Ituloy natin ang kwento ni Jordan, ang makisig at matangkad na anak ni Col. Quiambao, maputi at chinito ang anyo — noong nagbakasyon ito sa kampo kung saan ang ama ay kumandante dito. Kasama si Sarge, hindi gaanong matangkad ngunit matipuno…stocky at malapad dahil sa lapad ng dibdib at balikat — ito ang kawani at driver ng ama. At ang iba pang mga sundalo, lalo na si Joel, isang barakong sundalo — maitim ang balat at malaking bulas. Hindi mapapansin ang konting bilog ng tyan niya dahil nakakatawag pansin naman ang lapad ng kanyang dibdib.[**Mula sa Author: Unang nakilala ni Jordan ang mga kainuman dito… sa nakaraang Chapter 6. Alam kaya ni Sarge ang namagitan noon kina Jordan at ang dalawang sundalo…? Ang lihim ni Jordan ay naganap sa nakaraang Chapter 8 ]
——————————
Natitiyak ni Jordan na namumula na ang mukha niya. Nakaka-ilang tagay na siya ng beer na alok ni Private Joel Virac sa gabing iyon. Agad na bakas ang nainom ng binata dahil maputi ang balat nito. Hindi tulad ng kulay ng mga kainuman niyang mga sundalo — na pawang kayumanggi ang balat na lalo naging kulay sunog dahil sa pagkabilad sa dalas na pagsanay sa ilalim ng araw.
Pinaunlakan niya ang pagyaya ng mga sundalo na makipag-inuman** — nang malaman nila na huling gabi na niya sa kampo, at nagkataon din na walang duty ang mga ito sa kasunod na araw.
May iilang bangko sa ilalim ng tatlong puno ng mangga sa likod-bahay ni Mang Boyet at Aling Nida na may-ari ng tindahan sa labas lang ng kampo. Madilim ang bakuran, at ang unang puno lang ang naaabot ng konting liwanag na nagmula sa maliit na bumbilya sa harapan ng nakasaradong tindahan, kung kaya dito na sila naglatag ng inumin at pulutan.
Mabilis ang tawanan at madulas ang kwentuhan ng tatlong sundalo na kainuman ni Jordan — ngunit tahimik lang siya na tila lugmok sa palaisipan: bakit agad na pinauuwi siya ng ama sa Manila, eh… ang usapan nilang mag-ama ay mananatili siya dito ng buong dalawang buwan nitong summer break sa university?
Halos dalawang araw na hindi nakausap o nakita ang ama niya, dahil abala ito sa trabaho bilang kumandante ng military training camp na ito sa Visayas. Tapos kaninang umaga lang, si Sarge Arnel Dulay, ang katiwalang kawani ng ama niya, ang nagparating ng pagbabago sa plano na ito — at hindi man lang siya kinausap ng Papa niya.
“Hoy, Jordan….”. Naudlot ang pag-mumuni-muni niya.
“Tagay pa! Parang ang lalim ng iniisip mo ah…”, pagpuna ni Joel, ang may pasimuno nitong inuman at ang pinaka-maingay sa grupo. Malaking bulas ito at ang pinaka-matangkad sa kanila.
“Oo nga…… maglasing tayo…. at ikaw… lalasingin ka talaga namin… haha”, pagsabat naman ni Private Mon Datu. Kadalasan ay tahimik lang ito, ngunit nakisawsaw na rin ito sa kantiyawan dahil naka-inom na rin at lumuwag na ang dila.
“Hoy…. huwag niyong aanuhin itong si Jordan…”, pabirong pagdepensa ni Sarge Arnel. “…. wala pang sungay itong batang ito… kaya tigilan niyo na siya… kung hindi, ako ang malalagot sa ama niya kung malasing itong alaga ko…hahaha”.
Mukhang matibay talaga sa inuman ang mga ito…. nakailang rounds na sila ngunit walang sumusuko. Unti-unting nalalasing sila, at naging masmaharot pa. Kaya naman sabayan ang mga ito ni Jordan…kahit pulang-pula na ang mestisohing chinito na mukha niya.
Tumayo si Jordan… at humakbang papunta sa likod ng puno.
“Saan ka pupunta…?”, tanong ni Joel sa binata.
“Dito lang…. iihi lang ako…..”
“Huwag diyan…. halika, doon tayo…. samahan kita….”. Lumapit ang barakong sundalo, at inakbayan si Jordan. “Doon…. sa dilim….. hehehe”.