Oo, Ikaw - Geca MoralesAko ay mayroong gustong aminin
Ngunit di alam kung pano
Noon ko pa itong gustong sabihin
Di makahanap ng tyempoBakit ba ganon…
Bakit ba ang hirap magpakatotoo
Bakit ba ganyan
Bakit ba di ko masabi sayo
Oh ohh oohhHoy! Ikaw! Oo, ikaw
Di mo ba alam na…
Mahal na mahal kita
Di ko lang alam kung di lang ba talagang halata
O sadyang napakamanhid mong talaga!
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw… ikawKainis bakit laging nagdadal’wang isip
Natatakot sa magiging sagot mo
Di alam bakit ba di makaimik
Di mapakali tuwing lalapitBakit bag ganon…
Bakit ba ang hirap magpakatotoo
Bakit ba ganyan
Bakit ba di ko masabi sayo
Oh ohh oohhFLASHBACKS
(I intended to write flashbacks para ma emphasize yung closeness namin ni Jake dati. Hindi ko kasi masiyado na detailed sa ibang chapter. Kasama dito ang ilang mga sweet gestures at yung mga nararamdaman niya noon na hindi ko napapansin dahil ang alam ko lang naiinis ako sa sarili ko. Iilan lamang 'to sa mga masasayang pinagsamahan namin. Mediyo magulo ang pagkakasulat ko pero hayaan niyo na.)**
"Kuya Rye, sa susunod kapag nagtext ako sayo ng 'UVAL' sagutin mo ng 'OOT UVAL' ha." wika ni Jake.
"HA?? Ano yun?" pagtataka kong tanong sa kanya. May pagka-weird din kasi siya minsan
"UVAL means binaliktad na LOVE YOU, ang OOT UVAL ay LOVE YOU TOO. Okay? Wag mong kakalimutan. Tapos sa dulo wag mong kakalimutang lagyan ng 'W.I.'" pagpapaliwanag niya.
"Ano naman yung W.I.?" tanong ko ulit sa kanya. Nawewirduhan ako sa kanya ng mga time na yun. Pero hindi ko maiwasang mapangiti. Kinilig kasi ako at siya pa mismo nagrequest ng mga words na yan.
"Yung W.I. naman ay 'Walang Iwanan'." nakangiti niyang sabi sa akin.
Ano bang nangyayari sa batang to. Kung anu-ano ang sinasabi. Pero sa loob-loob ko napakasarap ng pakiramdam ko, papatayin yata ako nito sa kilig eh. Gustong-gusto ko ang pagka wirdo niya na yun. Sana weird na lang siya lagi lol. Naramdaman ko yatang ngumiti ang puso ko, parang gumalaw kasi ito hahaha.
'UVAL, OOT UVAL at W.I.' napakahilig niya talaga sa mga codes. Paliwanag niya ay para daw unique at kami lang ang makakaintindi. (mabuti na lang at hindi siya nagbabasa dito sa KM. Kung hindi sure akong kilala niya na ako. Sa tingin ko kasi kami lang ang gumagamit ng codes na yan).
"Ok! As you wish." sabay abot ko ng ulo niya para guluhin ang buhok niya.
"Kuya naman hindi na ako bata. Nag-aano (masturbate) na nga ako diba" pagrereklamo niya sa ginawa ko na may kasamang bugnot.
Ginulo ko pa lalo at nginitian na nang-aasar.
"Kahit magbibinata ka na, bunso parin kita at wala ka ng magagawa doon." panay pa din ang panggugulo ko sa buhok niya.
Hanggang sa nagkahabulan na kami at tawanan.
**
Kapag umuuwi kaming lasing at pag tinamad ng umakyat sa kwarto ay sa iisang sofa kami natutulog na magkayakap. Minsan kahit hindi kami lasing mas gusto naming matulog doon, gustong-gusto ko yung combination ng init ng katawan namin at yung paggising ko na nakayakap pa din siya ng mahigpit. Kailan man ay hindi ko naramdaman sa kanya na nagrereklamo siya sa position namin kahit minsan nahuhulog siya sa sofa dahil sa kalikutan naming matulog.
Sa iisang sofa na yun napagkasya namin ang aming sarili. Tila ba kahit isang oras ng aking buhay ay ayokong malayo sa kanya.
Madalas din na sobrang overprotective ako sa kanya at yung ang madalas na dahilan ng pagtatampo niya, ginagawa ko daw siyang bata. Ewan ko ba parang gusto ko kasi siyang protektahan lagi. Alam ko naman na kaya nya ang sarili niya pero, ah basta iba.