Nagkagulo at excited na ang lahat nang i-announce ng aming professor na magkakaroon kami ng medical mission sa isang lugar sa Zambales. Isa kasi ang medical mission sa mga activities sa aming course na BS Nursing. Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawin namin ito. Kung hindi ako nagkakamali ay ito na ang pang-lima. Bukod kasi sa pagtulong sa mga kababayan natin sa kanilang pangangailangang medikal, nakakapasyal pa kami sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan.
Masaya, magulo at fulfilling ang gawaing ito. Minsan ay nakakalungkot isipin na may mga tao palang ganoon ang kalagayan sa buhay. Walang ospital, walang mga gamot, walang mga katulad naming nurse, at walang doktor na matatakbuhan kapag sila ay nagkakasakit. Umaasa lang sila sa mga albularyo at pagpahid ng kung anu-ano sa mga may karamdaman. Kadalasan kasi’y mga liblib na pook ang aming pinupuntahan upang bigyan ng tulong medikal. Minsan nga ay umaabot kami ng ilang araw sa mga lugar na mas malaki ang pangangailangan dahil hindi namin lahat napagbibigyan sa loob lamang ng isang araw.Ako nga pala si Patrick, 21 at may taas na 5’9”. Medyo maputi, tsinito, at maganda ang pangangatawan. Hindi naman ako ka-gwapuhan ngunit malakas naman ang aking sex appeal. Actually, may isang tao na halos kapareho ko pagdating sa mga bagay tungkol sa aking buhay, si Jared. Magkaklase kami ni Jared at kami ang mag-bestfriend sa buong klase simula pa noong nagkakilala kami noong first year pa lang kami. Halos magkasingtangkad kami ni Jared yun nga lang ay mas maputi siya kaysa sa akin. Maganda rin ang kanyang pangangatawan, hugis almond ang mga mata at edad 21 din. Magkasundong-magkasundo kami ni Jared pagdating sa gimik, mga babae at maging sa mga paborito naming libangan gaya ng pagsusulat ng kung anu-ano. Minsan ay nagsusulat kami ng mga kwentong kababalaghan, katatawanan at mga kalibugan din. Pero ito ay hindi naman seryosong pagsusulat. Kadalasan ay itinatago lang namin ang aming mga isinusulat.
Sa nalalapit naming medical mission, tiyak ay kami na naman ang magka-partner ni Jared. Sa mga ganoong pagkakataon kasi ay dala-dalawa kami kung magbigay ng tulong sa mga tao. Isang kumukuha ng blood pressure at isa ang taga-lista. Minsan naman ay ang isa ang namamahagi ng gamot at ang isa ay pagkain. Kaya’t sa tuwing tinatanong ng professor namin kung sino ang makakatambal namin, tiyak kaming dalawa ang magkasama. Minsan nga ay tinutukso na kami ng aming mga kaklase na para daw kaming mag-syota. Kung hindi lang daw talaga nila alam na pareho kaming straight ay iisipin nilang bakla ang isa sa amin or pwedeng kaming dalawa. Tinatawanan lang namin ang ganitong biro.
Dumating ang araw ng pagpunta namin sa Zambales at nakahanda ng lahat ang aming dadalhin. Nag-rent kami ng dalawang van dahil hindi kami kasya sa isa. Labing-walo kasi kami sa klase at panlabing-siyam ang aming professor. As usual, magkatabi kami ni Jared sa loob ng van. Naging mahaba ang aming biyahe dahil may kalayuan din ang Zambales mula sa Valenzuela kung saan nandoon ang aming school.
Mahaba at nakakapagod ang aming biyahe. Hapon na nang marating namin ang aming pakay, ang barangay San Felipe. Tahimik ang lugar at halatang may kahirapan ang pamumuhay dito. Hindi sementado ang daan at halos mga pinagtagpi-tagping mga kahoy at tolda ang mga bahay. Sinalubong kami ng tinatawag nilang Tatay Igme. Siya pala ang itinuturing na kapitan sa lugar na ito at pinuno ng mga aetas. Oo, mga kababayan nating aetas pala ang bibigyan namin ng tulong.
Niyaya kami ni Tatay Igme sa kanyang tahanan na hindi naman kalayuan sa pinag-park ng aming mga sasakyan. Medyo maayos naman ang tahanan niya kung ikukumpara sa iba. Magiliw kaming tinanggap at inasikaso ng asawa ni Tatay Igme. Sinabihan kami na magpahinga muna raw at pihadong pagod kami sa biyahe. Habang nagpapahinga kaming mga naiwan sa ilalim ng puno ng sampalok, abala naman ang iba sa paglalakad-lakad sa paligid. Ang pamilya naman ni Tatay Igme ay abala sa paghahanda ng aming magiging hapunan.
Bukas pa kasi kami magsisimula sa aming medical mission at inilaan lang talaga namin ang unang araw para sa biyahe. “Tiyak na magugustuhan ninyo itong niluluto namin dahil madalang kayong makatikim nito sa Maynila,” ang sabi ni Tatay Igme. “Naku salamat naman po sa inyo at naabala pa po kayo dahil sa amin,” ang tugon naman ng aming professor.