Chapter 1

5.5K 117 24
                                    



"What is this again, Ms. Fuentes?" bulong ni Mrs. Lim sa likod ng tenga ko. Ang salamin ang tanging paraan namin para magpalitan ng tingin.


Nakaupo ako sa isang upuan habang siya'y nakatayo sa likod ko. Ang kanyang pulang uniporme ay halos tila hindi na magkasya sa kanyang katawan. Kitang-kita ang kanyang tiyan na lumalabas dahil sa halos hindi na maisarang mga butones. Nakasuot siya ng puting long sleeves, pula na coat at tie, pula ring palda tulad namin at itim na medyas. Halos pareho lang ang uniporme ng mga estudyante at guro.


Maayos ang kanyang itim at naka-ponytail na buhok, may bangs na sumasaklaw sa kanyang noo. Upang kumpletohin ang larawan, may suot siyang itim at makapal na salamin, at ang kanyang mga labi ay kasing-kulay ng kanyang suot. Sa kabuuan, isang malapad na babae si Mrs. Lim.


Isang malaki ngunit basag na salamin ang nasa harap namin. Unti-unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata ngunit pilit kong pinigilan.


"How many times do I need to repeat myself?" saad niya, habang patuloy kong naririnig ang tunog ng metal na gunting na hawak nito. Dahil hindi ko kayang panoorin ang kanyang ginagawa, ipinikit ko na lang ang aking mga mata.


May itim na folder na nakalagay sa aking kandungan, doon nakapatong ang kamay ko. Ikinuyom ko ang aking mga kamao upang pigilan ang aking mga luha mula sa pag-agos.


Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit kailangang ganitong parusa pa ang matanggap ko?


"Is it that really hard para sumunod sa simpleng utos?" tanong pa niya.


Nag-ipon ako ng lakas ng loob para buksan ang aking mga mata. Ngayon, nakikita ko kung paano niya unti-unti ginugupit ang bawat hibla ng aking buhok na hanggang baywang. May iba't ibang haba ang pagputol na ginagawa niya. Alam kong paglabas ko sa silid na ito, magiging magulo na ang ayos ng buhok ko, sapat na upang pagtawanan ako ng aking mga kaklase. Tanging tunog ng metal nitong gunting ang aking naririnig habang pinapanood ko sa salamin ang ginagawa niya sa buhok ko. Halatang natutuwa siya dahil sa ngiti nito.


Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko magawa. Alam kong may pagkakamali rin ako, pero kasalanan bang ipagtanggol ko ang kakambal ko? At ngayon ay nakakatanggap pa ako ng ganitong parusa.


"Now, leave," maayos siyang tumayo sa likod ko, ang kanyang mga kamay ay bumaba na tila tapos na sa paggugupit. Tinignan niya ako mula sa salamin, "Apologize for what you did to him."


No, bakit ko kailangang gawin 'yon? Siya ang nagsimula. Pinrotektahan ko lang ang kakambal ko. Tinignan ko lang si Mrs. Lim ng masama sa salamin gamit ang aking mga mata.


"Ayon sa mga estudyante, sinadya mong sipain siya sa hagdanan, kaya siya nahulog. Hindi 'yon aksidente," dagdag pa nito.


Mas pinaigting ko pa ang pagkakakuyom sa aking mga kamao habang sa salamin kami nagkakatinginan.


"If you will not do as I say then I'm sorry, kailangan kitang sipain palabas ng eskwelang 'to. I don't care kung saan ka pupulutin."

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon