Aral Mula Kay Yuri

121 0 0
                                    


Maliwanag ang buwan, may kalamigan ang ihip ng hangin at payapa ang paligid.  Habang nakaupo ako sa veranda ng aming bahay, hindi maiwasan ng isip ko ang magmuni-muni... magmasid... at magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa aking buhay at sarili.  Sa tuwing nag-iisa kasi ako, ito ang lagi kong ginagawa.  Para sa akin, ito ang pinaka-angkop na oras upang mapagnilay-nilay ang mga bagay na nagawa ko sa maghapon, mga bagay tungkol sa aking buhay at mga aral ng panahon na dapat kong matutunan.

          Sa pagkakaupo kong iyon, sumagi muli sa aking isipan ang karanasang kanina lamang nangyari.  Ito ay isang pangyayaring naganap sa pagitan ko at ng isang lalaking nakasabay ko sa paglalakad pauwi sa amin. Ito ang simula ng aking paglalahad...

Maaga na naman akong makakauwi dahil tuwing araw ng Biyernes ay hanggang alas-tres lamang ang aking pasok sa unibersidad na aking pinapasukan.  Kagaya ng dati, uuwi ako agad ng bahay upang makapagpahinga at makapag-internet hanggang gabi.  Hilig ko kasi ang makipag-chat sa aking mga kaibigan, kaklase at mga bagong nakikilala sa mga social networking sites, lalu na yung mga sites na ang laman ay puro mga lalaki o yung tinatawag na m2m.

Isa kasi akong bisexual na simula pa lang sa pagkabata ay alam ko na ngunit hindi ito alam ng aking mga magulang at kapatid.  Discreet bi ako.  May mga kaibigan ako na alam nila ang pagiging bisexual ko at tanging sila lang ang pinagsabihan ko nito.  Mapalad naman ako at sila ang mga naging kaibigan ko dahil naiintindihan nila ang kalagayan ko at hindi nila ito ipinagsasabi sa iba.

          I am Marcus, 20 years old and a fourth year HRM student.  I can proudly say that I am living a happy life though I'm not from a well-off family.  Naniniwala kasi ako na hindi lang pera ang tanging nakakapagpasaya sa tao.  Hindi naman ako nahuhuli sa standing sa klase namin, marami akong kaibigan na nagmamahal at nakakaintindi sa akin, at meron akong masaya at buong pamilya.  Para sa akin sapat na ang mga dahilang ito para masabi kong masaya ako.  Sana nga lamang ay huwag dumating ang pagkakataon na malaman ng aking pamilya ang tungkol sa pagiging bisexual ko dahil ito ang isa sa mga bagay na kinatatakutan kong mangyari.  Hindi ko kasi alam kung ano ang idudulot nito sa relasyon ko sa kanila... magagalit ba sila... matatanggap ba nila ako... ikahihiya... itatakwil... o kung ano pa na maaaring mangyari.

          Kaya naman lagi akong nag-iingat sa aking mga kilos at sa pakikipag-chat ko sa mga lalaking nakikilala ko sa internet.  Ito rin ang dahilan kung bakit iba ang ginagamit kong pangalan sa FB ko at hindi ako naglalagay ng picture.  Mahirap kasi kung bigla nila itong makita... patay na!

          Hindi ko ikakaila na may ilan na rin akong guys na naka-eyeball at naka-sex na minsan ay mas matanda sa akin at meron din naman na mas bata ng kaunti.

          Habang pauwi ako ng hapong iyon ng Biyernes, pagkababa ko sa jeepney, ay naglakad na ako pauwi ng bahay.  May mga isandaang metro pa kasi ang lalakarin ko bago ako makarating sa amin dahil hindi naman dumadaan doon ang mga jeepney.  Mahal naman kasi kung sasakay ako ng taxi, hindi ito praktikal para sa isang estudyanteng tulad ko.

          Sa aking paglalakad ay hindi ko namalayan na may lalaki pala na kumakausap sa akin sa aking bandang likuran.  Nakasuot kasi ang earphones ko habang nakikinig ng paborito kong awitin sa aking cellphone.  Nang magkatapat lang kami sa paglalakad at napalingon ako sa kanya ay doon ko lang napansin na kinakausap pala nya ako.  Inalis ko ang earphones sa tenga ko at tinanong ko kung ano ang sinasabi nya.  "Saan ka ba umuuwi dito?" ang tanong ng lalaki.  "Dyan lang malapit sa karinderya yung green na gate," ang sabi ko.

          Sa tuwing haharap ako sa kanya sa buong pag-uusap namin ay napansin kong may ka-gwapuhan sya.  May pagka-singkit ang mga mata, maputi, halos kasingtangkad ko sa taas na 5'8" at halatang matipuno ang katawan sa suot nyang maong at blue polo na nakabukas ang ilang butones sa harap.  Matambok ang kanyang puwit na siya namang agad kong napansin.  Iyon kasi ang una kong tinitignan sa isang lalaki.  Ewan ko ba pero nalilibugan ako kapag matambok ang likuran ng isang guy.

M2M SERIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon