Warning: Read at your own risk
Noong hinarang kami ng mga bouncer, alam na naming trouble ang napasukan namin. Binabantayan kami ng mga bouncer mula sa pinaka-locker room ng club.
Nagtataka nga ako kung bakit may locker room samantalang club naman ang papasukin namin.
"Ilagay rito lahat ng cellphone," utos sa amin ng lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at maong na pantalon. Marami siyang tattoo sa katawan at may nginunguyang chewing gum. Naglapag siya sa desk ng plastic container na mukhang lalagyan pa nga ng ice cream para isuko ang mga gamit namin.
Nagkapalitan agad kami ng tingin nina Rico.
Sa totoo lang, alam na naming mangyayari ang ganito kapag may pinasok kaming club na tago sa public. Pero hindi namin inasahan na ngayon kami mapupunta rito.
Kapag pumupunta kami sa club, wala kami halos dinadala maliban sa cash. Nasa kotse ni Rico lahat.
Ang kaso, gym nga kasi ng Purok Siyete ang meeting place, hindi night club.
Wala pa man, humihingi na ako ng sorry kay Sir Bobby dahil paniguradong mawawala ko ang phone na bigay niya sa akin three years ago.
Walang dalang phone si Clark maliban sa iPod niya, ganoon din si Will. Si Rico, may dalang phone pero basic QWERTY phone lang. Si Patrick, dala ang isang iPhone niya. Meron siyang tatlong phone at nagpapasalamat na lang din akong dala niya ang gamit niya sa pambababae niya. Kaso mahal pa rin kasi ang iPhone. Si Calvin, isinuko na lang ang mga gamit niya nang walang reklamo. Para bang alam na niyang hihingin iyon sa ganoong lugar.
Hile-hilera sa locker ang iba't ibang phone. May mga number namang nakalagay kaya siguradong hindi mawawala. Binigyan kami ng number habang pinag-isa na lang ang lalagyan ng mga phone namin.
Pinag-log din kami at nakasanayan na namin ang pagsagot sa ganoong lugar.
Si Rico, ang nakalagay lang ay Hades El Sokkary.
Ako, Zeus Deonida.
Si Patrick, Pat Lau.
Si Clark, CJ Divinagracia.
Si Will, Sean William.
Si Calvin, Bing D.
Mula sa locker room, nalalampasan namin ang dressing room ng mga waitress at dancer sa club. Maingay sa parteng iyon dahil doon na rin naglalapagan ng trabaho at kung saang room magse-service.
Ang floor area kung saan maraming nagsasayaw, nasa left side ng club. Dumaan kami sa hallway na likod n'on hanggang papuntahin kami sa dulo at iliko sa kanan. May dalawang pintong magkaharap doon at sa kanan kami pinapasok.
Stag party raw ni Duke. Never kaming pumunta sa stag party kahit pa madalas kami sa bars and clubs para maghanap ng business doon para sa unregistered (yet) lending company namin.
Ayoko rin ng idea ng stag party. Siguro kasi hindi naman ako babaero.
Last day mo bilang single tapos magpapakalunod ka sa kanlungan ng ibang babae. Gagawa ka pa ng resibo ng away ninyo ng asawa mo pagkatapos ng kasal, e di parang tanga lang.
Malaki ang kuwartong nakuha nina Duke. Ang ingay sa loob. Madilim din. Parang eksena sa psychological horror na puro lang itim at pula ang lightings.
Nakaka-trigger ng libido ang music sa background. Parang nang-aakit. Pero masyado lang siguro akong na-expose sa horror movies, kasi kapag may ganitong tugtog, may mamamatay o kakataying character sa susunod.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomansaWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...