Chapter 15

961 35 1
                                    



- Syden -



Pagkaalis namin ni Clyde sa Prison Tree, wala akong nagawa kundi ang sumunod dito lalo na't hila-hila niya ako sa kamay. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Mabilis ang lakad niya na parang nag-iinit ang ulo o wala sa mood, ganoon din ang mga mata nito na kulang na lang ay manaksak. Pumasok kami sa building at walang katao-tao. Malamang ay nagtatago ang lahat dahil sa nangyari. Natatakot na mangyari sa kanila ang sinapit ng lalaki sa puno kanina. Kahit sino naman ay makakaramdam ng takot. May pinasukan kaming classroom kung saan bakante at bahagya pang nakabukas ang pinto. 




Binitawan ako ni Clyde at nanatiling tahimik. Nasa baywang nito ang mga kamay niya ngayon, napapikit at yumuko, na parang pinapakalma ang sarili at pinapahaba ang pasensya. Mas mabuti sigurong umalis na ako. Tinalikuran ko siya para lumabas, "May sinabi ba akong pwede ka ng umalis?" seryoso niyang saad sapat na para matigil ako.



Hinarapan ko siya. Masama ang tingin nito sa akin ngayon. Nag-umpisa siyang maglakad ng pabalik-balik habang ang kanang kamay niya ay nasa baywang niya at ang kaliwang kamay naman niya ay nasa ulo niya, parang mainit talaga ang ulo.



Pagkatapos noon, tumingin ulit siya sa akin, "Anong sinabi mo sa kanya?" seryoso niyang tanong. Napatingin na lang ako sa kung saan. What does he mean?



"Anong sinabi ko sa kanya?" pagtataka ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin.



"Huwag mo nga akong lokohin! May sinabi ka sa kanya d'ba?" nagtaas siya ng boses na siyang ikinabigla ko, pero hindi ko naman talaga alam kung anong ibig niyang sabihin.



"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko maintindihan," pag-iling ko.



"May sinasabi ka ba kay Carson tungkol sa amin ni Roxanne?"



Hindi ko na kailangang isipin kung galit ba siya dahil halata naman, "Ha?! Ano bang sinasabi mo? Wal— " magsasalita pa sana ako pero nakita kong malalaki ang hakbang niyang papalapit sa akin at salubong na salubong ang kanyang mga kilay. At isa pa, saan niya nakuha ang ideya na may sinabi ako kay Carson?



"You can't fool me, Bliss Syden," diin niya na ngayon ay nasa harapan ko. Pansin kong nagkukuyom ang mga kamay niya. Hudyat na 'yon para isipin kong hindi na dapat ako magtagal pa rito.


"Believe what you want to believe, pero wala akong sinabe at higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang pinipilit mong sinabi ko kay Carson," tinalikuran ko siya tutal ay malapit na rin naman ako sa pintuan. Ganon na lang ang paninigas ko sa kinatatayuan nang ginamit niya ang isang kamay para isara ng tuluyan ang may siwang na pintuan.



Nakaharap lang ako sa pintuan dahil sa ginawa niya. Hinarap ko siya ulit. Ano bang problema niya? Nag-aapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumandal na lang sa pintuan, "Maniwala ka. Wala akong sinabi sa kanya," pagpupumilit ko, "Ilang beses ko bang dapat sabihin para lang maniwala ka?" seryosong saad ko. Ang isang kamay niya ay nasa gilid ko pa rin dahil sa ginawa niyang pagsasara ng pintuan kanina.



Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon