Noong sinimulan ni Gina ang tanong tungkol sa poker machine, may idea na agad ako kung saan na pupunta ang usapan. At sinagad-sagad na ni Gina ang pangungulit kasi habang nasa garden si Kyline, sinundan ako ni Gina sa kitchen.Nagtitimpla ako ng gatas ni Ky nang tumapat sa gilid ng mesa si Gina at ipinatong doon ang kanang braso niya at pahilig na sinilip ang mukha ko.
"Hindi ko ibabalik ang pera mo," sabi ko agad kasi nginingisihan niya ako, parang may gustong ipahiwatig.
"Pasara na ang kaso ninyo ni Elton, sinabi na sa 'yo?"
Sinulyapan ko lang siya at hinalo ko pa nang hinalo ang gatas na tinitimpla ko.
"Wala namang nagsasabi," sagot ko.
"Yung poker machine—"
"Hindi kami ang nakakuha ng jackpot sa machine," depensa ko.
"Pero tinalo n'yo."
"Imbestigahan n'yo ang machine at ang casino, hindi ako." Dinala ko na ang gatas ni Ky sa garden at naabutan siya roong nagbabasa na naman ng libro.
Nakaabang na rin naman na roon ang manual na madalas kong i-review at doon na kami pansamantalang magpapalipas ng oras.
Inilapag ko sa round end table ang gatas ni Ky at saglit siyang pinatayo. Naupo ako pasandal sa sleeper lounge, ipinatong ko ang buong kanang binti ko sa gilid ng sandalan habang ang kaliwa ay nakatapak pa rin sa sahig. Pinaupo ko na rin siya sa harapan ko para sa akin siya sumandal.
"Hindi ka naiinitan dito?" tanong ko habang sinisilip ang mukha niya mula sa kaliwang gilid.
Umiling lang siya saka nginitian ako bago ibinalik ang atensiyon sa binabasa.
Ako, naiinitan dito sa garden kasi tirik na tirik ang araw kahit pa nasa lilim kami. Kaso gusto niya naman dito kaya wala akong magagawa.
"Inumin mo muna ang gatas mo," pag-alok ko sa kanya ng baso.
"Leo, kanina pa tayo tinitingnan ni Gina," puna niya bago ininom ang tinimpla kong gatas.
Pagtingin ko sa doorway papasok ng bahay, nakakrus lang ang braso roon ni Gina habang nakasandal sa hamba ng pintuan.
"Hayaan mo siya," sabi ko na lang bago kinuha ang basong ininuman ni Kyline para ibalik sa end table.
Malay ko kung gaano kabigat ang purpose ng poker machine sa kaso ko pero tingin ko, iba ang pakay nina Gina roon. Kasi kung talaga ngang kailangang imbestigahan 'yon, dapat mga pulis na may warrant ang kumakausap sa akin, hindi sina Gina.
Ganitong klase ng hapon ang madalas na gusto kong hapon. O kaya mga klase ng hapon na tulog si Ky kasi ako ang nagbabantay sa kanya.
Wala naman kaming ibang ginagawa kundi magbasa. Nakahawak lang ang kamay ko sa tiyan niyang paminsan-minsan, gumagalaw. Minsan, hinahabol ko naman ang kilos doon ni Eugene.
Ganitong mga pagkakataon ang ikinatataka ko kung bakit ang bilis ng oras. Weekend na agad kinabukasan, at may schedule kami ng checkup ni Kyline.
Hapunan nang makita ko na naman ang pagmumukha ng ibang babae sa bahay na ayokong makita.
Si Gina, kung makatingin sa akin, parang nag-aabang ng timing kung kailan ako mauusisa. Si Belinda, mukhang gusto na rin akong tantanan, hindi naman umiimik. Mukhang si Gina lang ang interesadong mangalkal ng sagot na willing siyang bayaran kahit pa kikilan ko siya nang kikilan.
"May checkup kami bukas ni Ky," sabi ko habang nakatingin lang sa kinakain ni Kyline.
"O, ano'ng gagawin namin?" sarkastikong sagot ni Belinda.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...