Chapter 32: Outing

745 41 1
                                    


Seryoso nga ang barkada sa Laguna nila. Akala ko kung saan kami pupunta, doon daw sa bahay ng kinakapatid ni Calvin.

Akala ko kung sino sa mga kinakapatid niya, dumoon pa talaga kami kina Mel at naabutan pa naming nagmemeryenda ang mga tao roon sa kanila.

Taklesa si Melanie. Parang batang kalye na laging hyper. Aminado kaming lahat na maganda si Mel. Pero mas bagay yata ang salitang cute para sa kanya. Malamang gawa ng dimple niya. And at that case, kahit siya ang salarin ng kamalasan sa buhay ng barkada, walang sumisisi sa amin sa kanya. Siguro kasi wala naman siyang ipinakikitang mali sa amin. Most of the time, may tulong pa nga siya. Si Pat lang naman ang hibang dito.

Doon pa lang sa entrance, damang-dama na namin kung gaano ka-prominent ng pamilya ng mga Vizcarra basta usapang farming at pagkain. Si Rico kasi, kahit nasa food industry sila, expose kasi sa factory na puro makina.

Kina Mel, hindi. Meron silang malaking kitchen hall, open 'yon at makikita sa kalsada kaya habang umaandar ang van papasok sa main house, kitang-kita namin ang mga trabahor na nagluluto sa malalaking kawali at ang pinakasandok, parang sagwan na nga ang laki.

At ganoon kalaki ang "lupain" nina Melanie para magkaroon pa ng kalsada sa loob ng "bakuran" nila.

Pagliko namin sa kanang kanto, puro na puno ng mangga, hile-hilera. Saktong tag-mangga pa naman ngayon kaya kita namin ang mga nagha-harvest.

Ang usapan (na wala sa usapan), outing. Mukha tuloy kaming may field trip.

"Grabe, haciendera pala si Melanie," sabi ni Clark.

Si Calvin, aware kaming mayaman ang pamilya. Ka-close ang mga Lauchengco, so 'matic na 'yon.

Panibagong pagliko na naman sa kanan at kaunting kurba sa kaliwa, papasok na naman kami sa panibagong gate na bukas na bukas. Nakasilip kaming lahat sa labas ng windshield para makita ang malaking bahay na kulay white at red edges ang theme.

Tatlong floor iyon at may balcony sa second floor na nakatapat sa gate—saktong tanaw ang trabaho ng buong farm kapag tumayo roon.

"Bababa na ako rito, kakausapin ko lang si Mel para pabuksan 'yong pool sa likod," sabi ni Calvin.

"Sama ako," sabi ko. Gusto ko ring makausap si Mel.

"Saan ang parking?" tanong ni Rico.

"Kaliwa then kanan. Pagliko mo naman diyan sa kanto ng bahay, makikita mo naman na yung mga kotse nina Ninong."

"Thanks!"

Nagbukas na si Calvin ng sliding door at ako naman sa passenger seat.

"Iikot na lang kami mamaya ni Leo," sabi ni Calvin at pabagsak na isinara ang pinto ng van.

Iba ang araw ng hapon doon sa farm. Iba rin ang simoy ng hangin. Naghalo ang tamis ng mangga at amoy ng talahib, pero malamig. Hindi gaya sa Manila na ang init-init kahit natatakpan ng building.

Malaking wooden door at deretsong hallway ang bumungad sa amin na bukas ang dulo. Parang loob ng simbahan kapag pumasok doon.

"Meng!" malakas na sigaw ni Calvin mula sa pintuan kaya nagsalubong agad ang kilay ko nang mag-echo pa ang boses niya.

"Hoy, gago!" sagot sa kanang hallway kung nasaan kami.

Napatingin tuloy ako roon kasi may mas mahabang hallway pa pala sa magkabilang gilid sa tabi ng pintuan.

"Kapag nagising si 'Tay Carding sa itaas, bugbog ka talaga," warning ni Mel sa amin na ngumunguya, at napatingin ako sa hawak niyang suman. "Nasaan sila? Ba't kayo lang dalawa?"

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon