SERVICEMEN

846 7 0
                                    

Servicemen
by: Gemini

Pagkatapos ng 5 taon sa pagkakadestino ni Jace sa Cotabato muling ay naassign sya sa Quezon Province kung saan lalo syang napalapit sa kanyang lugar. isa siyang Coastguard.dahil sa panibagong simula na naman ng kanyang trabaho at bago din environment ay di sya masyadong pamilyar sa mga lugar.ngunit may kilala syang nagiisa at dati nyang Boardmate sa lugar na yun.doon naisip nya humingi ng tulong upang hanapan sya ng bahay na mauupahan kahit na kwarto lamang upang may mapagiwanan ng kanyang mga kagamitan at pahingaan naman kapag dayoff.
Si Ivan ang natatangi nya lang kakilala sa lugar na iyon.alam nya na sobrang mabait at mapagmalasakit si Ivan.mas matanda naman sa kanya ng siyam na taon si Ivan, dahil sya ay 27 habang si Ivan ay 36.alam nya din na bisexual si Ivan, subalit batid nya na nirerespeto naman sya nito.
Sinundo ni Ivan si Jace sa eskenita malapit sa simbahan at kanyang tinulungan bitbitin ang mga gamit nito papunta sa kanyang tinutuluyang boarding house.
ang bakanteng kwarto ay nasa itaas banda Jace.wika ni Ivan.at ipinakilala nya ni Ivan si Jace sa May ari ng paupahan upang mailagay nya na ang gamit sa kwarto na nais nya.halos natatakot pa ang may ari dahil sa sa pagkakaalam nya ay may mga baril ang Coastguard at baka magdudulot ng gulo sa kanilang paupahan.subalit ipinaliwanag ni Ivan na mabait si Jace at di ito nakikipaginuman at kahit anong bisyo. bibihira sa katulad ni Jace ang may ganitong katangian.Halos magkahawig si Jace kay John Lloyd at matipuno ang katawan nito.kung sinoman magkakagusto sa kanya ay swerteng swerte dahil complete package ito.subalit may Inamin si Jace kay Ivan na sya pala ay engaged na kay Athena.
natutuwa naman si Ivan kay Jace dahil sa may gf na nga ito at malapit na sila ikakasal ni Athena.
Unang araw ni Jace na magkasama sila ni Ivan.mahilig magluto si Ivan at kumbaga kargo nya na si Jace dahil pagkatapos ng ilang taong lumipas naalala parin sya nito.at ngayon kapiling nya na.Ultimate crush ni Ivan si Jace since nagaaral pa lamang ito ng kolehiya sa Quezon Province.malapit din loob ni Jace kay Ivan dahil di na iba ang Turing nya dito.
Pagkatapos magluto ng hapunan sabay silang dalawa kumain.ang sarap mo talaga magluto Ivan, wika ni Jace. sus binobola mo na naman ako wika naman ni Ivan.sabay ngiti.kain ng kain Jace kailangan mo ng lakas dahil kelangan ka ng bansa wika ni Ivan.
Tatlong beses sa isang araw nagluluto ni Ivan ng kanilang makakain. pati narin uniporme ni Jace ipinaplantsa ni Ivan at tinutupi ng maayos upang di magusot kapag sinusuot ni Jace.sobra ang malasakit na ibinibigay ni Ivan kay Jace.dinaig pa nito ang tunay na gf ni Jace dahil sa pagaalaga nito.mula sa umaga hanggang gabi.pagdating sa duty ay halos agad nito inaasikaso ni Ivan.
Araw araw yan ang daily routine ni Ivan bago pumasok sa work.di nya iniiwan na walang makakain si Jace.
Unti unti nahuhulog loob ni Ivan kay Jace dahil sa napakabait nito sa kanya sapagkat dinadalhan din sya ng mga imported na pagkain nito na bigay ng kanyang gf.nagbibigay sila pareho ng magandang benepisyo sa lahat ng aspeto ng buhay.naroon parin ang pag galang sa isa't isa upang manatili ang kaugnayan nila bilang magkaibigan.
Isang gabi naririnig ni Ivan na inuubo at nilalagnat si Jace.agad nya ito pinuntahan at binigyan ng lunas upang gumaling.minasahe nya ang buo nitong katawan na puno ng lamig. kinabukasan okay na pakiramdam ni Jace at nagpasalamat sya kay Ivan.
batid ni Jace may kailangan din si Ivan ngunit alam nito na nagtitimpi sya sapagkat ayaw nito masira at layuan ni Jace si Ivan.
Lumilipas ang mga araw at buwan .masaya silang dalawa sa araw araw na gawain.hanggang sa nahuhulog na loob nila sa isa't isa.nirerespeto nila ang bawat bahagi ng kanilang pagsasama.kung may mangyari man sa kanilang dalawa ay siguro pagkakataon na nila yun na di na nila mapipigilan ang nararamdaman. at alam nila na kagustuhan talaga nilang dalawa.
Lumipas muli ang buwan, medyo masama ang pakiramdam ni Ivan, kaya nagpakonsulta sya sa kanyang Private Doctor sa Bayan ng Quezon.nasa duty naman si Jace nung mga panahong iyon.inilalahad ni Ivan ang kanyang nararanasan na kakaibang pakiramdam sa kanyang Doktor. nagsagawa sila ng iba't ibang pagsusulit upang tukuyin ang sakit ni Ivan.
Lumabas ang resulta na may Kanser si Ivan.nasa stage 4 na ito at sinabi sa kanya na mas mabilis ng bumabagsak ang kanyang katawan sapagkat kumalat na sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan ang sakit.napaluha si Ivan sa kanyang nalaman at umuwi na taglay ang malalim na iniisip dahil sa nararamdaman.
Pagdating nya sa bahay naroroon na si Jace nakaabang sa kanya at tinanong kung saan sya galing.nagliliwaliw lamang ako sa labas Jace dahil sobra akong naboring dto wika ni Ivan.
Habang nagluluto si Ivan ng hapunan lumapit sa kanya si Jace at sinabi na malapit na anya ang kasal nila ni Athena.imbitado ka Ivan akong bahala sayo, wika ni Jace. mahal kita.mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko dahil sobra sobra ang ginawa mo para sa akin, wika ni Jace kay Ivan.sabay yakap nito.
naalala ni Ivan na 2 weeks lang ang pamamalagi nya sa mundo.yun ang sabi ng Doktor sa kanya.sa halip malungkot ipinagpatuloy nya parin ang pagsisilbi kay Jace ng parang walang nararamdaman sa sarili.
Kinabukasan dayoff ni Jace at umalis si Ivan ng di nagpaalam sa kanya kung saan pupunta.kaya ang ginawa ni Jace ay sya naman ang naglinis ng kwarto ni Ivan upang masuklian ang lahat ng pagmamalasakit nito sa kanya. hanggang sa may natuklasan sya na isang bote ng gamot.binabasa nya ito at natuklasan nya na mataas ang dosage nito.
agad nya sinearch sa Google. ang gamot pala ay isang anti Cancer capsule.
nakaramdam ng kaba si Jace at pumunta sya sa Doctor upang alamin bakit meron nito si Ivan.
at Inamin ng Doctor na nasa stage 4 na si Ivan. 2 weeks nalang itatagal nya.nanlulumo si Jace sa nalalaman nya tungkol kay Ivan.
pagdating nya sa bahay nakita nya si Ivan inaayos ang mga damit ni Jace na parang walang nararamdaman.
hindi magawang magalit ni Jace kundi niyakap nya si Ivan ng mahigpit at tumangis.nagulat si Ivan dahil parang alam na ni Jace ang tungkol sa kanya. lumuha narin si Ivan at humagulgol ng iyak.sorry po Jace.ayaw ko magalala ka sa akin.masaya ako sa inyo ni Athena.kung sakali mawala man ako atleast meron akong iniwan na masayang ala ala para sa atin jan sa puso mo.humagulgol ng iyak si Jace at bakit di mo agad sinabi sa akin, wika nya.masakit para sa akin na huli na ang lahat Ivan.
Umiiyak silang dalawa habang magkayakap.ayaw kong mawala ka wika ni Jace.
Tandaan mo Jace kahit wala na ako jan parin ako sumusuporta sayo.diyan lang po ako sa puso mo.
Nasa duty si Jace, habang naiwan si Ivan sa bahay.halos lugmok na katawan nya nakaramdam na sya na unti unti na bumabagsak ang hininga nya.tinawagan nya si Jace..agad naman nasagot at umuwi mula sa duty ngunit di na nya naabutan si Ivan.nagpaalam na ito.
Mananatili ka sa aking puso Ivan.tumatangis si Jace sa puntod ni Ivan.hanggang ngayon lagi nya dinadalaw si Ivan kahit may dalawa na silang anak ni Athena.
walang hanggan ang malasakit at pagmamahal na ipinapakita ni Ivan kay Jace.

#inmemoriamofFrancis😞❤❤

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon