- Raven -
Monday nanaman.
Ito ang last week na dapat kaming pumasok sa mga class number na nabunot namin. Konting tiis na lang at may makakausap nanaman ako dahil next week, kaklasi ko na ulit si Sy.
Wala naman kasi akong makausap sa classroom ko ngayon dahil hindi naman ako pala-kaibigan katulad ng iba para makipag-usap, unless na lang kung sila ang unang kakausap sa akin.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong naghihintay si Syden sa labas,
"Wow! Himala. Maaga ka ngayon ah?" biro ko.
Araw-araw kasi halos sampung minuto ko siyang hinihintay sa labas ng kwarto niya. Halatang mainit ang ulo niya dahil masama ang tingin nito sa akin, "Oo maaga ako ngayon. Pasalamat ka nga hinintay pa kita," mataray niyang sabi.
Natawa na lang ako, "Wow! So ako pa yung dapat na magpasalamat eh ako nga itong halos makatulog sa labas ng kwarto mo kakahintay sa'yo."
Umiling siya at tinalikuran ako. Nagawa pa niya akong pang-ikutan ng mata, "Ano bang problema mo?" sinundan ko siya sa likuran nito.
Tumigil siya at tumingin siya sa akin, "Halika na. Baka ma-late pa tayo ng dahil lang sa 'yo."
Ngumiti ako at inakbayan siya kaya napatingin siya sa akin habang naglalakad kami, "Ang init ng ulo mo ah? Kalma lang, okay? Baka kasi may makaaway ka nanaman," pabiro kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.
Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala sila Icah kaya napatigil ako, "Sila Icah? Hindi ba sila sasabay sa atin?"
"Hindi. Nauna na sila. May aasikasuhin daw," sagot niya.
Papunta na kami sa school building at marami kaming kasabay na estudyante.
Naririnig namin silang tumatawa at nagkwekwentuhan pero si Syden, mainit pa rin ang ulo at hindi kumikibo. Napano ba 'to? Nireregla?Moody kasi siya at ako lang ang nakatagal na magtiis sa kanya, pero okay lang sa akin 'yon dahil sanay na ako sa kanya.
Habang naglalakad kami, bigla kong naalala ang classroom na pinapasukan niya. Kaklasi niya kasi sina Clyde, Roxanne at Carson kaya nag-aalala nanaman ako, "Sy?" sambit ko.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
TerrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."