Chapter 56: Closed

841 45 9
                                    


"Dude, yung mama ni Ky, pinatatawag tayo sa kanila," balita ko.

"Hala, gago, bakit daw?"

"Sa kaso yata natin."

Pinahiram nga ni Gina ang 4x4 niya. Akala ko, joke lang. Nakita ko na ang bahay na inayos ni Clark ang papeles. Kamukha lang din ng ibang unit na nandito sa subdivision. Hindi kasinlaki ng kina Belinda, pero malaki na para sa tatlong tao. May dalawang floor saka malawak sa loob—o baka dahil wala pang furniture kaya mukhang malawak.

Ang kasama ko, si Clark lang. Susunod daw mamaya sina Rico. Si Patrick, hihintayin pang mag-out sa office kaya baka si Pat ang hintayin naming barkada bago kami tumuloy kina Belinda.

Hindi pa kami tapos. Literal na naglapag lang kami ng gamit dito sa bagong bahay. Tutulong nga raw kasi sina Will kaya hindi muna namin inasikaso. Tambay pogi lang muna kami ni Clark sa porch habang naghihintay sa iba.

"May update ba sa kaso ko?" tanong ko kay Clark.

"Ang sabi ni Dadi, pasara na. Baka siguro pinatatawag tayo kasi isasara na nga."

"Hindi na tayo paiimbestigahan?"

Nagkibit-balikat naman si Clark. "Hindi ako sigurado, 'tol. Hindi pa final, e. Yung sa 'yo ang hindi ako sigurado kasi confidential pa yung related kay Kyline at sa 'yo. Yung amin, malinis na 'yon. Alam mo naman si Tita Tess. Nanggagalaiti na nga 'yon noong na-mug shot anak niya, e. Kung puwede lang ibaon niya sa lupa lahat ng pulis na humuli kay Early Bird, ibabaon niya talaga sa lupa."

Sa totoo lang, hindi ko masisisi si Tita Tess. Kahit din naman ako, ayokong magkaroon ng mug shot. Good luck na lang talaga sa NBI clearance nito.

Bigla niya akong siniko saka siya nag-isang tango. "Malapit nang manganak si Ky! Plano?"

Napahugot tuloy ako ng malalim na hininga dahil doon.

Plano? Magpakasal kay Kyline—iyon ang solid na plano. Ang kaso, hindi iyon posible pagkatapos manganak ni Ky.

May bahay na 'kong sarili, sa wakas, at balak ko sanang dito tumira kasama siya at ang baby namin. Hindi rin naman malayo rito mula sa bahay nila. Twenty minutes na biyahe lang, makakarating na agad dito.

Pero kasi . . . kung dito sila titira, paano ko sila bubuhayin?

"'Tol, paano pala 'yon, 'no? Kung mag-aaral ako next sem, maiiwan pala dito sa bahay sina Ky saka Eugene. Walang magbabantay," bigla kong naisip.

"E, di ipaiwan mo doon sa mama niya."

"Hindi ba parang mapapagod sina Ky at Eugene n'on na dito sila tapos lilipat doon kina Belinda?" tanong ko pa.

"Iwan mo doon sa kanila, ungas."

"'La! E, di niratrat naman ako ni Belinda n'on."

"'Tol . . ." Pumaling na sa akin si Clark saka ako tinapik-tapik sa balikat. "Hindi mo kailangang pasanin lahat nang sabay-sabay. Kung mag-aaral ka, mag-aral ka. Kung magtatatay ka, magtatay ka. Kailangan mong mamili kasi nasa magkaibang lugar 'yang dalawa. Mas matalino ka kaysa sa 'kin kaya dapat alam mo 'yan."

"Mag-stop na lang kaya muna ako?"

Napakibit-balikat na naman siya. "Alam mo, kung ako sa 'yo, iwan mo muna si Ky doon sa mama niya."

"Clark, si Daddy, iniwan din kami ni Mama."

"Para kang tanga," sagot agad niya, halatang naiinis na. "Hindi mo iiwan kasi mambubuntis ka ng iba. Doon lang muna siya sa mama niya para kahit nag-aaral ka, may nag-aalaga sa mag-ina mo. 'Ba 'yan! Basic logic, 'tol, kinalawang ka na ba?"

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon