Chapter 61: The Best Man

1.8K 51 14
                                    



I still believe that love is something I will never understand. Siguro kasi hindi ako na-expose doon sa expected view ko ng kung ano ba ang connection ng love sa commitment. O siguro nga, hindi naman talaga dapat maging comprehensible ang love in the sense na it all comes in different ways and forms. Na puwedeng iba ang interpretation ko sa interpretation ng iba.

Noong bata pa ako, ine-expect ng halos lahat ng elders sa amin, nineteen years old, magkaka-degree na 'ko. But then, shit happens. At the age of twenty-three, meron na akong two-year old baby at hindi pa ako kasal sa nanay ng anak ko. At wala pa sa kamay ko ang diplomang ine-expect naming lahat four years ago.

Kahit na gaano pa ka-"mature" ang utak mo, when it comes to responsibilities, hindi mo iyon maha-handle nang ganoon kadali. Kasi madaling sabihin na, "A, matured naman na ako, so I can have my own family na."

No.

Madali lang siyang sabihin pero mahirap gawin.

Hindi madaling magkaroon ng pamilya, especially kung financially hindi kayo capable. Una, kawawa ang baby. Pangalawa, possible cause ng conflict.

Hindi naman kami mahirap, pero hindi rin naman kami puwedeng paupo-upo lang.

Hindi recommended magkaroon ng anak habang nag-aaral. Una, mahirap hatiin ang oras at focus. Pangalawa, makakaabala at makakaabala ka ng ibang tao kasi hindi mo kakayaning mag-alaga ng bata nang mag-isa.

Tanggap na naming bangungot ang stag party ni Duke sa aming lahat, at may bunga 'yon na hindi ko naman inaasahan, pero hindi ko rin naman pinagsisisihan.

Walang malinaw na label sa amin ni Kyline. Hindi ko siya girlfriend, pero asawa ko siya sa mata ng lahat kasi ganoon ang nakikita nila sa aming dalawa.

Five years ago, wala akong makitang future para sa sarili ko. Iniwan kami ni Daddy. May kabit si Mama. I was lost.

Pero siguro nga, kung wala ka nang dahilan para mag-continue, meron at merong darating na mga dahilan para tumuloy pa rin.

"Scott, Leopold Vergara."

Ang tagal ko ring pinangarap masuot ang toga ko. Ang tagal kong hinintay makamayan ang dean namin saka school president. Ang tagal kong hinintay mai-present sa buong convention hall ang diploma ko saka ako magba-bow.

"Congratulations."

"Thank you, sir."

Gusto kong makatapak man lang ng cum laude gaya ni Pat pero hindi talaga kinaya. Sabi ko pa, kung wala siguro si Eugene, kaya yung Summa. Pero mas okay nang may Eugene ako ngayon. Ang mahalaga, may diploma.

Ang ironic na ako ang inaasahan ng ibang unang makaka-graduate sa amin ng college, pero ako ang pinakahuli sa aming barkada.

Akala ko nga, mag-isa lang akong a-attend ng graduation, pero kompleto pa talaga ang barkada ko. Kasama nila si Mama. Si Tito Adrian saka si Belinda, kasama rin. Si Gina ang bantay ni Eugene at sila ang nagdadaldalan sa upuan.

Ang dami-dami pang seremonya sa graduation, ang dami ring speech.

Noong ina-announce nang official graduates na kami tumakbo agad ako sa dulong-dulong upuan sa likuran ng hall para lang puntahan ang mga kasama ko.

"Sa wakas!"

Malayo pa lang, nakaabang na sina Rico sa aisle.

"Dude, graduate na 'ko! 'Tang ina, ayoko nang mag-aral!"

Nakarinig kami ng malakas na tawanan sa dinaanan ko habang isinisigaw ko 'yon.

Pagsalubong ko sa kanila, talon lang kami nang talon habang sumisigaw na parang mga tanga.

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon