Matagal ko nang alam kung gaano ka-inutil ang tatay ko pagdating sa akin at kay Mama, pero nahihiya pa rin ako kay Tito Bobby kasi halos siya na ang umaasikaso sa akin kahit pa dinadalaw naman ako palagi ni Mama sa mansiyon nina Pat.Ngayon, si Tito Bobby rin ang tumatayong guardian ko at kumakausap sa mga pulis. Hindi nila kami hinahayaang gisahin ng kung sino-sinong imbestigador dahil ang katwiran nga raw, "may trauma" at "under therapy" pa.
Nagte-therapy pa rin naman kami ni Patrick, pero mas lamang ang activity ko kaysa pahinga. Recreational activity ko na ang painting at, of course, sponsored ni Tito Bobby ang art materials. Kaya nga ang sinabi ko na lang, puwede niyang ibenta ang mga artwork ko bilang pambayad dahil doon naman talaga napupunta ang arts ko noon.
Actually, hindi siya lugi. Three weeks ago, may naghahanap sa kanya ng bagong painting na gawa ko, pero sabi niya, busy pa ang artist—which is ako—kaya babalitaan na lang daw niya ang mga naghahanap kung may bago na ba akong gawa. Hindi naman niya ako ginagatasan para sa paintings. At kahit pa sinabi kong bawiin niya roon ang bayad sa art materials, wala pa rin siyang ibinabawas sa pera ko.
Siguro nga, matalino talaga si Tito Bobby. Inipon niya kasi ang lahat ng certificates at receipts ng benta sa paintings ko at iprinesent sa mga imbestigador. Kahit ang previous arts' sales ko, kinuha rin niya. After a week, isinara na ng mga imbestigador ang imbestigasyon sa kung saan galing ang mga pera ko, lalo pa't tatlo sa 10x12 paintings ko ang naibenta sa bidding sa halagang 450 thousand hanggang 700 thousand courtesy of Marita Sy Foundation.
Inaasahan ng lahat na hihinto muna kami sa pag-aaral kahit two months na lang ang kailangan naming tapusin. Pero siguro nga, three years kami sa field, three years kaming exposed sa kung sino-sinong delikadong tao, three years kaming pumupunta sa madilim na bahagi ng Maynila nang walang ibang kasama kundi kami-kami lang din.
May trauma man sa barkada, pero hindi gaya ng trauma na inaasahan ng iba dahil nga tinakot kaming papatayin. Para ngang mas lamang ang takot naming malaman ng mga magulang namin kung ano ang mga pinaggagagawa namin nitong nakaraang tatlong taon kaysa sa takot namin kay Elton at sa grupo niya. Himala ngang walang baldado sa amin, e sanay pa naman ang grupo nila na may pinipilayan.
Two weeks ago, dumaan ang mama ni Kyline sa mansiyon nina Tito. Malamang hindi para kumustahin ako. Halatang walang interes noong una ang mama ni Ky na kausapin ako. Pag-upo ko sa tabi ni Tito Bobby, ang tanging sinabi lang niya sa akin, "Next week na ang latest lab result ni Kyline. Kapag may nakita kami roong hindi maganda, humanda ka."
Tapos umalis na sila ng kasama niyang babae.
Nabubuwisit ako, akala ko kung ano ang sasabihin. E, mula noong huling kita namin, iyon at iyon lang ang sinasabi niya.
Kada test, naghahanap ng infection, ng transmitted disease, at kung ano-ano pa, kahit pa sinabi kong wala pa akong nagagalaw na ibang babae maliban kay Kyline. Kaso ewan ko na sa kanila. Puro naman negative ang results, at kada contact sa amin, puro lang humanda ako ang sinasabi.
Matagal na akong nakahanda, sila lang yata ang hindi.
Ten days ago natapos ang kuhaan ng grades. At dahil naka-home school kami ni Patrick, delivered sa mansiyon ang grades naming dalawa.
Walang nagulat sa uno ni Patrick. Tingin ko nga, mas magugulat kami kung bumaba nang dos ang GWA niya.
Ako naman ang naka-2.95. Wala namang nagulat. Pero ako, oo. Mataas na nga 'yon. Wala kasi akong naipasang machine noong March. E, iyon ang pinaka-requirements namin sa finals kaya kating-kati akong maningil kay Elton. Inaasahan ko nga, pasang-awa lang ako. Wala rin akong laboratory at final project sa combustion at refrigeration systems dahil nasa bahay nga. Although, pinagpasa naman ako ng thesis kapalit n'on, pero hindi naman into written works ang engineering. Kaya ang sama ng loob ko sa dos. Hindi ko matanggap.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomansaWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...