She was my big never.Or so I thought.
Siya 'yong teenage girl na kapag lumakad sa hallway, dala lagi ang books niya, nakikipagngitian sa mga kasama niyang ibang girl students . . . she would stand out.
Siya 'yong student na plain white headband lang ang suot, long-haired na straight, may leather watch, neat uniform, simple white socks, and black school shoes na mababa ang takong ang gamit. Wala pang kahit anong makeup 'yon.
Siya 'yong student na laging inaabangan nina Nicky sa may stairway ng second floor. Ta-timing-an sa recess, magpapa-cute sa railing, babati ng "Hi, Kyline." Ipakikita ang bagong braces nila habang nakataas ang collar ng white blouse.
Bilang vice president of SSG, isa sa mga toka ko ang rumonda sa hallways para mag-monitor ng activities ng mga student. It was a task at first until the PTA Meeting happened.
Mid-July nang ganapin ang PTA Meeting. Kasama ko si Mama. Eight in the morning, Saturday, ang ganda ng araw. Maraming mga guardian and parent na pumunta, iilan lang ang students na nakikita ko.
Naglalakad ako sa hallway ng second floor, kabilaan ang rooms. Saturday, walang pasok pero may ilang mga student na gumagala sa mga room nila habang ongoing ang meeting sa theatre sa kabilang building.
Naroon siya sa gitna ng aisle, kumakanta. Sinasamantala ang ganda ng echo ng blank hallway.
"When I look back on these days, I'll look and see your face. You were right there for me . . ."
Ang ganda ng boses niya. Hindi ko sigurado kung gawa ba ng echo o natural lang ang tono niya, pero maganda.
Nakapamulsa lang ako, nakasunod sa kanya. O hindi naman talaga nakasunod kasi roronda naman talaga ako. Nagkataon lang na binagalan ko ang lakad ko habang nasa likuran niya.
"In my dreams, I'll always see you soar above the sky . . ."
Ang hinhin ng boses niya. Nakakaantok pakinggan.
Nakasuot siya ng white blouse saka pink skirt. And as usual, nakalugay pa rin at may suot na headband.
"In my heart, there'll always be a place for you for all my life—" Bigla siyang huminto saka lumingon sa akin. Nagulat pa siya pagkakita sa akin. "Sorry!" Paulit-ulit siyang nag-bow saka mabilis na tumakbo papuntang hagdanan pababa ng second floor. Sumilip pa siya sa akin sa huling pagkakataon bago tumakbo ulit pababa.
Kyline Bellamy B. Chua.
Kung lalaking senior student ka at hindi mo siya kilala, para kang malaking anomaly ng universe sa paningin ng lahat. Para ngang mandatory sa mga classmate kong maging crush siya. Tipong kapag hindi mo siya crush, automatic, bakla ka. Pero kahit 'yong mga bakla naming classmate—o kahit hindi classmate—crush din siya.
Siya 'yong kahit mag-PE uniform lang, ang ganda pa rin. Magsuot lang siya ng white shirt, running shorts, white running shoes, at mag-ponytail, may instant PEP Squad na siya every PE time sa section nila.
Mukha siyang manikang pingkit. Alanganing sungki ang magkabilang pangil. Alanganing bilugan at alanganing pingkit ang mga mata. Alanganing matangkad na alanganing maliit. Ewan ko. Alanganin ang perfect word na naiisip ko kapag nakikita ko siya.
Hindi ko siya crush. May ka-batch talaga siyang mas type ko—si Tammi—kaso wala akong planong magka-girlfriend. Saka gina-gangster din naman ni Tammi ang lahat ng manliligaw niya.
"Ligawan mo na lahat, huwag lang si Bellamy Brias."
I knew her as Kyline Chua, but Bellamy Brias made her infamous.
Sa hinhin niyang iyon, walang makakapagsabi na binabantayan siya ng isang pulis at isang sundalo sa kanila.
Kilala naming lahat ang mga Brias. And that PTA Meeting, I saw her with her guardian.
May kasama siyang matangkad na babae, nakasuot ng white V-neck shirt at denim jeans. Pero naka-cargo boots at may suot na Ray Ban. Malamang na hindi lang ako ang nakakaramdam ng authority sa babaeng 'yon sa gitna ng napakaraming parents na nakapalibot sa amin.
"Tita Shan, saan tayo magla-lunch?"
She was hugging that lady she called Tita Shan. Na para bang komportable siyang gawin 'yon kahit intimidating ang aura ng niyayakap niya.
"Leo, come here!"
"Yes, Ma, wait." Lumapit na ako kay Mama at tinulungan siyang bitbitin ang shoulder bag niya.
"Saan mo gustong mag-lunch?" malambing na tanong ni Mama habang nakatingala at nakangiti sa akin.
"May malapit na Shakey's dito. Doon na lang." Pag-akbay ko sa kanya, eksaktong paglapit sa amin ng adviser ko.
"Mrs. Filomena, thank you sa sponsorship. Pakisabi rin kay Coach Oswald, thank you sa support sa aming school. Sobrang na-appreciate ng faculty ang recognition. And we're glad na bibisita siya para sa coaching ng mga varsity player namin." Sinulyapan ako ni Ma'am Torres. "Leo, baka gusto mong mag-apply sa basketball team? For sure, matutuwa ang daddy mo."
Umiling agad ako. "I'd rather go with chess or declamations, ma'am."
Kitang-kita ko ang pagkadismaya niya, pero kahit ano pa ang sabihin nila, never akong mag-a-attempt sa sports.
Everyone was forcing me to enter basketball dahil lang sa height ko. 6'3" is tall for a sixteen-year-old teenager, pero ayoko pa rin sa gusto nila.
Pagdating namin sa parking lot, kitang-kita ang kotse ng isang Brias doon—kung kotse man ang tamang tawag sa sasakyan niya.
Sa hilera ng mga sedan nakapagitna ang isang black matte military assault vehicle, at inaalalayan doong umakyat si Kyline ng tita niyang sundalo.
Doon ko lang napansin na katabi pala ng kotse nila ang kotse ni Mama.
Paglapit ko sa pinto ng passenger seat, eksaktong pagpunta roon ng tita ni Kyline. Kinindatan pa ako bago siya kumapit sa handle sa loob ng sasakyan at binuhat ang katawan paakyat doon.
"Classmate mo ba 'yon?" tanong ni Mommy nang makasakay kaming dalawa sa kotse.
"Sino po?"
"Yung pamangkin n'ong sundalo kanina? Ano'ng pangalan n'on?"
Umiling ako. "Kabilang section po. Shannon Brias yung tita ni Kyline."
"'Yon daw ang corps commander n'yo this coming CAT. Magsi-CAT ka ba? Ipae-exempt ka raw kapag tinanggap mo ang position sa varsity."
Tumango ako at tumanaw na lang sa labas ng car window nang paandarin na ni Mama ang kotse.
"Okay ka na ba sa sports, anak? Para masabihan ko ang daddy mo."
Nagbuntonghininga na lang ako bago sumagot. "CAT na lang, Ma."
Kahit ano namang mangyari, ayoko pa ring makasama si Daddy sa iisang field.
Hindi naman siguro mahigpit ang corps commander namin.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomansaWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...