Isang sabado, mga alas-4 ng hapon, naka-upo si Jordan sa harap ng gusali ng kanyang quarters. Nakabukod ang mga kwarto ng bisitang civilians sa mga barracks ng sundalo at officers’ quarters. Pinapanood niya ang drills ng mga sundalo. Buong hapon sila nagsasanay. Mahigpit si Kapitan Reyes. Matikas, malakas ang dating, ngunit masungit ang anyo nito, at malupit kung makapag-utos, lalo na pag may kahinaang pinapakita ang kanyang tropa.May walong sundalo ang kasama sa special unit ni Capt. Reyes. Piling-pili lang ang mga kawal na kasama dito. Ilang beses na sinubukan ni Jordan na makilahok dito. Gusto niyang ma-challenge sa hirap ng training nitong kapitan, at sa tingin niya ay kakayanin niya ito. Ngunit siya’y palaging nabibigo. Sa katunayan, sinigawan lang siya kanina ni Kapitan Reyes nung naki-usap siyang makilahok. “Request denied. Wala akong paki-alam kung sino ka… at kung kanino kang anak”, ang mainit na sagot sa kanya ng mahigpit na kapitan.
Buong maghapon nasa ilalim ng nakakasunog na araw ang mga kawal. Sa wakas, natapos na rin sila. Pawis na pawis ang mga sundalo nang na-dismiss na sila at naglalakad pabalik sa kani-kaniyang mga barracks. May sundalong humakbang palapit sa kanyang kinaroroonan.
Si Private Joel Virac. Malaking tao, maitim ang balat na lalong umitim sa pagbabad sa araw.
“O, Jordan….. ‘ musta na…?”, bati ni Joel.
Medyo kinabahan si Jordan. Dalawang linggo na ang nakaraan mula nung nakisalo si Jordan sa lihim na laro nina Joel at Dhel sa paliguan sa likod ng barracks. Kapag nagkakasalubong sila sa kampo, mahinang tango lang ang tanging bati nila sa isa’t-isa, na tila gustong ibaon sa limot ang malaswang lihim nila.
“Ok, lang….Joel. Eto… gusto ko sana sumama dyan sa inyo…. E mukhang mainit ang dugo ni Capt. Reyes sa akin….”, ang sagot naman ni Joel.
“Wag mo na muna pansinin yon. Hayaan mo, ipakiki-usap kita minsan sa kanya”, pahayag ni Joel. “May ginagawa ka ngayon….?”
“wala naman….”
“Halika, sama ka… ligo tayo dun sa ilog. Ang init e… sunog na sunog na ako”.Agad-agad gumayak si Jordan… nagpalit ng board shorts na pang-swimming, sumuot ng manipis na sandong puti, at sukbit ang tuwalya sa balikat. At tumungo sa may bakod sa likod ng barracks, sa may gubating daan, para tagpuin si Joel.
“Jordan…!!! Yes, bro….hahah”. Parang natutuwa si Joel na makakasama si Jordan sa lakad papuntang ilog. “ Jordan… si Mon nga pala. Private Mon Datu”, pinakilala ni Joel ang kasama niya.
Maitim din ang balat ni Mon, parang si Joel. Ngunit magkasing-tangkad lang si Mon at si Jordan. Hindi tulad ni Joel na malaking bulas at malapad ang katawan, si Mon ay balingkinitan at matikas, tulad ni Jordan, ngunit putok na putok ang muscle sa braso at matigas ang dibdib at tyan… yung payat na nabatak na lang sa hirap ng military training nila. Maitim na nga siya, ngunit parang lalong nasunog pa.
Kasama rin si Mon Datu sa ‘special unit’ ni Kapt. Reyes. Nakikita na rin siya ni Jordan na kasama ito… makisig at matagal ang kakayahang tumiis sa hirap ng pinapagawa ng kapitan. Pala-ngisi si Mon, ngunit wala masyadong imik. Isang tanong, isang sagot… at ngisi lang. Angkop lang sa palangising mukha niya ang mapungay na mata at medyo makapal ang labi.
Hindi pa nakarating si Jordan sa sinasabing ilog, ngunit narinig na niyang nabanggit ito ng ibang sundalo. Magaan ang mga yapak ni Jordan, na tila na natutuwang makaligo sa ilog, kahit na medyo gubatin ang daan. Tuloy-tuloy ang lakad nila, single-file. Nangunguna si Joel. Alam-na-alam niya ang daang maliblib.
May kalayuan. Narating nila ang pook pagkatapos ng 30 minutos na paglalakad. Hindi malapad ang ilog. At mukhang hindi malalim. Malinaw na malinaw ang tubig. Nakakalibang ang tunog ng mahinang agos ng tubig.