PHYSICAL EXAM

359 6 0
                                    

Shit! Tinitigasan na naman ako. Gusto kong kumambyo pero paano, nasa gitna ako ng Nursing 101. Heto kasing si Sato, nakikita ko pa lang nililibog na ako.

Si Sato, ang numero unong heartthrob ng klase. Halos lahat ng babae sa amin, nababaliw sa kanya. Paano ba naman, yung mukha mala-John Lloyd pero yung katawan, naman, mala-Aljur. Sa guwapo niyang yon di ko alam kung bakit pa siya nagtitiyagang mag-aral ng Nursing. Puwede naman siyang maging artista o model.

Kung si Sato ang numero uno, di naman sa pagmamayabang, ako ang sumunod sa pagkaguwaping. Mas moreno nga lang ako kaysa sa kanya. Kumbaga, mala-Rocco Nacino ang dating ko.

Minsan nga napagtripan kami ng klase. Nagbotohan sila kung sino ang mas pogi sa amin. Siyempre, panalo si Sato, pero ilang boto lang ang lamang niya.

Pero kahit halos pareho kami ng dating, magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Masayahin si Sato, palabiro at mabarkada. Mukhang di siya seryoso sa pag-aaral kaya yung mga grades niya, katamtaman lang.

Ako naman, mataas ang grades pero may pagka-suplado. Tuwing break nga, lagi akong nag-iisa't nag-aaral para sa susunod na klase. Samantala si Sato at ang barkada niya, nagkukulitan o naglalaro ng video games sa laptop nila.

Kung di sila ang maingay, yung mga babae naman. Panay ang usap nila kung gaano ka-cute si Sato. Minsan nga nag-aaway pa sila kung sino ang mas type ni Sato sa kanila. Napapailing na lang ako.

Dahil may hitsura din ako, di maiiwasang kulitin din ako ng mga babaeng yon. Di ko masyadong pinapansin. Mas gugustuhin ko pang patulan yung mga kaklase naming boys kaysa sa kanila. Pero siyempre, di nila alam yon... walang nakakaalam.

Grabe sa pagka-conservative kasi ang pamilya ko. Ewan ko ba, parang naiwan yung mga utak ng mga magulang ko sa 1960s. Dapat laging disente, laging nagsisimba, laging masunurin... kumbaga, ikamamatay nila kung magdadala ka ng kahihiyan sa pamilya. Kaya heto ako, tinatago ko ang mga tunay na nararamdaman ko para magmukhang normal. Pero di ko alam kung gaano katagal ko kakayanin 'to. Isang araw sasabog na lang ako.

Yun ang dahilan kung bakit ilag ako sa mga tao. Baka kasi pag masyado silang naging malapit sa akin, madiskubre pa nila ang tunay na pagkatao ko.

"Ang project assignment niyo ngayong sem ay Health Assessment... pagbutihin niyo dahil 30% 'to ng grade niyo sa subject na 'to."

Naputol ang pag-iisip ko sa sinabing yon ng propesor namin. Health Assessment yung mga ginagawa ng mga nurse bago iharap ang pasyente sa duktor. Iinterbyuhin nila ang pasyente, kukunin ang blood pressure at temperature, at titignan ang katawan nila para sa mga di karaniwang bagay tulad ng bukol o pasa. Kumbaga parang physical exam na rin ang dating nun.

"Magpapartner-partner kayo at gagawan niyo ng assessment ang bawat isa... babae sa babae, lalaki sa lalaki. Inassign ko na ang magkakapartner," dagdag ng propesor namin.

Binasa niya ang listahan ng mga magkakapartner. Para akong nanalo sa lotto nung nalaman kong ang kapartner ko ay si Sato. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin. Ako, tumango lang, kunyari 'no big deal'.

"Partner! Kelan ka puwede?" sabi ni Sato habang nagha-high five sa akin pagkatapos ng klase.

"Sa Sabado."

"Ayos! Buti na lang matalino ang kapartner ko. Sa bahay tayo 'tol, para di magulo."

Ganado man akong makasama si Sato, ninenerbiyos pa din ako. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko, magawan ko siya ng bagay na ikasisisi ko. Bahala na. Heto na naman ako, iniisip ko pa lang ang Sabado, tinitigasan na naman ako.

Nung araw na yon, pinuntahan ko si Sato sa kanila. Mukhang may kaya naman sila, maganda ang bahay. Diretso na kami sa kuwarto niya.

Nagkuhaan muna kami ng mga vital stats. Hinawakan niya ako sa pulso para kunin ang pulse rate ko.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon