PARE

564 4 0
                                    

Pare
A Letter Exchange
Author Unknown
-----------------------------

"Pare mahal mo raw ako". Alam kong mahilig kang magbasa sana mabasa mo ito.
Naging magkaibigan tayo for more than 3 years, ikaw yung kauna unahang taong nakilala ko sa school. Naging close tayo sa isa't isa, palagi kitang nakakasama everytime na may group quiz tayo o kaya sa lahat ng project, nakakasama sa anumang trip nating gawin, mga lokohan, kainan o kaya pasyalan.

Palagi mong sinasabi sa akin lahat ng problema mo at ganun din ako sayo, kapatid na ang turing ko sayo hanggang sa iisang boarding nalang ang tinitirahan natin. Sa lahat ng oras kasama kita, maglalaro ako ng basketball nanjan ka palagi, minsan na-iingit ako sayo kasi gwapo ka, habulin ka ng babae, maraming nagkakagusto sayo at maputi ka, kulang nalang halikan kita.

Ayaw kong umiyak pero naguguluhan ako kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin na mismo ikaw ang sumisira. Alam kong dumating yung time na nag-iba ka, nag iba yung pag-uugali mo na hindi ko mawari, ang dati nating samahan ay lumalabo na.
Isang gabi lasing ka, pero hindi ako lasing, umiiyak ka at dun mo sinabi mismo sa harapan ko at lumabas sa bibig mo at inamin mo na Mahal mo ako, gusto mo ako, Oo nagulat ako sayo dahil ang kaibigan kong lalake ay isa palang BI. More than 3 years mong tinago yung pagkatao mo na matagal ka na palang may nararamdaman sa akin simula pa noon, nag prepretend ka lang. Ang kalaro ko sa Basketball, kasama araw araw, kasama sa lokohan ay isa palang BI. Oo masakit sa akin yun kasi ang akala ko yung dating kaibigan kong Prinsepe ay Prinsepe din ang gusto.

Masakit sa akin ang lahat na ganun ang natuklasan ko sayo. Alam kong alam mo na marami din akong kaibigang LGBT na ang akala ko ay hindi ka kasali dun, masakit sa akin na baka tuluyan kang mawala sa buhay ko na minsan ka nang pinagkait sa akin.

Nung nalaman ko na Mahal mo ako imbes na ako ang lalayo ikaw yung nagpakalayo. Alam kong masakit sayo to at matagal mo ng gustong sabihin yan pero tiniis mo, minsan sa sobrang close natin napapagkamalan tayong mag jowa lalo na sa canteen. Alam kong umiiyak ka ngayon at nasabi mo na ang gusto mong sabihin sa akin, ayaw kitang saktan pero sinasaktan mo mismo ang sarili mo.

Alam mong may Girlfriend ako, Hindi ko kayang ibigay sayo ang hinihingi mong pagmamahal pero ang kaya ko lang ibigay sayo ang pagmamahal ko bilang kaibigan. Kung hindi mo kaya at itutuloy mo lang yung nararamdaman mo ay umalis ka na sa buhay ko o ako mismo ang aalis sa buhay mo, kung kaya mo pang ibalik yung pagkakaibigan natin I'll stay with you.

Hindi na ako naghanap ng ibang mga kaibigan pa kasi alam kong nanjan ka na, maraming nagtataka kung bakit humiwalay ka ng upuan sa akin, kung bakit iba na ang kasama mong grupo, lagi akong humahanap ng tiyempo para makausap ka pero todo iwas ka at minsan hindi na kita mahagilap. Alam kong tanging Thesis nalang ang way para makausap ka, pinagdadasal ko na sana wag kang lilipat sa ibang grupo.

Umuwi ka na di na ako galet. Kahit ano ka pa tatanggapin parin kita bilang kaibigan, kahit nagtatago ka sa katauhan mo baka malaman ng iba magiging sikreto nalang sa akin yun. I do respect LGBT, Umuwi ka na miss na kita eh, wala na akong kalaro ng DOtA at wala na rin kong kasamang sumisigaw ng offensive words, wala na akong kalaro ng Basketball, wala na kasi akong katabi sa upuan, at wala narin akong kasamang pumorma.

Tandaan mo to, kahit sino ka pa ikaw parin yung kaibigan ko, yung topak na kaibigan na nakilala ko. Mananatili ka parin sa puso ko.

Pre umuwi ka na. Pa cheese burger ka naman jan. I love you bro.

-Mark
-----------------------------
Nabasa ko ang story mo 2 days after na post at ako yung tinutukoy mo.

Hindi ko naman sinasadya na mahulog ako sayo kasi alam kong bawal, bawal para sa atin. Una palang pinilit ko ng pigilan ang damdamin ko at puso ko pero hindi ko kaya sa halip tinuloy ko ito ng di mo nalalaman, sa bawat araw araw nating pagsasama mas lalo pa akong nagkagusto sayo at mas lalo ko pang linihim ang nararamdaman ko. Bawat galaw mo, ngiti mo at konting pag-akbay sa akin binibigyan ko ng kahulugan, hindi ko lang pinaparamdam sayo na may nabuong pagmamahal sa puso ko at ikaw ang laman nito, ikaw ang nagpuno.

It all started when you smacked me on my lips as a sign of Hello, Hi. Alam kong okey lang sayo yun pero ako binigyan ko yun ng kahulugan sa puso ko, nung niyakap mo ako ng mahigpit sa gitna ng Basketball court kasi panalo tayo lahat yun may kahulugan kinilig ako dun pero di ko yun pinaramdam sayo.

More than 3 years kong tinago kasi pag nalaman mo iiwan mo ako, nagpanggap ako na straight sa mata ng maraming tao kasi ayaw kong masaktan. Masakit sa akin bro na aminin sayo kasi naguguluhan ako eh, balak ko ding sabihin sayo pag graduate na tayo pero di ko na natiis at lumabas na yung kulay ko.

Ayaw ko din sirain yung pagkakaibigan natin na ako mismo yung sumisira, alam kong nagulat ka noon na sinabi ko sayo na gusto kita kasi alam ko din masasaktan ako sayo. Minsan kinukulit mo ako sa kama para umamin kung may gf ako pero hindi ko masabi sabi kasi ikaw ang laman ng puso ko, all day you've been.... I just… I don't get this, I don't get you.

Hindi naman bawal ang magmahal pero kung sayo ako magmahal alam kong bawal kasi kaibigan kita eh at pareho pa tayo. Alam kong hindi mo kayang ibigay ang hinihingi kong pagmamahal pero tatanggapin ko nalang yun at least nasabi ko sayo yung tunay kong nararamdaman. Nagpakalayo ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko, minsan hindi ako nagpapakita sayo sa school kasi hindi ko kayang humarap sayo at baka iiyak lang ako. Ayaw ko din umabot tayo sa sitwasyon na tayo ay nagkakasakitan, at ayaw ko ding masira yung mga bagay bagay na nasimulan na natin.

Sorry dahil minahal kita at ikaw pa na kaibigan ko, alam kong kaibigan lang kaya mong ibigay sakin at yun ay tatanggapin ko ng buo, pero mananatili ka parin sa puso ko sa buhay ko bilang nakaraan ko. Ayaw ko ng magsimula ulit gusto kong ituloy kung ano yung dating tayo bilang kaibigan. Mahal kita.

P.S: Kung mahal mo ako bilang kaibigan at pag nabasa mo ito ngayon o bukas puntahan mo ako sa bahay hihintayin kita, na miss kita eh at gusto kong makita yung ngiti mo este mukha mo pala, gusto kitang yakapin at sasamahan mo ako sa harap ng parents ko dahil sasabihin ko na talaga sa kanila yung pagkatao ko.

(End)

#MgaKwentongM2m #Pare

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon