Ang Pagbabalik Sa Tambayan

142 0 0
                                    

Matagal-tagal na ring panahon nang huli akong umuwi sa aming probinsiya sa Gumaca, Quezon. Kung hindi ako nagkakamali ay may sampung taon na ring hindi ko nabibisita ang mga kamag-anak ko doon. Simula kasi nang magtrabaho ang aking ama sa Maynila ay doon na kami nanirahan upang maging malapit sa kanyang pinapasukang opisina at dahil sa Maynila ko rin naman balak mag-aral, kaya nagdesisyon na ang aking mga magulang na doon na nga tumira. Kung sabagay, taga-Novaliches naman ang aking ama at may mga kamag-anak din naman kami doon sa side nya. Ang aking ina ang taga-Quezon at doon na sila tumira mula nang sila ay ikasal. Ako naman ay ipinanganak na rin sa Quezon kaya yun na ang nakagisnan kong lugar namin.

    Ako nga pala si Rexer, 26, nag-iisang anak sa pamilya at nagtatrabaho ngayon sa isang ospital sa Caloocan. Rex ang tawag sa akin sa bahay at pati na rin ng mga kaibigan ko. Nagtapos ako ng kursong BS Nursing sa isang unibersidad sa Maynila at mapalad namang nakapasa sa board exam at nakahanap ng trabaho. Kahit sinasabi ng karamihan na dapat ay mag-abroad na lamang ako ay ninais ko pa ring dito sa atin makapagtrabaho. Ewan ko ba pero hindi kailanman sumagi sa aking isipan ang pangingibang bansa upang magtrabaho. Para kasi sa akin, wala pa ring hihigit sa kasiyahang makapagsilbi at makatulong sa ating mga kababayan. Marahil ito ang isang katangian ko na maipagmamalaki ko... ang pagiging matulungin sa kapwa ko.
Isa pang bahagi ng aking pagkatao ay ang pagiging bisexual ko pero walang nakakaalam nito maging ang aking mga magulang. Ang tanging nakakaalam nito ay ang aking kaibigang si Denver nang minsang mahuli nya akong nanonood ng m2m movie. Si Denver kasi ang aking room mate sa inuupahan kong kwarto na malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Hindi kami nagkakalayo ng agwat sa edad nyang 27. Isa syang office assistant malapit sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Masasabi kong mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan si Denver dahil sa ilang taon na naming pagsasama, napatunayan ko iyon. Isa pa, kahit alam nya ang tunay kong pagkatao ay hindi sya nagbago ng pakikitungo sa akin. Hindi rin naman nya ito ipinagsabi kahit kanino. Ngunit ang kwentong ito ay hindi iikot sa mga nangyari sa amin ni Denver...oo may nangyayari sa pagitan namin ni Denver at ito ang ibabahagi ko sa susunod kong paglalahad.

    Ang pagbabahagi ko ng kwento ay nagsimula nang minsang makatanggap ng tawag ang aking ina mula sa isa naming kaanak sa Quezon na namatay daw ang isa niyang pinsan. Of course, in situations such as that, kailangan naming umuwi sa probinsiya. Nakapagpaalam naman ako sa trabaho ko at isinagad ko sa dalawang linggo ang leave ko upang makapagpahinga na rin. Chance ko na rin kasing makita at makasama muli ang aking mga pinsan at mga kaibigan sa probinsiya.

    Nagpaalam din ako kay Denver kahit malungkot ang kanyang mukha pero okay lang daw sa kanya kasi naiintindihan naman nya. Malulungkot lang daw sya kasi wala syang makakasama ng ganun katagal.

    Kinabukasan ay tumungo na kami ng aking ina papuntang Quezon. Naiwan ang aking ama at kinabukasan pa raw sya makakasunod dahil sa kanyang trabaho.

    Pagdating namin sa probinsiya ay agad kaming sinalubong ng aming mga kamag-anak at naging parang reunion na rin ito sa side ng mother ko. Dalawang gabi pa ibinurol ang pinsan ng nanay ko at inilibing ito sa ikatlong araw mula nang dumating kami doon. Lumipas ang ilang araw at naisipan kong mamasyal sa dati naming pasyalan ng aking mga kalaro at pinsan.

    Pinuntahan ko ang tinatawag naming "tambayan" ng mga kalaro ko noon. Dito ay may isang water falls na hindi kataasan ngunit masasabi kong maganda dahil sa linis ng tubig at laki ng mga bato na nakapaligid dito. Idagdag mo pa ang mga matatayog na puno at luntiang damo sa paligid. Habang binabagtas ko ang daan patungo sa aming tambayan ay naisip ko kung ganun pa kaya ang itsura nito. Sa sampung taon na hindi ko ito nabibisita, hindi ko malaman kung ano ang daratnan ko doon.

    Hindi kagandahan ang daan patungo doon dahil may madadaanan kang mga lubak at isang makitid na tulay na gawa sa kahoy. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ito masyadong dinarayo ng mga tao doon. Ito rin ang dahilan kung bakit doon kami naglalagi noong mga bata pa kami dahil tahimik at walang nagbabawal kung maligo kami at umakyat sa mga puno.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon