"Hoy, Chua. Sinusundan mo ba 'ko?""Ha? Hindi, a!" Ang likot ng mga mata at nagulat na lang ako nang sa sumunod niyang pag-atras, bigla siyang nahulog sa sementong bakod. "Ay!"
"O!" Napatayo tuloy ako at akmang tutulungan siya kaso . . .
"Sorry po! Sorry!"
Mabilis siyang tumayo saka kumaripas ng takbo palayo sa akin. Nang makapunta sa likod ng fountain, iika-ika pa siyang naghihimas ng hita niyang naunang bumagsak.
Litong-lito ako sa nangyari habang pinanonood siyang lumiko papuntang terminal ng jeep sa kaliwa ng post office.
Sobrang weird ni Kyline.
Ah, not weird. Ang creepy na niya.
One month pa lang kami sa FE Manila, pero gaya ng ginagawa niya sa FE Alabang noong mga high school kami, inaabangan pa rin niya ako sa hallway. Take note the fact na magkaiba kami ng course, magkaiba kami ng schedule, magkaiba kami ng floor, magkaiba kami ng building.
Dumadayo talaga siya sa mga pinupuntahan ko para lang mag-Hi.
Kaya nga sabi ko na, tantanan na niya ako kasi ayoko sa kanya.
Hindi ko na dapat papansinin kaso itong barkada ko, gumatong pa ang mga animal.
Yung apartment ko sa Estrada, along the road lang. Parte ng compound, dalawang floor na limang unit na magkakatabi. Nasa first floor last door ako. Kasya ang isang pamilya kung tutuusin, basta ba huwag maghahangad ng spacious na unit. Ang sala, kuwarto, kusina, nasa iisang lugar lang. May maliit na banyo katapat ng kusina.
Wala akong ibang appliances maliban sa rice cooker at one-liter airpot. May dalawang bean bag na donasyon ni Clark.
Yung foldable mattress, imbes na isa, naging tatlo para puwedeng gawing sofa kapag hindi nakalatag. Si Patrick naman ang may gusto nito kasi ayaw niya ng masikip, ayaw ng mabaho, at ayaw niya ng nararamdaman niyang nasa urban poor area siya.
Si William ang nagbigay ng mga rubber mat. May mga dinala pa siyang barbell at dumbbell para sa gym routine niya—na idinamay na ang buong barkada kasi ayaw niyang mag-isang naghihirap sa trip niya. Kung may nakasanayan lang siguro ako sa routine niya, malamang ay 'yong parusa sa amin ng corps commander namin before kami mag-college.
Si Rico ang may pinakamalaking ambag sa aming barkada kasi siya ang breadwinner slash walking silo namin. Marami kasing tinatapon na pagkain ang company nila, at 'yong mga tinatapon, edible kung tutuusin. Minsan, kaya tinatapon, hindi kasi physically attractive o rejected lang kasi hindi pumasok sa standard packaging. Iyon ang hinihingi niya sa kanila. At iyon ang kinakain namin araw-araw.
We have our comfort zones sa sari-sarili naming mga bahay. Pero gaya nga ng paniniwala ko, the world is a cruel place. May something pa beyond that comfort zone na kailangang harapin kasi hindi kami habambuhay na magkukulong sa bahay. Especially, our home is far from what our definition of home should be.
Kauuwi ko pa nga lang galing school, nasa loob na sina Will. Si Pat, naglalaro sa PSP niya. Si Will, nakabalagbag ng higa sa mattress habang bukas ang polo ng uniform, humihilik. Si Clark, sumasayaw sa tugtog ng Apologize ng One Direction mula sa maliit na speaker na dala niya.
"Nasaan si Rico?" tanong ko bago isinabit ang bag sa hook sa likod ng pinto ng unit.
Biglang bumangon si Will na namumungay pa ang mata sabay punas ng laway.
"Pagkain. Daddy Rico, pagkain. 'Gugutom na 'ko."
Naupo ako sa tabi ni Patrick at nakisilip sa nilalaro niya. Crash Bandicoot pa nga.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...