Every other day akong dumadalaw kay Kyline sa kanila. From Dasma, dadayo pa ako ng Dolleton para lang makabisita. Kapag nasa bahay nila si Sir Adrian, nakakapasok ako kahit ilang minuto lang. Pero kapag wala, hanggang garden lang ako at matagal na ang sampung minuto.Sinasabi nila na pinapagod ko lang daw ang sarili ko kasi may short course ako sa Makati tapos dederetso pa ako sa Muntinlupa. Pero para sa akin, ayos lang naman. Mahirap pero choice ko naman 'to.
Akala ko, hindi ga-graduate si Kyline dahil sa nangyari last February, pero hindi ko ine-expect na graduation nila sa last therapy session namin ni Patrick. At hindi lang 'yon, after ng ceremony, checkup pa niya sa OB.
Gusto ko sanang i-postpone ang therapy para masamahan siya pero nagpasabi na agad si Tito Bobby na ayaw na niya ng delay. Nahiya naman ako kasi siya ang nagbabayad sa doktor kaya nakiusap na ako sa barkada ko kung sino ang makakapunta sa kanila—o kung kaya ba nilang pumunta lahat kung puwede. Kaso wrong timing kasi sasabay sa graduation ni Melanie.
Ang plano noon pang January, kay Mel dapat kami a-attend after ng graduation nilang lahat. Wala naman kasi sa plano si Kyline, kung tutuusin. Kaya ayun, si Rico lang ang libre that day na may lakas ng loob na makita ang mga Brias at Chua.
Leo: Dude musta?
Rico: Leo, 11 AM pa ang tapos ng program.
Leo: Hindi ba maaga natapos?
Rico: Dude.
Leo: Baka lang.
Rico: Di ba dapat expecting na tayo ng extension kasi graduation today?
Leo: Nagtatanong lang
Rico: Dude, you asked the same thing over and over again since 9 AM. Come on.
Leo: Nagtatanong nga lang! Parang gago
Rico: HAHAHA
Rico: You should have canceled all your previous appointments sana so you can be with Ky today. Your fault din, Leo.Leo: Last na nga raw to. Tangina naman ako pa sisihin
Rico: HAHAHA you chose that.
Rico: Hey, everyone's going out na. I'll check for Ky.Leo: Hoy gago bigay mo yung flowers ha
Rico: Mmkay
Leo: Saka yung prutas, baka makalimutan mo
Rico: Yep
Leo: Yung sa checkup, makinig kang mabuti ha
Rico: I should be.
Leo: Saka tanong mo ano pa puwedeng kainin ni Ky
Rico: I sure will.
Leo: Tanong mo na rin pala si Ky baka may gusto siyang kainin, bibilhin ko para bukas
Rico: Alright.
Leo: Saka baka magreseta ngayon ng vitamins, send kang picture, bibilhin ko agad
Rico: Dude, you're overdoing it. I know what I'm gonna do.
Leo: Nagre-remind lang
Leo: Saka pala gatas. Baka ubos na yung gatas ni KyRico: Muadto ko sa hall. Kita lang ta unya.
Napairap na lang ako sa huling text ni Rico. Nagpapalit siya ng language na hindi ko kayang reply-an kapag ayaw na niya akong kausap.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...