- Syden -
Hindi ko alam kung paano ako nakatiis sa lugar na 'to. Ni hindi ko alam kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa akin. Masama pa rin ang loob ko sa mga sinabi niya.
Dahil doon, ninais ko munang magpalamig ng ulo para naman hindi kami mag-away, baka kasi mas masabihan niya pa ako ng masakit na salita kapag nag-away ulit kami. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok at hindi nagpapakita sa kanila.
Hindi ako nag-stay sa tambayan nila kasi ayaw ko pa silang makita, kaya naghanap na muna ako ng matutuluyan pampalipas ng gabi. Tatlong araw na ako sa malamok at maduming kwarto na ito. Nakita ko kasing walang tao at walang gumagamit kaya dito muna ako nag-stay para makaiwas sa kanila. Alam kong hinahanap nila ako lalo na si Raven. Siguradong nag-aalala na 'yon.
Nakapunta na rin sila sa kwartong 'to kung saan ako nagiistay, pero hindi nila ako nakita dahil nagtago ako lalo na't madilim pa at walang ilaw pero dahil sa kagutuman, hindi ko na natiis pa. Kaya lumabas ako kahit na ayaw ko.
Ilang oras ko ng naririnig ang pagrereklamo ng tiyan ko kaya tuluyan na akong lumabas sa kwartong 'to. Pumunta ako dun sa tambayan nila kasi nandon lahat ng gamit ko, kailangan kong maligo, ang baho ko na kasi.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, buti naman wala pa sila. Pumasok ako sa loob at kumuha ng damit para maligo. Pagkatapos, nagluto ako ng pagkain para makakain, buti naman at may stock silang pagkain pero sigurado naman akong pabalik na yung mga 'yon. Dismissal na eh. Nang matapos akong kumain, niligpit ko na agad para makaalis na. Ayaw ko naman na abutan pa nila ako dito kaya good-to-go.
Pagkabukas ko sa pintuan, nanigas ako sa kinatatayuan nang makita sila. Masama ang tingin nila sa akin habang ako naman, nanlaki ang mata ko. Hala shet! Nakita nila ako! Pero napatingin ako sa likuran nila at nakita si Carson kaya kumulo ang dugo ko. Tinignan ko siya ng masama at nilagpasan ko silang apat. Buti na lang at walang pumigil sa akin kaya tuluyan akong nakawala sa mga nag-aapoy nilang mata.
"Sy."
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Raven. Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan ng umalis. Hindi ko pa sila kayang harapin lalo na yung leader nila. Hanggang ngayon, galit pa din ako sa kanya. Hindi naman kasi ako malandi kagaya ng iniisip niya.
Tinuloy ko ang paglalakad papunta sa classroom nila Julez para doon magpahinga. Ayaw ko naman kasing bumalik doon sa kwarto kung saan ako nagstay. As usual, syempre pagkapasok ko sa classroom nila, tahimik at nagbabasa lang silang lahat ng libro. Hindi man nga nila ako napansin na pumasok.
Umupo na lang ako sa may tabi ng bintana habang nakatingin sa malayo. Iniisip ko pa rin lahat ng nangyari magmula umpisa hanggang ngayon. Oo nga pala, finrame up lang ako kaya napunta ako rito at nadamay lang si Raven. Wala naman siya dapat dito pero bakit nga ba kami dinala dito? Para saan?
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."