ANG VIRGIN NA POTPOT DRIVER

805 8 0
                                    

Ang Virgin Na Potpot Driver
By Mikejuha
--------------------------------------

Bisekleta tapos nilalagyan ng side car, ito yung pinaka-common mode of transportation sa sentro ng bayan namin. Tawag ng iba dito ay tri-sikad pero sa amin, tawag dito ay “potpot”. Talagang physical, at hindi lang nasusunog ang balat ng mga driver nito, bugbog pa ang katawan at buto.

Nung nag-aaral pa lang ako sa probinsya, dito na ako sumasakay. Isa ito sa mga bagay na na-miss ko simula nung mag-abroad ako. Kaya every time na magbabakasyon ako at umuuwi ng probinsya, hindi pweding hindi ako mag-hire ng potpot service, at gawing tour guide ang driver na mag-iikot sa na-miss kong lugar. Dito, narere-live ko ang mga nakaraan. May pagka-sentimental kasi ako. Yun bang pag na-miss ko ang isang bagay o tao, gusto kong puntahan o bisitahin ang lugar kung saan merong malaking significance. At doon, magmumuni-muni o i-enjoy ang hangin o music habang sinasariwa ang nakaraan.

First time kong baksayon nun galing Saudi. Dahil sa first time ko ring ma-experience ang abroad, matindi ang pagka-miss ko sa mga bagay-bagay sa lupang kinalakhan ko. Kaya di ko maiwasang maghanap. At isang araw nga, naisipan ko na lang sumakay sa potpot at mag-ikot. Gusto ko sanang magsama ng kaibigan kaso wala akong mahagilap dahil karamihan sa kanila’y nasa ibang lugar na at yung naiwan naman ay may mga trabaho at nakakahiya namang istorbohin. “Mag-isa na lang akong lalabas, tutal dati ko namang ginagawa ito...” sabi ko sa sarili.

So, naghanap nga ako ng potpot, at eksaktong may bakanteng dumaan. Bata pa ang ang driver, nasa 20 yrs old, matipuno ang katawan at may 5’9 ang height.

Madaldal si Jun kaya habang nagda-drive sya, madami na akong nalalaman tungkol sa kanya, kagaya ng pagkahinto nya ng pag-aaral dahil sa pagkamatay ng tatay nya; na walo silang lahat magkakapatid at sya ang panganay; ang pagpasok nya bilang kargador ng pier; at ang pagkakaroon ng sariling potpot na sa panahon na yun ay hinuhulug-hulugan pa. “OK lang ang potpot dahil sarili ko ang diskarte dito” paliwanag nya. Sa tono ng pananalita nya, masipag, madiskarte sa buhay at may paninindigan si Jun.

Nakarating na kami ng bayan ng magtanong sya kung saan ako bababa.

“Ay, oo nga pala” sabi kong mejo natawa. “Paano ba to i-explain... Ah, ganito na lang. Magkano ba ang kinikita ng isang potpot driver sa isang araw?”

Ipinarada ni Jun ang potpot sa gilid ng kalsada dala ng pagtataka kung bakit imbes na sumagot sa tanong nya ay ako ang nagtanong. “Di po pareho sir e. Minsan may 200 o mahigit, minsan nasa 100, minsan naman, 50 o kapag minalas, buti na kung may sampu. Pero sa akin naman, hindi pa ako dumanas ng mababa sa 50” paliwanag nya.

“Ok... Bigyan kaya kita ng 300 sa isang kondisyon. Tour guide kita sa buong araw hanggang 11 pm, libre kain. Kung saan ako kakain sama ka. At... kapag nagkasundo tayo sa iba pang bagay may bonus ka sa akin. Ano sa palagay mo?”

Mejo nag-isip muna si Jun. “Yung... magkasundo tayo sa ibang bagay, ano po kaya yun sir?” Tanong nyang kita sa mukha ang pag-aalangan.

“Syempre, yung oras mo na sinayang ko, at kapag nag eenjoy ako sa pagsama mo sa akin, may bonus ka. At mas malaki yun. Wala tayong gagawing kalaswaan kung iyon ang nasa isip mo?” paniniguro ko sa kanya “Atsaka, anlaki-laki ng katawan mo. Ako nga ang dapat matakot sa iyo, e.” sabi kong pabiro. “Di, biro lang... Gusto ko lang mag-enjoy na may kasama at nagga-guide sa akin. Kababakasyon ko lang kasi galing abroad” Dagdag-paliwanag ko.

“Ah, ok... Sige sir, ok sa akin yan.” Masayang sagot nya. “Pero kailangan ko po bang magbihis pa? Dyahi tong ayos ko eh, naka-sando lang, luma’t mabaho pa at tagpi-tagpi ang shorts...”

“Ikaw... kung gusto mong magbihis, ok din lang. Basta rugged lang dahil ang pupuntahan natin ay hindi naman party, mga lugar na rugged din gaya ng pier kung san dun tayo kakain ng lunch, beach, botanical, etc. T-shirt at maong or shorts, ok na... At pwedi ba, Mike nalang tawag mo sakin at wag mo na akong po-po-in, di naman magkalayo ang edad natin, ok?”

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon