- Syden -
Pagkarating ko sa tapat ng saradong pinto ay saka ako natigil. Huminga muna ako ng malalim at napayuko. Kaya ko 'to, kakayanin ko. Tumingala ako at hinawakan ang door knob ng pintuan. Hindi maikakaila ang bandage na nakapaikot sa aking kamay at sa mga band-aid sa aking katawan bunga ng natamo kong mga sugat sa pagtulong kay Raven. Tuluyan akong humakbang papasok ng classroom. May kaingayan sa paligid, halos lahat ay may kanya-kanyang grupo. Sandali silang napatingin sa pagdating ko ngunit hindi rin naman nila ako pinansin.
Himala.
Nakayuko akong humakbang pasulong at papalapit sa aking kinauupuan. Natigilan ako sa tapat ng aking kinauupuan dahil may nakaupo na rito. Bigla akong may naalala, hindi pala uso rito ang seating arrangement. Kahit iba-iba ang pwesto mo araw-araw, pwede.
Ngayon lang ulit natuloy ang pagpasok ng mga estudyante. Simula nang mangyari ang insidenteng 'yon ay hindi muna kami pinapasok sa loob ng tatlong araw. Marami kasing sugatan at duguan dahil sa nangyari. Ni walang ibinalik na sagot sa amin ang council kung sino ba ang may gawa nito. Base sa mga biktimang estudyante ay hindi rin nila kilala ang mga nanakit sa kanila at kung sinuman ang naglagay ng letrang 'X' sa kanilang pisngi.
Si Raven ay nakuha naming mapagamot sa clinic nang makalabas kami sa Art Studio. Tatlong araw siyang nakahiga at hindi makagalaw. Mabuti na lang at mabilis bumalik ang lakas ng katawan niya. Natuyo naman na ang iba nitong sugat ngunit nagpumilit pa ring pumasok dahil may punishment naman kung aabsent ito.
I can't still move on dahil sa nangyari sa kanya. Ayaw ko ng maulit pa ulit 'yon.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang mga Blood Rebels, nasa gitna, nakaupo sa mga table at nakapalibot sila sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Carson. Para kay Roxanne siguro 'yon. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito lalo na't seryoso sila.
Si Carson, ang nag-iisang nakaupo sa upuan at nakakibit-balikat habang ang mga myembro naman niya ay nakaupo sa mga lamesa, nakaharap at naka-paikot sa kanya. May nakita akong bakanteng upuan sa pinaka-harapan kaya dumaan ako sa gilid para magpunta roon, ngunit hindi ko naituloy ang balak nang may humarang sa aking daraanan.
Pagtingin ko ay isa sa mga Rebels, ibinaling niya ang kanyang ulo sa gilid na parang sinesenyasan akong sa gitna dumaan. Tumingin ako sa kabilang-gilid at may nakabantay din na parang ayaw nila akong paadanin doon.
Bakit naman bawal dumaan sa gilid? Dahil ayaw kong makipag-debate ay
bumalik ulit ako sa likod para dumaan sa gitna kung saan ay madaraanan ko sila. Hindi ko nakikita si Clyde at Roxanne, pero ang iba nilang miyembro ay nandito. Baka nag-date sila.
Dumaan ako sa gitna papalapit sa harapan kung saan nakapalibot ang mga Blood Rebels. Bago ko sila tuluyang malampasan, may kung sinong humawak sa aking braso at sapilitan akong iniupo. Halos manlaki ang mata ko nang makitang katabi ko si Carson ngayon. Nag-umpisa nanamang kumabog ang aking dibdib.
Ano nanaman bang trip nila?
Nakatingin lahat sila sa akin at seryoso ang mga mata na tila kakainin ako ng buhay, "Hi," bati ni Carson kaya sa kanya nabaling ang aking atensyon.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."