DARREN 2

2.9K 26 0
                                    

Nagpaalam noon si mama na magbabakasyon muna sa kapatid nito dahil sa ikakasal na ang anak ni tiya Milva. Malayo ang lugar kaya hindi na ako sumama. Ang kapatid ko na lang ang isinama ni mama at nagpaiwan na lang ako. Isang linggo daw sila doon ni mama, sakto naman na online ang klase noon kaya mas pabor sa akin. Makakaiwas ako sa mga utos at talak ni mama.

Hapon noon nang umuwi ako. Nakita kong nakaparada sa tapat ng bahay ang panel truck na ginagamit ni Kuya Mando sa kanyang trabaho, kaya sa loob ko nasa loob na si Kuya. Ngunit nang pumasok ako wala doon si Kuya, bukas ang silid nito kaya alam ko na wala siya doon. Naligo ako pagkatapos nag saing. Ilang oras na lang kasi at gabi na. Alas singko na iyon ng hapon. Habang naggigisa ako ng corned beef ng mga sandaling iyon, napahinto ako nang may narinig akong nag uusap sa labas ng likod bahay malapit sa kusina.

Sumilip ako doon at nakita ko si kuya Mando na may kasama itong lalake. Tila nag haharutan ang mga ito ngunit hindi ko na iyon pinansin. Ang ipinagtaka ko lang kung bakit kapwa silang walang suot pantaas at basa ang kanilang katawan. Nagulat si Kuya nang makita ako na nasa kusina na at nagluluto.

"Bai, si Efren nga pala kasamahan ko sa trabaho. Tol si Darren anak ng pinsan ni mama, sila ang kasama ko dito." Pagpapakilala pa ni Kuya sa akin.

"Magandang hapon Kuya, baka gusto niyo nang kumain, may kanin na diyan. Patapos na din itong ulam." Sabi ko.

"Mamaya na , magbibihis muna kami. Nadulas kasi kami kanina nang magpakain ako ng mga baboy, kaya naligo na lang kami ilog." Ayon pa kay kuya.

May babuyan si Kuya malapit sa ilog. May kalayuan ang babuyan ni Kuya sa bahay nila. Malayo din sa mga kapitbahay at hindi daanan ng mga tao. May maliit na parang waterfalls sa ilog malapit doon na palaging tambayan ng mga kabataan tuwing maalinsangan ang panahon. At sa tingin ko doon naligo sila Kuya.

Simula ng pumasok sna Kuya at Efren sa loob ng silid, hindi ko alam bakit tila nainis ako. Subrang dikit kasi masyado ang Efren na iyon kay kuya. Iyong tipong niyayapos niya ng yakap si Kuya habang nag tatawanan. Nakaupo ako sa sala na ang tingin ko nasa pintuan ng silid ni Kuya .

May ilang minuto na sila sa loob ngunit hindi pa sila lumalabas. May kung ano sa loob ko na nag uutos na katukin ko sila. Lodi, hindi ko alam kung na experience mo ang feeling na nagiisip ka nang malaswa sa kapwa mo dahil sa selos. Iyon ang pakiramdam ko that time. Iniisip ko na baka may ginagawa na silang milagro sa loob.

Tumayo ako at dahan -dahang lumapit sa pinto. Hindi ko alam bakit nandoon ako. Idinikit ko sa dingding ang tenga ko. Tahimik noon sa loob, wala akong narinig na kung anong ingay nang nagulat na lang ako nang may narinig akong ungol sa loob at mahihinang hangos sabay narinig ko si Kuya na nagsalita.

"Malapit na ako tol..."

Bumalik ako sa sala at nagpukos sa TV. Paulit-ulit sa tenga ko ang salita na iyon na narinig ko sa loob ng silid ni Kuya. May nginig pa sa boses ni Kuya nang sinambit niya ang salitang "Malapit na ako tol..."

After five minutes lumabas din sina Kuya, hindi na nagtagal pa doon si Efren para makikain, nagpaalam din ito dahil ihahatid pa nito ang panel truck sa kanilang warehouse.

Hindi ako makatingin ng husto kay kuya. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Umiinum ka ba ng beer? Bibili ako...samahan mo akong uminom." Biglang sabi sa akin ng kuya.

"Hindi po ako umiinum Kuya" pagtanggi kong sagot.

Umiinom naman talaga ako,minsan mga hard pa nga. Umiiwas lang talaga ako kay kuya. Hindi ko alam bakit iyon ang tugon ng mga kilos sa kanya. Nahihiya ako na naiilang, lodi. Hindi naman ako pinilit ni Kuya. Uminom ito na mag isa sa sala habang nag ni- Netflix, ako naman nasa kuwarto na at nag lalaro ng on-line game. Alas otso na ng gabi nang kinatok ako ni Kuya sa kuwarto. pinagbuksan ko si Kuya ng pinto. Mapulang mapula na ang mukha ni Kuya at pumupungay na ang kanyang mga mata, halatang lasing na ito.

"Lalabas muna ako saglit, baka matagalan ako. Pero uuwi ako. May pupuntahan lang ako sa kanto." Sabi pa ni Kuya. Langhap ko ang hininga ni Kuya na amoy beer, pero iba ang tama noon sa akin. Ang bango ng hininga na iyon ni Kuya, lalaking lalake at nakakalibog. Sakto kasing pagkabukas ko ng pintuan, mukha agad ni Kuya ang tumambad sa akin.

"Kuya lasing yata kayo, huwag na lang kaya kayo umalis." Pagpigil ko pa kay kuya.

"Basta buksan mo na lang ako pag dumating na ako. Tatawagan kita kapag malapit na ako para hindi ka masyado mag hintay. Sige Bai." At umalis si Kuya.

Amoy na amoy ko pa ang pabango ni Kuya na tila ba naiiwan sa hangin. Iba talaga ang dulot noon sa akin. At kay kuya kung lang iyon naramdaman. Marami naman akong nakasalubong na mga lalake lodi ngunit hindi naman ganito ang nararamdaman ko.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon