Noong isinuko ni Patrick si Melanie, kitang-kita namin kung gaano kalaki ang ipinagbago niya. Kahit hindi siya magsalita, ramdam namin ang pagkadismaya niya. 'Yong parang sinukuan na lang niya at wala siyang nagawa, kaya nga parang tamad na tamad na rin siya at mas umangas.Naiirita lang siguro ako kasi parang nakuha niya ang ugali ni Calvin at ugali ko nang sabay—hindi pala magandang kombinasyon, ang lakas makagago.
O baka hindi lang ako sanay kasi si Pat lang ang inosente sa aming magbabarkada.
Sinabi ni Rico na ganoon daw talaga kapag brokenhearted. Biglang magbabago.
Tinanong ko rin si Rico kung na-experience na rin ba niyang ma-broken heart. Nginitian lang ako ng sira-ulo para mang-asar.
Of course, hindi pa. Kung patigasan ng loob sa mga babae, baka magkaroon pa kami ng contest na dalawa.
Nakakasama namin si Melanie sa mga hangout, pero hindi na gaya noon si Patrick. Casual na siya kay Melanie habang nag-iipon naman siya ng mga babaeng may crush sa kanya. Napaisip tuloy ako kung ganoon lang ba talaga kabilis maka-move on si Pat.
Pero ewan ko rin kay Patrick. Walang nagtatagal sa kanyang babae. Hindi naman siya ang nakikipaghiwalay. At kung ano man ang ginagawa niya sa mga babaeng 'yon kaya hindi nagtatagal, wala na kaming idea. Iniisip ko na lang na kung ako rin naman siguro ang babae at nalaman kong may tatlo pa akong kahati, hindi lang hiwalay ang matatamo ni Patrick sa akin. Baka tanggalan ko pa siya ng paa.
Wala akong kaide-idea diyan sa love-love na 'yan. Kasi kung totoo 'yan, e di sana, hindi napunta sa kung sino-sinong babae ang tatay ko at nag-stay lang kay Mama kung totoo nga.
Hindi ko talaga maintindihan ang feelings ng tao. Kahit iisa lang ang ginagawa, parang bawat isa, may kanya-kanyang mundo. Ang daling intindihin pero ang hirap maintindihan.
"Leo, serious na, hindi ka pa rin ba nakaka-get over?" tanong sa akin ni Rico pagkatapos kong tanungin si Clark kung matatawagan ba niya ang tita ni Kyline.
"Rico, kay Calvin na nanggaling, hindi nga safe," katwiran ko .
And besides, ang sabi niya, tatawagan na namin ngayon ang mama ni Kyline, pero alas-tres na ng hapon, wala pa ring tumatawag. So ano? Maghihintay ako hanggang maubos ang bukas?
"Wait, I'll call Vin," sabi ni Rico at kinuha ang phone niya sa bulsa.
Dalawa pa lang ang nasa apartment ko sa Pembo at wala pa ang iba. Si Patrick at si Rico ang pinakamalapit dito pero si Rico pa lang ang kasama ko. Isang biyahe lang ni Pat, makakarating agad. Four ang out niya, dito agad ang punta. Sabi naman namin, saka na siya makipag-date.
Si Will, nasakto pang hapon hanggang gabi ang pasok sa school. Si Clark, lumabas para bumili ng meryenda. Si Calvin, may pasok dapat 'yon pero magka-cutting na naman ang hayop. Nagtataka na nga ako kung paano nakakapasa sa school ang tarantadong 'yon, puro pambababae lang naman ang inaatupag.
"Vin," sagot ni Rico sa tapat ng phone, naka-loudspeaker. "Where you at?"
"School, why?"
Maingay sa background, may mga babaeng tumitili, pero may mga lalaki ring tumatawa. May narinig pa kaming anong time daw dadating si Ms. Villegas, so mukhang nasa school nga ang gago.
"Leo's talking about Kyline and her boyfriend."
"Ah . . ." mahabang ganoon lang ang isinagot ni Calvin sa amin.
"What do you mean by not safe ang boyfriend ni Ky?" tanong ulit ni Rico.
"Complicated 'yan, dude."
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...