Ang Pinsan Kong Inosente Part 2

364 6 0
                                    

Part 2

Mabilis na lumipas ang pahanon. Naramdaman kong onti-onti ng lumalayo si Jake sa akin. Siguro napapansin niyang umiiwas na ako sa kanya. Sa pag iinarte kong iwasan siya ako naman tong nasasaktan. Diba ang gulo, umiiwas ako pero ako din ang nasasaktan.

Hindi ko lang talaga kasi matanggap sa sarili ko na magkakaroon ako ng pantasiya sa pinsan ko at lalaki pa.

May mga times na nakakasama ko siya sa mga family gatherings pero hindi na kami tulad ng dati. Nawala yung closeness namin. Ilang taon na din buhat nung may nangyari sa amin. Nababalitaan ko nalang sa iba kong pinsan na naging babaero na daw si Jake. Oo sa ibang pinsan ko pa nabalitaan kasi nga hindi na kami tulad ng dati na nag s-share ng kwentuhan at walang ilangan.

Habang lumilipas ang panahon lalo akong nangungulila sa kanya. Deserve ko naman to kasi ako ang nagpasyang umiwas sa kanya.

Mahirap lang sakin sa tuwing nakikita ko siya. Nasasaktan ako ng wala namang sapat na dahiilan. Lalo ngayon malaking ipinagbago ng itsura niya. Mas lalo siyang gumagwapo. Minsan nga nahuhuli niya akong sumusulyap sa kanya, pero sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay iniiwas ko.

Basta malayong malayo na kami kumpara sa dati. Namiss ko yung datig Jake na makulit at malambing na kahit anong taboy ko ay mas lalong nangungulit.

Naisip ko din minsan na tama lang siguro yung ganto kami. Dapat may gap. Wala dapat intimacy na nararamdaman sa isa't isa.

Birthday noon ni mama at nagpahanda siya sa bahay at imbitado lahat ng angkan. Lagi naman kasi kaming ganon. Pag may nag birthday, automatic imbitado lahat. Masyado kasing close ang mga pamilya namin.

Nagsidatingan na lahat ng kamag-anak. Pero may isa akong hinahanap. Si Jake.

Nililibot ko ang aking paningin, masayang masaya ang lahat habang nagkakainan. Yung ibang tito at mga pinsan ko naman ay nagiinuman kasali na din ako. At syempre hindi nawawala ang videoke. May lahi kasi kaming mga singer at isa na ako sa nabiyayaan ng magandang boses. Hehehe

Alas otso na ng gabi pero wala parin akong nakikitang Jake. Napansin yata ng isa kong pinsan na may hinahanap ako kaya tinanong niya ako.

"Sinong hinahanap mo kuya?" wika ni Don. Anak siya ng isa kong tita na sumunod kay mama. Bale yung mama ko yung panganay sa walong magkakapatid.

"Si.. Si Jake, hindi ko ata napapansin. Hindi pa ba dumadating?" sagot ko.

"Ah si Kupal, mamaya pa yun. Nagtext siya sa akin. Hinihintay niya daw kasi ang GF niya. Ipapakilala niya daw sa atin." Sagot naman ni Don. Kupal kasi tawag naming doon. Magkakaclose kasi kaming magpipinsan at yun ang pang asar naming kay Jake.

GF niya? Ipapakilala niya? May konting kirot akong naramdaman. Naisip ko kaagad, hinahalikan din kaya siya ni Jake ng tulad ng ginagawa namin dati? Ano kaya ginagawa nila pag magkasama sila? Hindi naman ako naiinggit sa idea na may GF siya, kasi may mga naging GF din naman ako. Pero yung IDEA na magkasama sila at kung ano ang ginagawa nila ay doon nagpupuyos ang kalooban ko. Well, tama kayo. Nagseselos ako. Sobra.

Maya-maya ay may narinig na kaming nag doorbell. Nakiramdam lang ako, sa tingin ko si Jake na yung dumating.

"HAPPY BIRTHDAY TITA!!" malakas na sambit ni Jake pagkapasok na pagkapasok pa lang ng pinto. Na nagpalingon sa akin. Nakita ko si Jake, ngiting ngiti, guwapong-guwapo. Biglang bilis ng pintig ng puso ko. Pero hindi din nagtagal at napalitan iyon ng selos. Hawak niya sa kanang kamay yung GF niya na ipapakilala niya.

Buong pagmamalaking ipinakilala ni Jake sa mga kamag anakan namin ang girlfriend niya. Sabagay maganda naman talaga. Mukhang artistahin. Naninibugho na naman ang damdamin ko.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon