay ako sa bahay nila para maalagaan si Kyline.
Pero may conditions pa rin. Hindi kami sa isang kuwarto matutulog—kahit pa buntis si Ky.
Pumayag pa rin ako. At least, hindi na ako bibiyahe. Pero . . . na-shock ako nang doon na ako tumira sa kanila. Siguro kasi mas na-expose na ako kay Kyline at sa pagbubuntis niya.
"Ky?"
First night ko sa bahay ng mga Brias, balak ko sanang tanungin si Kyline kung gigisingin ko ba siya bukas o si Manang na bago ako pumasok, pero naabutan ko siyang umiiyak.
Grabe ang kaba ko kasi baka gawa ng takot o trauma o kung ano man na related sa nangyari sa aming dalawa ang dahilan ng pag-iyak niya.
Nagmamadali ko siyang nilapitan saka ako naupo sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomansaWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...