MGA KALARONG SUNDALO PART 3

266 1 0
                                    


Biglang nagising si Jordan nang bumundol ang ulo niya sa matigas na gilid ng eroplano. Nakaidlip na sana si Jordan ng sandali, ngunit matagtag ang lipad. Hindi komportable itong C-130 military transport plane, dahil napaka-ingay sa loob ng eroplano, at matigas ang mga upuan nito.

Antok na antok si Jordan. Halos hindi siya nakatulog kagabi. Madilim pa nang makarating si Jordan at si Sarge Arnel Dulay sa airport. Pinakilala lang ni Sarge Dulay si Jordan sa dalawang piloto at dalawang flight mechanic pagkasakay nila. At nag-takeoff agad ang eroplano patungo sa isang lungsod sa Visayas, kung saan magbabakasyon si Jordan sa isang military camp na pinamumunuan ng ama niyang koronel.

May mga naka-karga na iilang malaking kahon na naka-secure sa gitna ng main hold ng C-130 Hercules. Ang upuan para sa pasahero ay tila parang mga bench lamang na nakapalibot sa gilid ng eroplano. Bukod kina Jordan at Sarge Arnel Dulay, may isa pang pasahero silang kasama. Pinakilala ito kay Jordan – si Airman Lito Magbanua.  Galing din siya sa parehong probinsya ni Sarge, kung saan patungo yung lipad nila. Ayon kay Sarge, kababata at kabarkada niya ang kuya ni Lito. Halata na matagal nang magkakilala ang dalawa, kahit taga-Army si Sarge at taga-Air Force naman itong si Lito. Panay ang harutan at biruan nila, lalo na’t nasa loob naman ng cockpit ang mga senior officers nila.

“O, bunsoy….. unano ka pa rin…”. Pabirong sinapo ni Sarge ang ulo ni Lito at inipit ito sa malalapd niyang braso.  Siguro mas matanda lang si Lito ng dalawa o tatlong taon kay Jordan. Maliit si Lito, lagpas lang ng konti sa balikat ni Sarge  ang tangkad nito. Ang katawan ni Lito ay maskulado din, parang kay Sarge.

“Unano ka dyan…., hahaha….”, patawang sagot ni Lito, at akmang suntuking ng pabiro ang dibdib ni Sarge habang nakasubsob ang ulo nito sa kili-kili ng mas matangkad sa kanya na sarhento.

Tuloy-tuloy ang harutan ng dalawa. Magkatabi sila ng upuan. Kahit nakabigkis pa rin sila sa kani-kaniyang upuan, hindi nila mapigilan ang pabirong upakan at magulong kilitian. Parang nakakabatang-kapatid ang turing ni Sarge kay Lito.

Halos kailangan sumigaw para makipagkwentuhan ng maayos sa loob ng eroplano.

Nakalipas ang halos 20-minutos sa lipad, tinanggal na ni Sarge Dulay ang nakasukbit na safety harness at belt.. at tumayo na para uminat. Kitang-kita ang hubog ng matipunong dibdib. Malaman siyang tingnan sa suot niyang fatigue uniform.

“ Hoy,... tayo ka…. Bilis. Tayo na, sabi….!”, sigaw niya kay Lito, sabay hinihila niya ito para tumayo na.

Inalis ni Lito ang safety belts niya, at tumayo sa tabi ni Sarge, kung saan ito naka-pwesto sa harap ni Jordan, na naka-upo pa rin at nakatingala sa kanila.

“Bakit ba…?”, tanong ni Lito, na parang naaabala. Gusto niyang umupo lang at umidlip sana.

Inakbayan siya ni Sarge.

“May gusto lang akong ipakita kay Jordan… alam mo naman, kahit anak ito ni Col. Quiambao, e halos walang alam pa ito sa buhay militar”.  May bahid ng panukso ang boses ni Sarge, na hindi agad napuna ni Lito o ni Jordan dahil sa ingay sa loob ng eroplano.

“JORDAN….!”, malakas na tinawag  ni Sarge ang pansin ng nakaupong binata, “…Ganito…….AAAahahahaha….”

Hinigpitan ni Sarge ang pag-akbay kay Lito, at sabay, biglang hinila pababa ang zipper sa harap ng flightsuit ni Lito, at tuloy-tuloy bumukas ang harap nito.

“..HAhaHAhahaha………”, ang lakas ng patawang hiyaw ni Sarge.

Ang flightsuit na suot ni Airman Lito Magbanua ay parang coveralls, isang buong kasuotan na tuloy-tuloy mula upper shirt hanggang pantalon, na may isang mahabang zipper sa buong harapan, mula kwelyo hanggang singit.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon