"Ma, pupunta ka bang clinic ngayon?" Sinalubong ko si Mama sa garden, tumitingin sa mga bonsai niya. Nakasuot siya ng formal dress kaya baka may pasok siya."Mamayang 9. Papasok ka na?" Saglit siyang tumingala at saka ako yumuko para halikan siya sa pisngi.
"Opo. Tatawag ako bago umuwi. If nasa clinic kayo mamaya, doon na lang ako dederetso."
"Mag-aaral ka pa. May exam na kayo, di ba?"
"Dinner date tayo mamaya sa labas. Treat ko."
"Aw. That's so sweet of you."
"I'll go ahead. Sabi ni Ate Judith, nandiyan na ang school bus."
"Take care, darling."
"Bye, Ma! See you later!" And I gave her a flying kiss after that.
I wanted to take care of my mom every day for the rest of my life. Kahit sa kanya lang umikot ang buhay ko, ayos lang. Gusto ko lang siyang makitang maging masaya araw-araw.
Madaling pasayahin si Mama. Flowers, dinner dates, gifts. Sa ganoon lang, kaya ko na siyang pangitiin. Pero sa school, ewan ko ba kung sabog lang ang mga ka-schoolmate kong babae.
"Hi, Leo."
"Hi," bati ko. "How are yo—"
"Homaygaaaaaad!"
Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko, bigla nang tumili ang student sa kabilang section saka parang kangaroo na tumalon-talon sa hallway habang sumisigaw.
I hate girls, particularly someone like that girl who greeted me.
Yung wala ka pang sinasabi, minsan lilingon ka lang, pero kung makatili na, parang dinapuan sila ng gigantic ipis.
Madaling pasayahin si Mama, pero parang mas madaling pasayahin ang mga tao sa school. Yung klase ng saya na ayaw mo nang maulit pa kasi parang tanga.
"Leo!" Binangga agad ako sa balikat ni Gleamond bago ako inakbayan.
"Uy, Pres."
Matangkad si Gleamond, mas mataas nga lang ako nang two inches, pero siya lang ang nakakaabot sa akin sa mga kaklase ko. Siya ang president ng student council at captain ng men's volleyball team. Basketball dapat ang papasukan niyang team kaso kailangan ng captain sa volleyball. Either sports, magaling siya.
Siya ang binotong president para sa student government namin, pero mas lamang ang pagiging ghost president niya. Halos lahat ng trabaho niya, ako rin naman ang gumagawa. Taga-oo at hindi lang siya kung tutuusin sa mga sinasabi ko.
"Next week na ba ang start ng sa SPED program?" tanong niya habang sinasabayan ako papasok sa room namin.
"Yeah. Buti naalala mo, 'no?" sarcastic na sagot ko.
"Ay, sobra naman si VP. Naaalala ko pa rin naman. Tapos n'yo na ba yung lesson doon?"
"Last week pa. Ikaw lang ang wala."
"Tsk!" Napangiwi siya at nagkamot ng ulo. "Hahabol na lang ako this weekend. Busy sa practice, e. 'Daan muna ako sa faculty room." Tinapik niya ang balikat ko bago ako iniwan.
Actually, hindi malaking bagay para sa akin ang SPED Program kasi part lang ng extra-curricular activities, wala halos impact sa grading sheets. Pero noong nag-start na, parang . . .
Ewan ko ba.
May American Sign Language (ASL) teacher kami at buong student government body ang tinuruan ng sign language for the whole twenty days para maging student teacher slash student assistant ng ASL proctor. At isa ako sa mga SA para sa buong fourth year.
Thirty mute and deaf exchange students ang kasama naming magle-lesson for the whole month. May ASL teacher sa isang subject kasama ng subject teacher sa school namin. Since originally, sixty students kami for two sections, thirty doon ang pumalit sa school ng mga exchange student kaya sixty pa rin kami sa isang buong class. At dahil masyado kaming marami, hinati pa rin kami at magkahalo na ang dalawang section plus ang mga SPED student.
At mukhang napasubo ako sa pinasok ko.
May lumapit sa aking exchange student one time, during recess at nasa room naman na ang ilan. Tumingin ako sa name tag niyang naka-pin sa ID lace.
"Hi, I'm Marc Eddie! Nice to meet you."
Lahat ng exchange students, merong malaking name tag sa lace nila para hindi na nila kailangang mag-introduce.
"Hi, I'm Leo," sagot ko. Nag-salute ako at gumawa ng L sign gamit ang index finger, folded fingers para sa E, at O sign afterward bago ko ituro ang sarili ko.
Pinasada niya ang isang palad sa kabila nang hindi iyon nagtatama at pinagtagpo ang dalawa niyang index finger bago inulit ang hand sign para sa LEO. Saka siya gumawa ng hand signs na mas komplikado para maintindihan agad ng iba naming mga kaklaseng ngayon pa lang mag-aaral ng ASL.
"Do you know what the name of that girl at the back is?" tanong niya.
Tumingon naman ako sa likurang row. May tatlong babae roon.
"Who among them?" tanong ko habang hindi sigurado sa sign kaya nag-alphabet signs na ako para itanong kung ano'ng itsura ng tinutukoy niya.
"That one with the white headband."
"Oh! That's Kyline."
Eddie is a short guy. O baka matangkad lang ako. Pero mas matangkad pa rin naman sa kanya si Kyline, kaya malamang na short pa rin siya para doon. Kung itsura ang pagbabasehan, alanganin si Eddie para kay Kyline. Kung ako lang naman ang tatanungin.
Tinatanong ako ni Eddie kung puwede ko siyang tulungang makipagkilala kasi hindi raw nakakaintindi ng sign language si Kyline. Iniiwasan siya. And Kyline even made a note na nagsasabing hindi siya marunong mag-sign language kaya iba na lang ang kausapin ni Eddie. Hindi naman rude, shy-type rin kasi si Kyline. Siguro.
Sabi ko pa, si Eddie lang naman 'yan. Ang kaso, may sumunod pang tatlo. Nakikipagkilala kay Kyline.
Nagtataka ako kung bakit ako ang kinakausap. Kaya kinausap ko rin sila.
"You can ask for Rebecca's assistance to talk to her," sabi ko kay Dexter.
Napakamot agad siya ng ulo saka nag-sign. "You're the only guy who can understand us well. I'm shy, sorry."
Saka ko lang na-realize na puro nga pala babae ang student assistant sa amin. Si Gleamond kasi ang napunta sa kabilang school para mag-assist naman sa mga napunta roon.
"Can you help me, Leo?"
Limang exchange students agad ang nagtanong sa akin n'on for Kyline, at hindi ko alam kung paano sila tutulungan kasi iniiwasan talaga sila ni Ky.
Hindi naman na ako nagtaka kung bakit apple of the eye si Kyline ng mga bagong student. Kung mga regular nga rito, apple of the eye siya.
Sinubukan ko siyang lapitan one time para sana tulungan naman si Xyron. May letter si Xyron para sa kanya at sabi ko, ako na lang ang mag-aabot para hindi na sila magkaroon ng miscommunication.
At, ayun na nga, parang gusto ko nang pagsisihan ang inalok ko.
"Hi, Leo . . ." Pilit na pilit ang ngiti ni Kyline habang nakatingala sa akin mula sa desk niya.
"Uhm, ano . . . may ibibigay lang ako."
"H-Ha? A-Ano 'yon?"
Saglit akong sumulyap sa kanan saka naiilang na inilapag sa harap niya ang isang light blue envelope na may mga puso-puso pa.
"Basahin mo mamaya," sabi ko na lang.
Wala siyang isinagot, pero buong mukha niya ang namumula habang pinandidilatan ako.
"Sige, una na 'ko."
Ayoko lang na magkaroon sila ng miscommunication ni Xyron kasi hindi nakakapagsalita yung isa.
Malay ko ba na kami naman ni Kyline ang magkakaroon ng misinterpretation dahil sa love letter na inabot ko.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...