Part 5
Lumipas ang panahon na madalas ko ng kasama si Enzo. Pinaparamdam niya din sa akin kung gaano niya ako pahalagahan. Madalas siyang sweet sa akin, pero hindi ako makaramdam ng special feelings para sa kanya. Hanggang pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay.
Madalas ko ding mapansin si Jake na nagtatampo at nagseselos. Hinahayaan ko lang. Mas makakabuti na din ito para sa amin upang makalimutan ko kung ano ang status niya sa puso ko.
Madalas niya din namang kasama si May at sa tingin ko ay seryoso na siya doon.
Nakagraduate na din ako at nakahanap ng unang trabaho bilang isang Accounting staff ng isang kilalang Mall. Tumagal din ako ng isang taon at kalahati.
Saka ako naka received ng offer para magtrabaho sa middle-east. Naisip kong igrab ang opportunity.
"Sigurado ka na ba jan bok?" tanong sa akin ni Enzo.
Bok kasi ang tawagan namin. Pareho kasi kaming may maliliit na acne marks. Pero hindi naman halata. Onti lang haha
Nasa bubong kami ng bahay nila at nagkakape.
"Oo bok..Mabuti na ito para makalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Jake. Para makaipon na din."
"Paano si Jona?"
"Naintindihan naman niya ang desisyon ko. Alam ko masakit sa kanya pero ayoko din kasi maging unfair sa kanya. Girlfriend ko siya pero iba ang laman ng puso ko... kaya humingi muna ako ng time para hanapin ang sarili ko."
"P-paano ako bok?" pag-aalangan niya at tingin ko nahiya siya sa tanong niya.
Pinaharap ko siya sa akin at nginitian.
"Wag kang mag-alala, ikaw pa din ang bestfriend ko at hindi kita ipagpapalit."
Ngumiti lang siya pero malungkot pa din.
"Hanggang bestfriend na lang talaga ako sayo." pagsusumamo niya habang nakayuko.
"Mahalaga may relasyon tayo kahit hanggang bestfriend lang. Ayaw mo nun? Panghabang buhay na label yun."
Ngumiti na lang siya. Alam niya naman na buo na ang desisyon ko.
Bago nag paalam ay binigyan niya ako ng jersey shirt ng Chicago Bulls na may surname ni Derek Rose at number 1. (Hanggang ngayon paborito ko pa ding suotin, I'm sure pag nabasa niya ito malalaman niya na ako to hehe). Remembrance niya daw sa akin.
Binigyan ko din naman siya ng paborito kong branded na jacket. (Buhay na buhay pa din ito, hindi niya daw masiyado sinusuot para daw hindi kumupas.)
----
Dumating na ang araw na aalis na ako para mag-ibang bansa. Mahirap para sa akin dahil first time kong mag wo-work sa ibang lugar. Pero mas mahirap ang iwanan si Jake.
Sinadya kong wag ipaalam kay Jake na aalis ako. Ayoko kasing malaman ang reaction niya at baka mapigilan niya ako.
Umalis ako at tuluyang hindi nagpaalam sa kanya.
----
Narating ko na ang destinasyon ko. Noong una nahirapan ako kasi iba ang climate, napakainit. Iba-ibang cultures at nationalities din ang nakakasalamuha ko.
Nakapag adjust din naman ako. Pero hindi pa din mawala sa isip ko si Jake. Lalo na yung sinabi niya sa akin sa chat na nabasa ko kinabukasan mula ng dumating ako sa destinasyon ko.
"Madaya ka! Akala ko ba walang iwanan.
Hindi mo man lang ako sinabihan na aalis ka na.
Pakiramdam ko wala akong kwenta sayo :'(."Naungkot ako noong nabasa ko yun, nakaramdam din ng guilt. Hindi ko dapat ginawa sa kanya yun. May mga pinagsamahan din naman kami.