Part 4
Indeed that love is blind. So blind. At dahil sa blind, nangangapa ka sa dilim. Hindi mo alam kung ano ang dinadaanan mo. Hindi mo alam kung tama o mali ba ang ginagawa mo. Ang alam mo lang ay nagmahal ka. At dahil sa blind, mas lalo kang nag-iingat dahil ayaw mong mabunggo, madapa at masaktan.
Masarap naman talaga magmahal. Pero hanggang kailan mo itatago at sasabihin sa taong yun.... na... na mahal mo siya. Hanggang kailan mo itatago sa kanya? Kapag wala na siya? or sumama na sa iba?
Hanggang kailan?...
Hayss!! Naalala ko tuloy si Michael Pangilinan sa kantang yan. Hanggang kailan.
----
Tinuruan ko ang sarili kong huwag magselos. Wala naman kasi akong karapatan magselos. Unang-una, magpinsan kami at pareho kaming lalake. Pangalawa, hindi niya naman ako mahal na tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Mahal niya nga ako pero bilang kuya, bilang pinsan.Tsaka gusto niya lang naman daw akong kasama, alam kong pareho kaming sabik sa kapatid na lalake. Kasi dalawa lang silang magkapatid. Siya at si Jessica. Ako naman sa apat na magkakapatid ako lang ang lalake.
Baka nga dahil sabik lang kami sa kapatid na lalake. Yun nalang ang iisipin ko. Dapat kong itama ang mali.
Pero hindi talaga eh.. Mahal ko talaga siya eh. Bakit ganoon?..... ang hirap (sad face)
Kelangan kong magfocus. Derek Ryan Bautista!! MAGFOCUS KA!! MALI!! MALI!! Mali yang nararamdaman mo.!! Hindi ikaw yan! Lalake ka!!
---
Lumipas ang ilang buwan. Pinilit kong bigyan ng chance ang closeness namin ni Jake. Okay na kami ngayon. Pero minsan naiilang pa din kami sa isa't isa. O baka ako lang ang naiilang, kasi super touchy pa din niya. Lagi niya akong niyayakap sa pagtulog, minsan nagugulat nalang ako bigla siyang nangyayakap kahit nasa public kami (bumibigay ang brief ko ng palihim). Buti nalang ang alam ng lahat ay magpinsan kami. Madalas ko ding napapansin yung mga titig at ngiti niya na nang-aakit.
Minsan pag natutulog siya katabi ko, tinititigan ko siya habang natutulog. Natetempt akong i-kiss yung mapupulang labi niya pero pinipigilan ko. Pero hindi nakakaligtas ang pisngi niya sa halik ko. hehe. Lagi kong inaayos ang kumot niya, paano napakalikot matulog. Binabantayan ko siya habang natutulog. Hinahawi ang buhok niya na parang nagpapatulog ng bata.
Hanggang doon ko lang naman siya kayang pagsilbihan. Kahit sa pagtulog lang ay maalagaan ko siya. Mahawakan, matitigan at mahalikan. Kahit sa pagtulog lang maiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko kahit na ako lang ang nakakaalam at nakakita sa pag-aalagang ginagawa ko. Kahit sa pagtulog lang..
May times din naman na pinapatulan ko yung yakap niya, pero bumibitiw kaagad ako. Alam mo na, umiiwas, tsaka wala akong tiwala sa sarili ko. Mamaya bumigay na naman ako sa charm at pagiging sweet niya, dadag mo pa ang hotness at kagwapuhan (torture te).
As usual lagi pa din akong may topak. Madalas akong topakin, lalo na kapag nariyan ang girlfriend niya. Topak + selos= volcanic eruption.
Kapag tinotopak naman ako, alam na alam niya na paano ako pangitiin ulit at yon yung kinakainis ko. Kasi gusto kong mainis ako sa kanya ng matagal, pero bumibigay naman kaagad ako sa panunuyo niya.
Minsan naisip kong mali siguro na binigyan ko pa ng chance ang closeness namin. Kasi lalo lang naipamukha sa akin ng puso ko na si Jake ang tunay na tinitibok-tibok nito.
20 years old na ako at last year ko na sa college, sa wakas last year nalang ng paghihirap. Ga-graduate na din ako sa course na Business Management.
Si Jake naman ay 17 years old na noon at freshman naman siya sa same school na pinapasukan ko. Sabi niya doon din daw siya mag-aaral para magkasama pa din kami. Kumuha siya ng kursong Marketing, nagulat nga ako kasi ang alam ko gusto niyang mag Marine Transport. Kaso wala sa school namin yung Marine Transport kaya Marketing nalang ang kinuha niya. Sabi niya kasi ayaw niyang mahiwalay sa akin. Kinilig nga ako ng palihim noon, nang sabihin niya yun.