The Gods.
Honestly, pet name lang 'yan ng grupo namin. Noong una, para sa akin, mas okay na 'yan kaysa ibang pangalan. But later on, naisip kong parang mas okay pa kung nag-stick na lang talaga kami sa Mickey Mouse Clubhouse na group name.
We got Leo the Lion, Early Bird, Pretty Boy, Mickey Mouse, Muscleman, and D. We definitely sounded like a bunch of nerdy kids playing some stupid games because it looked cool on us.
Noong mga nakaraang taon, ayaw pa namin ng Mickey Mouse Clubhouse kasi offensive 'yon para sa amin. But when The Gods happened, ibang pressure ang ibinigay sa amin ng lahat.
When people talk about Zeus, they automatically think about that guy who plays in the casino, winning thousands of pesos every night.
When they talk about Hades, no more questions; the richest among the group. He could risk millions of pesos on a single game. During a live race, Hades was the only bettor who showed the organizers a total of two million pesos in cash on hand.
When they talk about Apollo, they will think about his golden chariot, also known as his brand-new yellow Lamborghini, and the wealthiest racer in the field based on his net worth.
It was overwhelming and provoked all the elements hiding on the dark side of Manila after the sunset.
Ang daming gustong sumali sa amin na ang pakay ay kapareho ng kay Calvin.
After all, isinali lang naman namin si Calvin para may background kami sa pagbawi ng Lambo ni Patrick. Siya pa ang napili ni Rico kasi close din siya kay Melanie. Knowing Rico, ayaw niyang paisa-isa ng trabaho.
Halos lahat ng lumapit sa amin para lang gawin naming kagrupo, kung tutuusin, kalebel lang din naman ni Calvin.
Pero ilang beses na naming ipinaliwanag na hindi kami nagre-recruit kasi hindi kami naroon para gumawa ng sariling organisasyon. Naroon kami kasi may pakay kaming personal.
Nagsimula kami noong summer ng freshman year namin hanggang ngayong halos karamihan sa amin pa-graduate na ng college.
Fourth year na ang buong barkada maliban sa akin. Third year pa lang ako, may fifth year pa kasi engineering course. May elective na akong kinaiinggitan ni Patrick kasi under ng automotive.
Plano na namin na after ng graduation nila, stop na kami sa ilegal na pustahan. Wala na rin naman kasing sense magpatuloy gaya ng iba na ginawa nang hanapbuhay ang pustahan tuwing gabi.
Nabawi na ni Patrick ang Lamborghini niya.
Wala na rin naman si Kyline sa casino kasi nag-practicum na sa airport. Gusto na lang naming umalis sa nagpahirap sa buhay-estudyante namin.
Pero mukhang ayaw kaming paalisin ng gabi sa dilim na meron siya.
Start ng second sem, inabangan si Patrick sa labas ng university. Although, hindi siya puwedeng galawin pero may threat na naman sa kanya.
Sanay na kami sa death threats o kahit anong warning pa 'yan—mas lalo na ako. Pero ibang klase kasi ang threat ngayon kay Pat. Wala naman siyang binanggit na detalye kasi hindi naman siya ganoon kadaldal pero ako na ang umalam kasi ayoko n'ong makakaladkad na naman siya sa problema at si Sir Bobby na naman ang aayos.
Naghahabol si Patrick ng thesis at business plan niya at sinamantala ko na para hindi siya maisama. Dinaanan ko ang grupo nina Elton sa Seaside para tanungin kung anong problema nila kay Pat.
Wala naman sila sa tambayan nila sa tapat ng casino. Doon ko sila naabutan sa tapat ng seafood market na nagsasara na. Nakaupo sila sa hood ng pangarera nilang sasakyan. Saktong si Duke lang ang kasama niya saka ibang babae nila kaya hindi ako kinabahan dahil mag-isa lang ako.
BINABASA MO ANG
ABS #3: LEOPOLD SCOTT
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...
