Old Songs - Barry ManilowChorus
And maybe the old songs
Will bring back the old times
Maybe the old lines
Will sound newMaybe he'll lay his
Head on my shoulder
Maybe old feelings
Will come through
Maybe we'll start to cry
And wonder why
We ever walked away
Maybe the old songs
Will bring back the old times
And make him want to stayEverytime I hear this song, naaalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Jake. The memories that we've shared, laughter and tears. Tanging old songs nalang talaga ang kayang magbalik ng masasayang alaala na yon, chances na sinayang ko at ang sakit na idinulot ko sa kanya. Maging sa aking sarili.
Nagsimula kami sa pagiging masaya sa isa't isa pero humantong kami sa ganitong sitwasyon.
“We always have a choice. It's just that some people make the wrong one.”
-Anonymous
****
Madaling araw na kaming lumisan mula sa spa na pinuntahan namin.
Kahit papaano ay gumaan na ang loob ko sa paghingi ng tawad kay Jake. Hindi man siya nagsalita, pero ramdam ko sa yakap at luha niya na pinapatawad niya na ako.
May pictures pa nga kami together nila Don, Enzo, Jake at ako (wala si Paul sa picture dahil nag cr siya nun) matapos akong magsorry kay Jake. Mukha kaming masayang-masaya sa picture dahil pare-pareho kaming naka wacky face maging si Jake. Pero hanggang doon lang pala ang saya niya dahil hangang makarating ako ng bahay ay hindi na ako kinausap ni Jake. Tahimik lang siya hanggang maghiwa-hiwalay na kami.Naiintindihan ko. Pinatawad niya na ako pero ramdam ko kailangan niya ng time para sa sarili para pag-isipan ang lahat. Mga bata pa lang kami, alam kong hindi marunong magtanim ng sama ng loob si Jake. Ako din pala ang mismong nagturo sa kanya nito.
Alam kong sobrang sakit n'on para sa kanya, kaya hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko ang lahat. Kung sana naging matatag lang ako, kung sana hindi ako naduwag na harapin ang lahat.
Pumasok sa isip ko ang offer sa akin papuntang Qatar. Hindi ko pa din maisip kung ano ang itutugon ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko munang ayusin ang sa amin ni Jake bago ko tuluyang i-grab ang opportunity. Ayokong umalis na lang bigla ng hindi kami nagkakaayos. Ayokong gawin ulit sa kanya.
Sa susunod na linggo ay araw ng kasal ng tita Lynette. Anak siya ng pinakabunsong kapatid ng lola namin ni Jake. Gusto niya na kumanta ako at si Jessica (kapatid ni Jake) sa araw ng kasal niya. Pero bukod doon ay kinuha niya din ako bilang isang abay. Close kasi kami noong kabataan namin dahil hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad namin. Mas matanda lang siya sa akin ng apat na taon.
Kasama din sa entourage sila Paul, Don at Jake.
Dumating na ang araw ng kasal ni Tita Lynette. Kumpleto ang buong angkan namin. Nakita ko din sila Paul at Don na pormang-porma sa suot nilang barong tagalog. Kasama nila ang mga girlfriends nila. Kinawayan ko lang sila at ngumiti.
Kasama ko namang dumating si Jessica. Nag practice pa kasi kami ng kakantahin namin mamaya. Kinakabahan ako dahil first time kong kakanta sa isang kasal. Pero hindi ko makitaan ng kaba si Jessica. Sanay na kasi ito. Member siya ng isang choir dati at naipadala na din sila sa Hongkong noon para sa isang International Competition.
Kalaunan ay nakita kong dumating si Jake. Nakakapit sa kanya 'yong babaeng nakita kong kasama niya sa mall. Kapit na kapit ito sa kanya na parang gandang-ganda sa sarili.
Napaka fresh ng itsura ni Jake. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata niyang chinito ay lalong naniningkit dahil sa kakangiti niya sa tuwing bumabati siya sa mga kamag-anakan. Siya na yata ang pinakagwapo para sa akin sa mga taong naroroon.