(This is an added chapter under new revision.)
Napatingin ako sa kung saan. Bakit nga ba? Sumali ako sa kanila para matahimik na si Clyde pero bakit parang pinapahirapan niya pa rin nga ako? Hindi ba ang sabi niya ay inaalagaan nito ang mga miyembro niya?
"Sinubukan ko kasing gantihan si Roxanne kanina, kaya siguro nagalit siya sa akin," mahina kong sabi. Napatingin ako sa malayo habang malakas pa rin ang hangin.
Kung sinuman ang lalaking kasama ko, marami siyang alam tungkol sa akin, pero hindi na ako magtataka dahil siya na mismo ang nagsabing sinusubaybayan niya ako, kaya hindi na ako dapat pa na magtaka sa mga tanong niya kung bakit marami siyang nalalaman tungkol sa akin.
"Sikat si Clyde sa pagsasabi na inaalagaan niya ang mga members niya, pero bakit wala siyang ginawa kanina para pigilan ang Redblades noong binabato ka nila?" tanong pa niya.
"Wait?!" napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata, "Paano mo naman nalaman ang tungkol dyan?" kung sinusundan niya ako, imposibleng nakita niya lahat ng nangyari kanina sa classroom ng Blood Rebels dahil nakasara ang mga pinto.
"Bulag ka ba? We have the same class number, in short, we are in the same room."
What?! Bakit hindi ko siya napansin kanina?
"Seryoso ka ba?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mukha ba akong nagbibiro? Nakaupo kasi ako sa pinakaharap at natutulog ako kaya siguro hindi mo ako napansin, at saka kanina pa ako naka-hoody sa classroom para hindi nila ako makilala," seryoso siya at mukhang hindi naman ito nagbibiro o gumagawa ng kwento.
"Bakit naman ayaw mong magpakita? Sino ka ba ha?" panghahamon ko, "Kriminal ka siguro no?" hindi naman ito basta-basta magtatago ng ganyan kung wala siyang ginawa.
"Grabe ka naman sa akin, after I saved you. Isa pa, bago ko sagutin ang tanong mo, sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit wala siyang ginawa kanina para pigilan ang Redblades noong binabato ka nila? Dapat ay pinagtatanggol ka niya dahil isa ka sa kanila."
"Hindi ko rin alam," ibinalik ko ang tingin sa harapan.
Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya, "Hindi kaya mahal niya pa si Roxanne kaya pinigilan ka niyang gantihan ang ex niya?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."