- Syden -
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko kay Alvin. Siya lang naman kasi ang malapit sa akin kaya sigurado akong siya yung kumuha sa pagkain ko.
"Tingin mo ba makakaligtas ka sa punishment ni sir once na makita niyang kumakain ka sa klasi niya?" bulong niya sa akin.
Itinuloy na kasi ni sir yung discussion niya kanina pagkatapos niyang makita na wala akong tinatago. Akala ko nga mahuhuli niya ako. Salamat naman dito sa katabi ko at naisalba niya ang buhay ko.
"Okay class. I need to leave now, just stay here and wait for your break time," sabay alis ni sir. Chineck ko yung oras at 10 minutes pa before the break. Ang aga naman niya umalis.
"Hey," bati ni Alvin sa akin. Wow feeling close ah?
Seryoso ko lang siyang tinignan habang nakatingin naman sila sa akin pati ang mga kaibigan niya, "Hindi ka ba magpapasalamat sa akin? I just saved your life," yabang ha?
Sabagay, bakit ko pa nga ba siya susungitan? Sige na nga, makikipag-kaibigan na ako sa kanila as an appreciation sa ginawa niya kanina. Baka sabihin niya pang nag-iinarte ako. Mataray ko siyang tinignan, "Fine. Thank you pala kanina, Alvin."
Mukha namang natuwa sila sa sinabi ko kaya kitang-kita ko yung ngiti nila, abot ata hanggang langit, "And you are?" inabot niya yung kamay niya sa akin.
"Syden," inabot ko na din yung kamay niya.
"Wow! Cool name ah?" hindi ko na lang sila pinansin after noon, pero nangungulit pa rin.
Medyo lumapit siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya, "You're one of the Phantoms, right?" nanlaki ang mata ko sa binulong niya sa akin. Paano niyang nalaman?!
"Ano bang kailangan mo?" seryoso kong tanong.
"Easy, girl. Nagtatanong lang naman ako, wala akong ibang balak. Namukhaan lang kita kasi usap-usapan ka sa buong campus after nangyari yung sa cafeteria. If you're one of the Phantoms, then bakit kasama mo ang Blood Rebels?" napaisip ako sa sinabi niya. Siguro nga kailangan kong i-explain para hindi na siya mag-alinlangan sa akin.

BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."