Diko sinadyang mahalin ka

68 0 0
                                    

Ito ay isang kwentong naganap sa pagitan ng dalawang taong hindi inakalang pagtatagpuin sila ng tadhana. Siguro ay may mga bahagi ng kwentong ito na maituturing na corny, kabaliwan, kasalanan, kahangalan... ngunit may mga bagay din na alam kong mauunawaan ng karamihan.

    Ang kwento ay magsisimula sa paglalahad ng ating bida, si Jarius...

    Ako si Jarius, 32, married, taga Pampanga, matangkad sa taas na 5'10", medyo maputi, di ka-gwapuhan, may pagka-chubby pero hindi naman maituturing na mataba.Mga ilang linggo pa lang ang nakakaraan nang makahiligan kong gumawa ng ibang account sa Yahoo upang magamit sa pakikipag-chat sa Yahoo Messenger. Actually my main purpose in creating a Yahoo account is to have an FS account. I never knew why on that day I decided to create such account. Maybe because I am tired of using my FB... just maybe. Who on earth doesn't have an FB, right? In short, naging addict na ako a FS hindi dahil sa features nito kundi dahil sa mga user accounts na navi-view ko. I like viewing pictures... men's sexy pictures. Yes, I am expecting those reactions... I am bi.
Mahirap na maituturing ang sitwasyon ko bilang bi na may asawa. Sa kaalaman ng lahat, walang nakakaalam sa other side ng aking manhood. Hindi naman kasi ako halatang bi. Oo may pagka-malamya ang aking kilos ngunit di mo iisipin na ako ay bi. Marami ang makakaunawa sa sitwasyong sinabi ko dahil marami din dyan na pareho ng aking kalagayan.

    Simula nang ma-addict ako sa FS ay madami na akong naging friends at ka chat sa YM. Merong mga kusang nag-ask na i-add ko sila sa YM ko at meron din namang ako ang nag-ask. Dumami ang mga ka-chat ko at mas lalo akong na-hook sa pakikipag-chat. Natuto rin akong mag c2c kahit di ako sanay. Minsan may mga di ako pinagbibigyang ma-view ang aking cam dahil sa nahihiya ako. May pagka-mahiyain kasi ako dahil lagi kong iniisip na chubby nga ako at baka di ako magustuhang ka-chat ng makakaharap ko. Alam ko naman na di lahat ng chatters ay pare-pareho ng ugali ngunit di pa rin ito sapat upang di mawala ang hiya ko.

    Isang araw habang ako ay nasa aking desk, sa trabaho ko, ay nag-OL ako sa YM dahil wala naman akong gaanong ginagawa. Ewan ko ba kung bakit kapag OL na ako ay magsisimula na ang mga YM contacts ko na mag-buzz. Para bang ang feeling ko ay pinag-aagawan akong makausap (hahaha joke lang).

    Habang kausap ko ang ilan sa aking mga friends, biglang may nag-request na i-add ko sya sa list ko. Dahil ako naman ay masyadong friendly, wala akong nire-reject sa mga requests...si Elkhei (LK...di nya tunay na pangalan...bakit LK? well malalaman nyo mamaya), ang new friend ko sa aking list. Wala namang kakaiba kay LK kung tutuusin. Mabait sya kausap, ma-kwento kagaya ng iba.

    Sa pagkakaalala ko ay napunta ang aming usapan sa aming pagiging bi, oo bi din si LK at may asawa't anak. Ito siguro ang dahilan kung bakit para sa akin ay naging kakaiba sya sa karamihan. Marami kaming pagkakatulad di lamang sa estado sa buhay kundi sa mga pananaw sa buhay. He loves his family so much and so do I. Bukod pa sa pareho kaming age 32, loko at pilyo kaming mag-usap.

    Marami akong nalaman tungkol kay LK dahil na rin sa mga kwento nya. Taga QC sya at doon din nagtatrabaho. Bukod pa dito, nabanggit din nya sa akin ang kanyang mga sexual activities sa mga guys. Nagpalitan kami ng kwento tungkol sa bagay na ito. Dahil nga sa nararamdaman kong sobrang open na rin sya sa akin, di na ako nag-alangan na magkwento rin sa kanya. Nasabi ko sa kanya ang mga guys na nagdaan sa buhay ko simula pa noong wala pa akong asawa't anak. Naging open naman kami sa mga ganung usapan.

    Meron na rin naman akong mga karanasan sa mga guys na hindi ko naman nililihim sa mga ka-chat ko. Pero syempre sila lang ang nakakaalam at hindi ang pamilya ko. Kaya nga ang mga accounts na gamit ko sa YM at FS ay hindi ko tunay na pangalan. Ito rin ang dahilan kung bakit wala akong profile picture na sarili ko. Ang lahat ng ito ay bahagi ng pag-iingat ko na malaman ng mga kakilala ko ang tungkol sa pagkatao ko.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon