Ang takaw sa tulog ni Kyline sa hapon kasi nga puyat sa gabi kaya dinala ko na sa kuwarto muna ng mama niya dahil amoy pintura sa kuwarto naming dalawa. Hindi ganoon katapang pero naaamoy pa rin kapag dumadaan kami sa hallway at naduduwal nga raw siya.Meron naman nang remedyo roon sina Calvin, pero sabi nga nila, hindi naman instant na mawawala ang amoy ng pintura. Hihintayin lang ma-absorb ng charcoal, tubig, kandila, vinegar, saka lemon ang amoy. Sabi ko, ang OA naman na ang daming inilagay na kung ano roon. Pero sabi nga nila: more entry, more chances of winning.
Mga sira talaga.
"Buti pinayagan kayo ng mama ni Kyline," sabi ko sa kanila. Nagmemeryenda kami sa pool area habang nagpapalipas ng oras.
"Ang tagal na kaya naming nire-request 'yon," sabi ni Clark. "Last month pa."
Nagsalubong ang kilay ko. "Tapos hindi n'yo sinasabi sa 'kin?"
Inakbayan ako ni Will saka tinapik-tapik ang balikat ko. "Dude, full load ka na. Hindi mo puwedeng buhatin lahat nang sabay-sabay."
"Truth!" sagot agad ni Clark na nakaupo sa tabi ni Calvin.
"Maliit na bagay lang ang nursery room, Leo," sabi ni Rico. "At least, by this time, you don't have to worry about the baby's room na. Therapeutic din 'yon for Ky since she's expecting the baby a few months from now. Busy ka sa study mo saka inaalagaan mo pa si Ky. You've got no time to buy things for the baby."
"Gumastos pa kayo. Puwede namang hindi," sermon ko.
"Si Pat lang naman ang gumastos. Wala namang ambag na iba 'yan maliban sa pera, e," sagot ni Clark.
Ngumuso lang si Pat at nagkibit-balikat.
"Niregaluhan na nga ako ng motor ni Pat, wala pa bang ambag 'yon?" katwiran ko.
"Dude, that's for your service din naman. Para hindi ka na nagko-commute since you don't like a car nga, di ba?"
"Wala namang kinalaman sa baby 'yon," sabi ni Will. "Iba pa rin kapag may diapers saka bottles nang naka-ready."
"But Leo can go home as early as possible for Kyline since he can go sa shortcuts naman if traffic sa main road, dude. It's still for the baby. Just trust the process," depensa ni Pat.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa barkada ko.
Ako na nga ang late na makaka-graduate, ako pa ang mauunang magkaanak. Halos buong barkada ko, mga babaero. Tapos kung sino pa ang ayaw ma-involve sa babae, siya pa ang mauunang magkaanak. Napakamalas ko rin talaga.
"Wala pa bang name?" tanong ni Rico. "I mean, the baby's a male, di ba?"
"May suggestion ako," sabi ni Clark. "Gusto ko pangalan ng baby: Clark Jr., para sure na pogi, mana sa ninong."
"Kadiri ka, dude! Pati baby, hindi mo pinatawad!" Sabay-sabay nila siyang pinalo ng throw pillow dahil doon sa suggestion niya.
Ako nga, walang naiisip, e.
"Pero tanggap mo na?" biglang sabi ni Will.
Napahinto sila sa pagkuyog kay Clark sa tanong ni Will.
"Na ano?" tanong ko rin.
"Na love mo si Ky. Yieee!" nakangising dagdag ni Clark.
Mabilis ko siyang binato ng throw pillow sa mukha. "Tantanan mo 'ko diyan, Clark."
"Ba't kasi ayaw mong aminin? Gusto mo agawin ko si Ky sa 'yo?"
Hinatak ko ang throw pillow na kandong ni Patrick saka ibinato kay Clark.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...