(This is a new chapter under new edition)
"Maniwala kayo sa akin, wala akong ginagawang masama!" pagtulo ng aking mga luha na kanina pa walang humpay sa pagbagsak. Kahit alam kong wala akong laban, sinusubukan ko pa ring depensahan ang sarili dahil sa mga paratang nila, mga paratang na walang katotohanan.
"Hindi ko kayang gawin iyon, pakiusap!"
Sa bawat latay ng latigo sa aking likod, patuloy ang pag-agos ng aking mga luha, kasabay ng pag-agos ng dugo sa aking likuran, "Hindi ako ang pumatay sa kanya!" ngunit kahit gaano ako magmakaawa, tila hindi nila ako naririnig. Kasabay ng malakas na paglatay ng latigo, ramdam ko ang pamamaga sa aking likod.
Ano ba ang nagawa ko para maranasan ang ganitong parusa? Patuloy nila akong inaakusahan sa isang bagay na hindi ko magagawa. Halos wala nang natirang boses mula sa paulit-ulit kong pakikiusap para sa isang bagay na wala akong kaalam-alam.
Kasalanan bang matunghayan ang pangyayaring 'yon? Ako pa rin ba ang pagbibintangan nila kung sakaling hindi ako ang nakakita?
Kailan pa naging kasalanan ang masaksihan ang isang bagay?
"Pakiusap! T-This is too much!"
"Hindi ko alam ang nangyari!"
"Hindi ko siya pinatay!"
Mariing ipinikit ko ang aking mga mata dahil naaalala ko ang lahat, lahat ng sakit, pighati at lungkot. Sa dinami-rami ng tao, bakit ako pa?
"Sy."
Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?
"Sy."
Unti-unti akong nagmulat ng paningin.
"Sy."
Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagdala sa akin pabalik sa reyalidad. Nang lumingon ako sa gilid, sumalubong sa akin ang nag-aalala nitong mga mata. Mula noon hanggang ngayon, siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay.
"Okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo?" tanong ni Raven.
Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. Nararamdaman ko na ulit ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo kaming pareho sa likod ng isang gusali sa campus. Bihira ang mga estudyante sa lugar na ito, lalo na sa gabi. Sigurado ako na walang makakakita sa amin ngayon dito. Sa harap namin ay ang mga pader na pumapalibot sa paaralan, hindi gaanong kataasan katulad ng nag-iisang matayog na pader kung saan may electric barrier at kung saan may nahulog na lalaki.
"Nag-aalala ako sa'yo. Sugatan ka. Ano ba talagang ginawa nila sa'yo kanina?" napansin ko na tinitignan niya ang aking mga kamay, at iniabot ito upang hawakan. Binawi ko ito dahil naka-kabit pa rin sa aking mga kamay ang natitirang metal kung saan nakasabit ang mga kadena kanina.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."